Saturday Apr, 27 2024 05:37:09 AM

NDBC BIDA BALITA Sept. 4, 2015

 • 06:24 AM Sat Sep 5, 2015
1,866
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 04,
2015 (FRI)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong BIYERNES, SEPTEMBER
4, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. MAG-ASAWA patay sa pamamaril sa Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao walong taong gulang nilang anak, sugatan.

2. Mga magsasaka na inaresto sa
Kitao-tao Bukidnon, kinasuhan na ng illegal possesion of firearms and
explosives

3. Sorbetero, patay sa pamamaril sa
Koronadal City

4. MARAMING mga lugar sa Pilipinas,
magkakaroon na ng libreng wifi, ayon sa DOST.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

0-

Local………………..

KALUNOS-LUNOS ANG SINAPIT NG MAG
ASAWANG ARABIC TEACHERS matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga
suspek sa national highway, bahagi ng sitio Katulungan, barangay Taviran, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ng DOS PNP ang nasawing
biktima na sina Mantil Sangkad, 46 years old, dating barangay kagawad ng sa
Mother Kabuntalan at Nhoreha Sangkad ,42, taga SPDA, Brgy. Semba, Datu Odin
Sinsuat.

Sugatan naman ang anak ng mga biktima
na si Norhanda Sangkad, walong taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng DOS PNP,
naglalakad lang ang mga biktima sa nabanggit na lugar nang pagbabarilin ng apat
na mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Dead on the spot ang mag-asawa habang
agad namang ipinagamot ang anak nila na ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng DOS
PNP.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga
otoridad ang motibo sa pamamaril sa mag-anak.

local………………….

TULUYAN namang sinampahan na
ng kaso ang tatlong mga suspek na sangkot sa highway robbery na naganap noong
Huwebes, August 27 kung saan natangay ang 1.6 million pesos na koleksyon ng
Maguindanao Electric Cooperative o Magelco.

Pangunahing suspek ang
mag-amang Abdulbasit Benito at Bryan Benito at isa pang Ibrahim Murad alyas
Ulak.

Sila ay pawang mga job order
employee ng MAGELCO.

Mismong si MAGELCO General
Manager Sultan Ashary Maongco ang nagsampa ng kaso laban sa mga ito.

Sa ngayon ay hinihintay na
lang na lumabas ang warrant of arrest para sa mga suspek.

Una rito, naisoli na sa
MAGELCO ang 1.3 million pesos mula sa nasabing halaga matapos ang pakikipag
kasundo sa pamilya ng mga suspek na nasa Lanao del Sur.

Ang natitirang 300 libong
piso ay hawak pa rin ng mga akusado.

Gayunpaman, ayon kay
Maongco, tuloy ang kanilang kaso laban sa mga nabanggit na suspek para mabigyan
ng leksyon ang mga ito.
0-

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

NAKIISA na rin ngayon si Cotabato
Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa panawagan ng gobyerno kaugnay sa pagtitipid
ng tubig.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na kinakailangan
pangalagaan ng publiko at ng industrial sector ang kalikasan upang hindi
matapon at masayang lamang ang tubig.

Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ng
simbahan ang mga Pinoy sa paparating na El Niño kasabay ang panawagan sa
publiko sa magtipid na sa paggamit ng tubig.

Una nang sinabi ng PAGASA na iiral ang
katamtaman hanggang malakas na El Niño ngayong Setyembre, Oktubre at Disyembre
hanggang sa unang bahagi ng 2016.

Magdudulot ng tagtuyot sa ilang
lalawigan habang bababa ang lebel ng tubig sa mga dam.

Mararamdaman ang mas mainit na panahon
sa matataas na lugar sa Luzon at Mindanao.

0- Local …………………

HANDANG
magsagawa ng cloud seeding operations” ang Department of Science and
Technology o DOST at Department of Agriculture para malabanan ang epekto ng El
Niño.

Sinabi ni
DOST Secretary Mario Montejo na gagamitin nila ang Doppler radars ng PAGASA
upang magsilbing guide” sa cloud seeding.

Mangunguna sa
cloud seeding operations ang DA sa pamamagitan ng Bureau of Water and Soils at
magagamit ang radar para matukoy kung tagumpay ito.

Samantala, nakahanda
naman ang mga eroplano ng Philippine Air Force para gamitin sa mga
cloud-seeding mission.

Sinabi ni PAF
Spokesperson Col. Enrico Canaya na ang Cessna LC 210 aircraft, mga piloto at
crew nito ay may sapat na kasanayan para sa cloud-seeding.

Bukod dito,
ang mga C130, C295, N22, B-412s at combat utility helicopters ay maari ring
magamit para maghatid ng supplies sa mga lugar na apektado ng El Niño.

Kaugnay nito,
nagpahayag na rin ng kahandaan ang Department of Agriculture and Fisheries o
DAF ARMM sakaling humantong sa ‘alarming’ level ang tagtuyot na mararanasan sa mga
lalawigang sakop ng ARMM.

Ayon kay DAF
ARMM Sec. Mac Mending, posibleng hahantong sa red mark, o lubhang magiging
apektado ang mga island province ng ARMM, ang Sulu, Basilan at Tawi-Tawi sa
Disyembre, habang nasa yellow mark naman ang Maguindanao, o bahagyang makakaranas
ng tagtuyot.

LOCAL…………………

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Simula
Disyembre ngayong taon ay maaari nang makagamit ng libreng WiFi o wireless
fidelity sa 7,118 WiFi sites sa lahat ng rehiyon sa bansa ang mga internet user.

Ito
ang tiniyak ni Department of Science and Technology o DOST Undersec. for
Information and Communication Technology Louis Casambre, sa mga mambabatas nang
humarap ito para sa budget hearing ng kanilang ahensya kahapon.

Ayon
kay Casambre, nakikita nila ang halaga ng internet connection sa modernong
panahong ito kaya naman, minamadali na nila ang paglalagay ng mga wifi zones

0- Local…………………….

NILINAW
NGAYON ng Office of the Ombudsman na tuloy ang pagdinig sa forfeiture case laban
kay dating Maguindanao governor na si Andal Ampatuan Sr. para mabawi ang mga
kuwestyunableng ari-arian ni Ampatuan Sr.

Sinabi
ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kahit pumanaw na si Ampatuan Sr., ay
hindi pa rin titigil sa pagdinig sa kasong isinampa rito upang mabawi ng
gobyerno ang mga di maipaliwanag na kayamanan nito.

Kasalukuyang
nasa preliminary investigation pa lang ang naturang kaso sa Manila Regional
Trial Court o RTC Branch 22.

Nag-ugat
ang pagsampa ng forfeiture case ng gobyerno nang magsagawa ng imbestigasyon ang
Anti Money Laundering Council o AMLC hinggil sa 180 million pesos na
unexplained assets ni Ampatuan Sr.

Una ng
sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na ang mga marerekober na ari-arian
ni Ampatuan ay puwedeng ipambayad bilang danyos sa mga pamilya ng naging
biktima ng Maguindanao massacre.

Kinakailangan
lang ng RTC na mag-isyu ng Asset Preservation Orders upang marekober ang mga
kayamanan ni Ampatuan.

Si
Ampatuan Sr., ang sinasabing mastermind sa Maguindanao massacre noong 2009 .

Siya
ay binawian ng buhay noong July 17 habang ginagamot sa National kidney and
Transplant Institute sa Quezon City.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

NAG
SORRY si Bureau of Customs Commissioner Bert Lina sa mga overseas Filipino
worker matapos umani ng pagbatikos nang ipatupad angrandom inspection sa mga
balikbayan box.

Sa
hearing ng Senate Committee on Ways and Means, kinuwestyun ng chairperson ng
komite na si Sen. Sonny Angara kung inaamin na ni Lina ang pagkakamali.

Dito,
kusang loob na nagpakumbaba si Lina at humingi ng paumanhin sa mga OFWs.

Wala
aniyang intensyon ang BoC na tapakan ang sinuman lalo na ang mga OFWs at hindi
nila puntirya ang mga Pinoy na nagbabanat ng buto sa ibayong dagat.

Humihingi
rin ng paumanhin si Lina kung ang naging interpretasyon ng mga OFWs ay
napagkamalan silang mga smuggler.

Sinabi
pa ni Lina na may ilalabas na bagong procedure ang BoC na magbibigay daan para
mas mapadali ang pagpapadala ng mga OFWs ng mga balikbayan boxes.

Gayunman,
hindi nakaligatas si Lina sa pangigisa ng mga senador, kung saan hinamon nina
Sen. Grace Poe at Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano ang BoC
chief na tutukan ang bigtime smugglers sa halip na OFWs na umaabot sa $50
billion ang remittance sa bansa bawat taon.

Sa
pagdinig, nagkainitan pa sina Lina at Sen. Ralph Recto nang ibunyag ng senador
ang plano ng BOC na taasan ang tariff sa container vans sa P100,000 mula sa dating
P80,000 at nakatakdang ipatupad sa Oktobre.

Dito
na halos nagkasigawan sina Lina at Recto, nang itanggi ng BoC chief ang
impormasyon ng senador

Ani
Lina kung mayroon mang itataas na tariff ay ang mga freight forwarder ang
babalikat nito at hindi ang OFWs.

Humupa
lamang ang tensyon sa dalawang opisyal nang awatin ni committee chairperson
Angara.

0- HEALTH
NEWS-

Mga BIDA, narito ang ilang mga
dahilan kung bakit kailangang kumain ng mansanas ang tao.

Isang pag-aaral ang nagpakita
na ang ilang compounds sa mansanas ay nakapag-aalis ng mga sakit na nagdudulot
ng sobrang timbang.

Ang balat naman nito ay
mayroong compound na nakapagpapataas ng brown fat o good fat na nagreregulate
sa temperatura ng katawan.

Nilalabanan rin nito ang cancer
dahil sa vitamin C at fiber.

Nakakapagpababa rin ito ng
cholesterol.

Kabilang ang apple sa
tinatawag na white fruits kaya naman pinabababa nito ang tyansa ng stroke.

Isa rin itong food for
thought at nakapagpapataas ng brainpower.

0 Local……………….

INAMIN ni Cotabato
City Councilor Jojo Cortez na limitado ang bilang ng mga trisikad na kanilang
namo monitor sa lungsod.

Inihayag ito
ni Cortez, siyang Chairperson ng committee and transportation ng Sanguniang
Panglunsod, sa SP session kahapon.

Ayon kay
Cortez, may ordinansa o batas na nagsasaad na ang mismo ang punong barangay ang
may kapangyarihang mag-regulate sa pamasahe at ruta ng mga trisikad.

Ang
ipinagtataka naman ni Cortez ay kung anong ahensya ang nag-atas na
makapagpasada ang mga habalhabal o motorsiklo sa lungsod.

Binigyang
diin ng konsehal na nasa traffic enforcer na lamang kung papano kontrolin ang
mga motorista, takbo ng mga sasakyan at pagpapatupad ng batas sa kalsada.

Samantala,
sabi ni Cortez, patuloy naman nilang pinag aaralan ang pamamasada ng mga payong
payong o improvised tricycles, kung saan lang dapat ang ruta ng mga ito at kung
magkakano ang dapat na singiling pamasahe.

Giit ni
Cortez, sa ngayon ay pinapayagan lang mamasada ang mga payong payong sa loob ng
mga barangay ngunit hindi dapat ito dumaan sa national highway at maging sa
downtown.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

UUWI
na ng bansa mamayang hapon ang ibang mga Filipino on-the-job trainee mula Israel
matapos makompleto ang kanilang kurso mula sa iba't ibang paaralan doon.

Ayon
kay Geoffrey Olayan, Filipino community president sa Israel, isa siya sa
sumubaybay at nakilahok sa graduation ng mahigit 500 OJT Filipino students na
nagsanay sa el Hai College, Rupin College at Kfar Silver College.

Gayunman,
may mga maiiwan pang Pinoy student sa Israel na magtratrabaho habang hinihintay
ang pagdating ng mga susunod na batch ng 2015-2016 OJT Filipino students para
sanayin sila bago uuwi hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Aniya,
ang mga OJT students ay sinusuwelduhan habang pinagyayaman ang kanilang
kaalaman sa agrikultura.

Dagdag
pa ni Olayan na itong batch na ito ay pang-sampu nang nag- OJT sa Israel mula
noong 2005.

0 Local……………….

INAMIN ni Cotabato
City Councilor Jojo Cortez na limitado ang bilang ng mga trisikad na kanilang
namo monitor sa lungsod.

Inihayag ito
ni Cortez, siyang Chairperson ng committee and transportation ng Sanguniang
Panglunsod, sa SP session kahapon.

Ayon kay
Cortez, may ordinansa o batas na nagsasaad na ang mismo ang punong barangay ang
may kapangyarihang mag-regulate sa pamasahe at ruta ng mga trisikad.

Ang
ipinagtataka naman ni Cortez ay kung anong ahensya ang nag-atas na
makapagpasada ang mga habalhabal o motorsiklo sa lungsod.

Binigyang
diin ng konsehal na nasa traffic enforcer na lamang kung papano kontrolin ang
mga motorista, takbo ng mga sasakyan at pagpapatupad ng batas sa kalsada.

Samantala,
sabi ni Cortez, patuloy naman nilang pinag aaralan ang pamamasada ng mga payong
payong o improvised tricycles, kung saan lang dapat ang ruta ng mga ito at kung
magkakano ang dapat na singiling pamasahe.

Giit ni
Cortez, sa ngayon ay pinapayagan lang mamasada ang mga payong payong sa loob ng
mga barangay ngunit hindi dapat ito dumaan sa national highway at maging sa
downtown.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

UUWI
na ng bansa mamayang hapon ang ibang mga Filipino on-the-job trainee mula Israel
matapos makompleto ang kanilang kurso mula sa iba't ibang paaralan doon.

Ayon
kay Geoffrey Olayan, Filipino community president sa Israel, isa siya sa
sumubaybay at nakilahok sa graduation ng mahigit 500 OJT Filipino students na
nagsanay sa el Hai College, Rupin College at Kfar Silver College.

Gayunman,
may mga maiiwan pang Pinoy student sa Israel na magtratrabaho habang hinihintay
ang pagdating ng mga susunod na batch ng 2015-2016 OJT Filipino students para
sanayin sila bago uuwi hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Aniya,
ang mga OJT students ay sinusuwelduhan habang pinagyayaman ang kanilang
kaalaman sa agrikultura.

Dagdag
pa ni Olayan na itong batch na ito ay pang-sampu nang nag- OJT sa Israel mula
noong 2005.

Local…………………..

MAS
INSPIRADO at ginaganahang magtrabaho at maglingkod sa publiko ang mga opisyal
at kawani ng Maguindanao provincial government.

Ito ay
matapos na tumanggap ng parangal mula sa Department of Interior and Local
Government o DILG ang lalawigan para sa epektibong pagpapatupad nito ng good
governance para sa taong 2014.

Kinilala
ng naturang DILG award na nilagdaan ni Undersecretary Austre Panadero, ang
mabuting pamamalakad ng Maguindanao provincial government sa larangan ng financial
housekeeping, disaster preparedness, business-friendliness and competitiveness,
peace and order, at environmental management.

Mismong
si Maguindanao governor ang tumanggap ng naturang parangal sa Davao City.

Sa kanyang
mensahe, pinasalamatan ni Mangudadatu ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan
panlalawigan na tapat at maayos na nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng
probinsya.

Nanawagan
din si Mangudadatu sa kanyang mga kababayan na manatiling nagkakaisa at nagtutulungan
tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng lalawigan.

Samantala,
kahapon ay pinuri naman ni Department of Health o DOH Assistant Sec. Paulyn
Jean Ubial ang Maguindanao Provincial Hospital sa pagiging independente nito.

Ayon
kay Ubial, sa lahat ng mga ospital sa buong bansa, tanging ang Maguindanao
provincial hospital lamang kasi ng Integrated provincial health office o IPHO –
Maguindanao, ang hindi nangutang para makapagpatayo ng isang pasilidad tulad ng
ER complex at ginamit lang ang pondong nagmula sa kinita sa PHILHEALTH na nagkakahalaga
ng 9.8 million pesos.

Pinuri
rin ni Ubial ang IPHO-Maguindanao sa matagumpay na implementasyon nito ng
Gamutang Pangkalahatan isang harirayang handog na nagbigay ng
libreng serbisyong pangkalusugan at medikal sa mga mahihirap na mamamayan ng
lalawigan.

localInilatag na ng South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco I ang kanilang mga plano kaugnay sa napipintong pagdating ng El Nino Phenomenon.
Ito ay ayon kay Socoteco I General Manager Santiago Tudio.
Ayon kay Tudio, sakali mang kulangin ang supply ng kuryente ang South Cotabato dahil sa mahabang tagtuyo’t maaring gamitin ng kooperatiba ang kanilang 13 megawatt modular generator set.
Bukod dito ayon kay Tudio magkakaroon din sila ng supply ng kuryente mula sa isa pang disieled power plant sa barangay Paraiso, Koronadal City.
Maari na ring makapag-supply ng kuryente sa Socoteco 1 ang five megawatt solar power plant sa bayan ng Surallah.
Ang planta na nasa unang phase ng konstruksyon ngayon ay inaasahang magsisimula na ng operasyon sa Nobyembre.
Gayunpaman binigyan diin ni Tudio na malaki pa rin ang magagawa ng mga mamamayan para makatulong sa napipintong kakulangan ng supply ng kuryente dahil sa El Nino Phenomenon.
Payo ni Tudio sa mga myembro konsomidor ng Socoteco I, magtipid sa paggamit ng kuryente.
Voice Clip….Si Socoteco I General Manager Santiago Tudio.
0- Aprubado na sa lebel ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Managment Council o CDRRMC ang 33 Million pesos na budget para sa 2016.Ito matapos magtipon tipon noong nakaraang araw ang mga kasapi ng nabanggit na opisina at inaprubahan ang naturang budget.Ito ay mas mataas naman kung ikukumpara sa P30 Million na pondo para ngayong taon.Sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista ang Chair ng CDRRMC kaya ipinasa ang nasabing kasunduan para mas lalo pang matutukan ang usapin ng Public Safety at disaster mitigation and response sa lungsod.Sa nabanggit na halaga, P23.1 Million o 70% nito ay gagamitin sa pagpapatupad ng mga programa ng CDRRMC, pambili ng bagong Ambulance at Rescue Vehicle, training expense, stockpiling ng relief items pambili ng bagong kagamitan, maintenance and operating expenses at pasweldo sa mga kawani ng Public Safety.Ang nalalabing P9.9 Million o ang 30% Quick Response Fund ay gagamitin namn ng City LGU sakali mang magkaroon ng di inaasahang kalamidad na tatama sa lungsod.Bagamat aprubado na sa level ng CDRRMC, kinakailangan pa ring ipasa ang budget nito sa Sangguniang Panlungsod upang tuluyan at opisyal ng maa-aprubahan at magagamit para sa susunod na taon.NDBC BIDA BALITA local...Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan sa Kidapawan City ang dalawang helper na nasugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyang 10-wheeler truck sa isang nakaparadang backhoe sa Makilala-Mlang Highway partikular sa brgy. Bagontapay,Mlang alas tres ng madaling araw kahapon.Sinabi ni Mlang Administrator Ferdinand Piñol walang nakalagay na warning device sa nakapradang backhoe na pagmamamay-ari ng National Irrigation Administration ng Provincial Government kaya hindi ito napansin ng driver ng truck na si Walter Alia na nanggaling pa sa General Santos City.Dahil sa malakas na pagkakabangga ay tumilapon ang dalawang helper na agad namang isinugod sa pagamutan.Sa imbestigasyon ng mga otoridad nanggaling sa isang quarry area sa Upper Malasila, brgy. Bagontapay ang nasabing backhoe at kukunin na sana ito ng loader pero pumutok umano ang pressure hose ng nito kaya hindi na nagawang i-transport at pansamantala na lang ipinarada sa kalsada mismo.Nilinaw naman ni Piñol na wala namang nadamay na residente at mga bahay sa nasabing aksidente.Pero wasak naman ang nasabing truck na pagmamay-ari ni Antonio Alia na taga brgy. Sikitan, Kidapawan City.Mabilis ring rumesponde ang Mlang Emergency Response Team kasama ang MDRRC ng Mlang at kinuha na ang nasabing backhoe at truck.Hinihintay na lamang ng Mlang LGU ang pahayag ng backhoe operator na responsible sa insidente.Paalala ngayon sa mga operator na sakali mang magkaroon ng problema sa kanilang mga sasakyan sa National highway ay tiyaking maglagay ng warning device para maiwasan ang kaparehong disgrasya. local...Papakawalan na ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang dalawang mga agila na una nang natagpuan sa brgy. Dugong, Mlang North Cotabato noong nakaraang Mayo.Sinabi ni Mlang Tourism Officer Harold Santillan, malaki na kasi ang dalawang agila at kinakailangan ng ibalik sa kanilang natural environment.Alas otso ng umaga ngayong araw, gagawin ang programa kasama si Mlang Mayor Joselito Piñol, mga miembro ng DENR, brgy Officials ng brgy Dugong at mga stakeholders para saksihan ang pagpapalipad pabalik sa mga agila.Ayon kay Santallian handa na raw ang dalawang mga ibon para pakawalan sa gubat ng brgy. Dugong.Nabatid na ang brgy. Dugong ay malapit sa Liguasan Marsh kung saan kadalasang nakatira ang ibat-ibang uri ng ibon at hayop.Ayon kay Santillan hindi ito ang unang pagkakataon na may natagpuan agila sa bayan ng Mlang.Matatandang noong nakaraang buwan isang agila rin ang natagpuan sa bayan kasama ang isang wild cat na ngayon ay nasa pangangalaga ng LGU. local..Tuloy pa rin ang pagpapatayo ng Koronadal City Public Terminal.
Sa katunayan ayon kay City Mayor Peter Miguel, sa ngayon ay nasa bidding process na ang proyekto.
Naantala lamang ang pag-award nito dahil sa kakulangan ng mga kompanyang sumali sa bidding process.
Matatandaan na ang proyekto ay dalawang beses nang nai-pa bid ng city government.
Ito ay sa kabila ng kasong paglabag sa Anti Graft and Practices Act na isinampa sa ilang mga local na opisyal at department heads ng Koronadal dahil umano sa maanomalyang pagbili ng lupain na pagtatayuan ng proyekto.
Target naman ng city government na masimulan na ang konstruksyon ng public terminal ngayong taon.
Sa panayam sa kanya ng DXOM Radyo Bida Koronadal, ipinahayag ng alkalde, na maaring pamumulitika lamang ang kasong isinampa sa kanila. Kasama din sa mga kinasuhan sina Vice Mayor Elirdo Ogena, City Treasurer Marloun Gumbao at ilang mga Department Heads, at mga myembro ng konseho na sumulong sa pagbili ng lupain noon.
Ang kaso ay isinampa sa Ombudsman ng Lay Empowered through Principled Politics o LETPP.
Ito ay dahil naman sa over price na anim na ektaryang lupain na binili ng city government para pagtayuan ng city public terminal.
Ipinahayag naman nina Miguel, Gumbao, Ogena at City Councilor Mark Lapidez na handa nilang sagutin sa proper forum ang kanilang kaso. 0-local...Patay sa pamamaril ang isang ice cream vendor sa Koronadal City.
Kinilala ng pulisiya ang biktima na si Arnel Almendra, residente ng Upper Valley, Barangay Sto. Nino sa lungsod.
Nabatid na ang biktimang sorbetero ay pinagbabaril ng dalawang mga suspek na nakasakay sa tricyle habang nagbibisekleta.
Ang insidente ay naganap sa Lower Balmores Street, Barangay General Paulino, Santos dakong alas onose ng gabi kamakalawa.
Si Almendra ay nasawi dahil sa tama ng baril sa kanyang mukha at balikat.
Narecover ng mga pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng 45 pistol na maaring ginamit ng mga salarin sa krimen.
Ang di kilalang suspek ay agad naming tumakas matapos gawin ang krimen.
Onsehan sa droga ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa pamamaril.
0 0locsl..Bumagsak ang presyo ng Mais sa South Cotabato.
Ayon kay Justina Navarete, ang OIC Provincial Agriculture Officer ng South Cotabato ito ay dahil sa dami na rin ng ani ng mga magsasaka ngayon.
Ayon kay Navarete, dahil sa dami ng supply nito, sumadsad na sa sampung piso kada kilo ang presyohan ng mga traders ng mais sa lalawigan.
Ito ayon kay Navarete ang kanilang natuklasan sa paglilibot sa lalawigan.
Labis na naapektuhan ngayon sa pagsadsad ng presyo ng mais ang mga magsasaka sa bayan ng Banga, ang itinuturing na corn capital ng lalawigan.
Nakadagdag perwisyo pa sa mga magsasaka ng mais sa South Cotabato ang pagtanggi ng mga malalaking kumpanya sa kanilang produkto.
Ayon kay Navarete mas binibili kasi ng mga kumpanyang ito ang mga produktong mais mula sa ibang lalawigan.
Ayon kay Navarete kinausap na nila ang mga kompanya sa lalawigan tulad ng Biotech Farms na bilhin ang mga produkto mais mula South Cotabato.
Aminado naman si Navarete na problema nila ngayon kung papaano matulungan ang mga magsasaka ng mais sa lalawigan.
Ayon kay Navarete wala kasing support price para sa mais ang gobyerno hindi tulad sa palay na binbili ng National Food Authority o NFA sa mas mataas na presyo sa tuwing bumaba ang presyo nito.
Sa kabila nito sinisikap pa rin ng kanilang tanggapan ayon kay Navarete na makipag ugnayan sa mga traders para mabigyan ng patas na presyo sa kanilang mga produkto ang mga magtatanim ng mais sa South Cotabato. 0

SPORTS ……………. (Play Stinger)

PANALO ang Philippine Azkals laban sa Maldives sa score na 2-0
sa FIFA friendly match na ginanap sa Rizal Memorial Stadium, Manila.

Sa halftime ay parehong hindi naka-score ang dalawang koponan.

Gayunman sa ika-48 minutes ay naka-score ang Azkals dahil sa
pagkakamali ni Mohamed Samdhooh ng Maldives sa header mula sa right corner kick
ni Phil Younghusband.

Sinundan ito ng goal ni Jerry Lucena sa ika-55 minutes.

Ito na ang ikalawang international goal ng Filipino-Danish
defender, ang una ay mula sa May 2014 AFC Challenge Cup laban sa parehong
bansa.

Ang match sa 177th-ranked Maldives ay tuneup game bilang
paghahanda ng Pilipinas sa FIFA 2019 World Cup qualifying match laban sa 76th
ranked Uzbekistan.

Gaganapin ang match sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan
ngayong September 8.

Maalalang naka-dalawang panalo na ang Philippine national
football team sa FIFA World Cup qualifiers matapos pahiyain ng Azkals sa
Pilipinas ang Bahrain at payukuin ang Yemen sa match sa labas ng bansa.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong BIYERNES, SEPTEMBER 4, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...