Sunday Mar, 03 2024 01:58:33 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 7, 2015

 • 06:30 AM Tue Sep 8, 2015
1,832
By: 
ndbc

NEWSCAST

SEPTEMBER 07,
2015 (MON)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong LUNES, SEPTEMBER
7, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. TANIMAN ng Marijuana, natunton ng
PNP sa Matanog, Maguindanao at mag-asawang drug pusher sa Lanao del Sur,
patuloy na tinutugis.

2. PAGTATAYO ng 100-million peso Asphalt
Plant sa Kidapawan City, napurnada

3. KORONADAL CITY councilor, dumipensa
sa kasong isinampa sa kanila sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano ay maanomalyang
pagtatayo ng Koronadal public transport terminal

4. BIG TIME oil price hike, naka amba
ngayong linggo.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

NAKUBKOB
ng mga otoridad ang isang abandonadong taniman ng Marijuana sa Matanog,
Maguindanao.

Natunton
ito ng pinagsanib na pwersa ng PNP, Regional Public Safety Battalion, at
regional anti-illegal drugs special task force sa Sitio Malbog, Brgy. Bugasan
Sur ng naturang bayan, dahil na rin sa tulong ng mga concerned citizen sa
lugar.

Ayon
sa PNP crime laboratory, abot naman sa pitong kilong mga tuyong dahon at sanga
ng Marijuana ang narekober ng grupo doon.

Ito
ay nagkakahalaga ng mahigit 280 thousand pesos.

Samantala,
patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang mag-asawang pinaniniwalaang
nagbebenta ng shabu at drug paraphernalia sa Brgy. Pagalamatan, Amai
Manabilang, Lanao del sur.

Nakatakas
kasi ang mga suspek na sina Pawkan Ampuan at Nana Ampuan sa isinagawang drug
buy bust operation sa barangay Poblacion Bumbaran.

Gayunman,
naaresto ng PNP ang isa pang suspek na si MISUG MUNIR MAKABANGI, taga Brgy.
Pagalamatan.

Nakuha
mula sa kanya ang isang sachet ng shabu at marked money.

Inihahanda
na ang kasong isasampa laban kay Makabangi.

Una
rito, maugong na ang balita na talamak ang bentahan ng iligal na droga sa Lanao
del Sur kaya isa ito sa mga lugar na mahigpit ngayong tinututukan ng ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Umapela si Manila Archbishop Luis
Antonio Tagle sa mga workaholic na magpahinga rin at hindi dapat na sinasamba
ang trabaho.

Ayon kay Tagle, bahagi ng spiritual na
pangangailangan ng katawan ay ang pagpapahinga gayundin ang paggunita sa
Sabbath” ang araw na itinalaga ng Diyos.

Sinabi ni Tagle na nakalulungkot na
hindi na nagpapahinga ang mga manggagawa kung saan mas binibigyan ng prayoridad
ang trabaho at suweldo.

Binigyan diin ni Tagle na mas kailangan
ang pahinga dahil mas marami pa ang magagawa ng isang tao kabilang na ang
pagtulong sa kapwa.

Dapat aniyang isa­isip ang pahayag ng
Santo Papa na bahagi ng Christian spirituality ang pahinga at pagsasaya.

0- 2nd break

Local …………………

KALABOSO
ngayon ang isang pinaniniwalaang holdaper matapos magtangka uling mangholdap
kahapon ng umaga sa harap ng Jollibee drive thru, sa Sinsuat Avenue, Cotabato
city.

Naaresto ng
mga elemento ng City PNP ang suspek na si Agustin Olivares, 20 years old, at
taga- barangay Bagua uno matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned
citizen hinggil sa nagaganap hold up incident sa lugar.

Nakumpiska
mula kay Olivares ang isang kutsilyo na ginagamit nitong panakot sa kanyang mga
biktima.

Una rito,
kamakalawa ay hinoldap ng suspek ang biktima na kinilalang si Tarhata Dalinding,
taga- barangay Rosary Heights 8 ng lungsod.

Nangyari ang
insidente sa Veterans Avenue, barangay Rosary Heights One, pasado alas siyete
ng gabi kung saan nakuha ng suspek ang cellphone ng biktima.

Gayunman,
nang maaresto ang suspek kahapon ay nabawi mula sa kanya ang cellphone na ninakaw
nit okay Dalinding.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Bad
news ito para sa mga motorista!

Matapos
ang naging sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, nakaamba
naman ang pagtaas ng presyo nito ngayong papasok na linggo.

Nabatid
na posibleng maglaro sa pagitan ng P1.70 hanggang P1.90 kada litro ang dagdag
sa presyo sa gasoline habang sa pagitan naman ng P1.75 hanggang P1.95 kada
litro ang dagdag sa presyo ng diesel. Gayundin sa kerosene na inaasahang
maglalaro sa pagitan ng P1.75 hanggang P1.85 kada litro ang dagdag-presyo.

Dulot
pa rin daw ito ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Sa
ngayon ay naglalaro na sa pagitan ng P36-P41 kada litro ang presyo ng gasolina
habang P24-P27 ang diesel.

Una
rito, mula noong Hunyo ay linggo-linggo ang rollback sa presyo ng produktong
petrolyo.

0- 3rd break

Local…………………….

Nangangailangan
ngayong taon ng mahigit anim na libong recruits ang Philippine National Police
o PNP.

Sinabi
ni PNP spokesperson police chief supt. Wilben Mayor na sampung libo ang recruitment
quota nila sa taong ito para sa mga
bagitong pulis pero sa ngayon ay nasa 5,879 pa lamang ang nare-recruit mula sa iba’t
ibang himpilan ng PNP sa buong bansa.

Sa
kasalukuyan, nasa 150 thousand ang kabuuang puwersa ng PNP sa buong bansa pero
kada taon ay nababawasan ito dahil sa pagreretiro sa serbisyo, pagbubuwis ng
buhay on duty, pagkamatay sa sakit, pagkakatanggal sa rooster ng PNP dahil sa
katiwalian at iba pa.

Nabatid
na nasa one isto one thousand o isang pulis sa isang libong katao ang ratio ng
PNP kaya kailangan ng mga karagdagang rookie cops para bigyang proteksyon ang
mamamayan.

Samantala,
pinatatalsik naman ni PNP chief, Director General Ricardo Marquez ang mga adik
na pulis saan mang PNP station sa bansa.

Ito ay
kasunod ng lumabas na resulta sa isinagawang drug test kung saan 36 pulis kabilang
ang isang chief inspector ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa
Northern Mindanao.

Iginiit
ni Marquez na kailangang bigyan ng leskyon ang mga adik na pulis para hindi
tularan ng iba pang aktibo pa sa serbisyo.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

HINDI matutulungan
ng Department of Labor and Employment o DOLE ang lahat ng apektadong guro sa
K-12 program ng gobyerno matapos tipirin ng Department of Budget and Management
o DMB ang pondong hiningi para rito.

Dahil
dito, iginiit sa pagdinig sa P11.55-B na budget ng DOLE sa Mababang Kapulungan
ng Kongreso na kailangang maibalik ang mga hindi inaprubahan ng DBM na pondo ng
nasabing ahensya.

Nabatid
na humingi ang DOLE ng P700-M para matulungan ang mga teaching at non-teachning
personnel sa mga higher education institution na mawawalan ng trabaho dahil sa
K-12 program.

Gayunpaman,
P500-M lamang ang inaprubahan ng DBM sa request ng DOLE kaya nangangamba si
Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na hindi masasaklolohan ng gobyerno
ang mga apektado sa bagong programa ng Department of Education sa sistema ng
edukasyon sa bansa.

Hindi
bababa sa 29 na libo ang apektadong guro lalo na ang mga nagtuturo sa first at
second year college dahil sa nasabing programa sa edukasyon sa bansa kung saan
dinagdagan ng 12 taon ang basic education.

Maliban
dito, tinipid din ng DBM ang pondo para sa pagsasanay ng mga kabataan na bahagi
ng programa ng JobStart Philippines na pinalagan din ni Rodriguez.

0- local...Hindi na itutuloy ng Kidapawan City Governemnt ang planong pag loan ng abot sa isang daang milyung piso para sa itatayong sariling asphalt plant.

Ito ang ibinunyag ni City Mayor Joseph Evangelista kaugnay sa naging rekomendasyon ng Technical Working Group o TWG na kanyang binuo para pag-aralan ang planong pag loan.

Ayon kay Evangelista, maraming mga programa at proyekto ang maaantala at masasayang kung itutuloy ang nasabing plano dahil ibang loan na naman ang babayaran nito kada taon.

Lumabas din sa report na mula sa 80 million pesos ay umakyat na sa 100 Million pesos ang kinakailangan budget para sa nasabing planta dahil maliban sa batching plant at equipment kinakilangang kabilang rin ang pag hire ng mga permanent personnel dito.

Mas nakita rin ng TWG na mas malaki ang pangangailangan ng pagbili ng mga garbage truck sa lungsod dahil may kalumaan na ang mga equipment at mahaba haba na ang maintenance nito.

Ang nasabing rekomendasyon ay suportado naman ng iba pang mga opisyal ng City Government.

Matatandaang na ang planong pagpapatayo ng Asphalt Plant ay base sa Resolusyon mula sa Association of Brgy Chairman matapos makita at mapansing pabalik balik na gastos sa road maintenace.
0-local..Naaresto ang tatlo katao matapos mahulihan ng shabu at illegal drug parapahrnalia matapos ang isinagawang law enforcement operation ng Pikit PNP sa sanay kanilang target na nagtatago sa Brgy. Talitay Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP, inilunsad ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest kontra kay Ondo Panangilan sa kasong paglabag sa RA 9165 na pinaniniwalaang nagtatago sa bahay ng isang Alyas Usman, pero hindi na nila ito naabutabn sa lugar.

Sa halip tatlo katao ang kanilang nadatnan doon na gumagamit ng ilegal na droga.

Nakuha ang suspected shabu at illegal drug parapahrnalia sa mga suspek na sina Norhim Zailon, 35, Buhari Usman, 27 at ali Esmael, 25 parehong mga taga brgy. Talitay, Pikt.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Pikit PNP lock up cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.

local...Posible nang ipatupad sa susunod na taon ang Color Coding sa mga pampasaherong tricycle sa Kidapawan City.

Sinabi ni Federation of Kidapawan Tricycle Association o FKITA President Jeniric Tañala, napagkasunduan na ito ng kanilang mga miembro na by zoning ang gagawing color coding at hindi unified system ang ipapatupad kung saan isang kulay lamang ang gagamitin ng lahat ng mga tricycle na babyahe sa lungsod.

Ayon pa kay Tanala, maliban sa mahal na gastos sa repainting wala rin silang nakikitang malaking impact na mabibigay ng Unified Color Coding partikular sa usapin ng public safety. Sa ngayon, patuloy na tinatapos ng FKITA at ng Committee on Trasnporation sa Sanguiang Panlungsod ang mga probisyon na isasali sa ordinansa para bago matapos ang taon maihain na ito at maaprubahan sa konseho.

Ang Unified Color Coding ay una na ring ipinatupad sa mga bayan ng Kabacan, Matalam, Pikit at Makilala sa North Cotabato. 0- local...Abot sa 45 na mga hospital beds and mattresses ang pakikinabangan ngayon ng Provincial Government of Cotabato mula sa World Medical Relief, Inc. o WMR na dumating sa Cotabato Provincial Hospital o CPH kahapon.

Ayon kay Integrated Provincial Health Officer o IPHO Head Dr. Eva C.Rabaya, ang mga beds at mattresses na nagkakahalaga ng US $185,000 ay ipamamahagi sa walong government hospitals sa lalawigan.

Kabilang dito ang CPH, Arakan Valley Dist Hosp., Pres Roxas Prov'l Community Hosp., M'lang District Hospital, Aleosan District Hospital, Dr. Amado Diaz Prov'l Foundation Hosp. at Alamada Provincial Community Hosp.

Layunin nito na mapalakas pang lalo ang kakayahan ng mga pampublikong pagamutan at maibigay sa mga pasyente ang nararapat na serbisyong medikal at pangkalusugan.

Samantala, ayon naman kay Gov Emmylou Lala” J.Taliño-Mendoza nais lamang niyang ipagpatuloy ang mga pagbabago at pag-unlad ng walong mga government hospitals lalo na ang CPH.

Kaya naman patuloy rin daw ang mahusay na relasyon at koordinasyon ng provincial government sa mga organisasyong tulad ng WRM na isang health, medical and charitable institution na nakabase sa Estados Unidos.

Matatandaang ilang mga hospital facilities na rin ang natanggap ng Provincial Government of Cotabato mula sa WMR noong nakaraang taon. 0- local...Kaagad na binawian ng kaniyang buhay ang isang binatang magsasaka ng barilin kamakalawa ng gabi sa Sitio Kiantay, Brgy.Upper Sepaka ng naturang bayan.Kinilala ng Surallah PNP ang biktima na si Rogelio Remedios Samay, 25 anyos, binata, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar. Itinuturong responsable sa krimeng ag isang Jim Samontanes Gelicame, alias Tibong, 45 anyos, may asawa, magsasaka at nakatira sa nabanggit na barangay.Sa isinagawang pagsisiyasat ng Surallah PNP nakisaya ang biktima sa isang sayawan ng dumating ang suspek.Ayon sa mga nakasaksi sa krimen ng lumabas ang biktima galing sa loob ng diskohan sinabayan ito ng suspek ngunit ng dumating sa unahan bigla na lamang itong binaril.Tinamaan si Samay sa ilalim ng kaniyang kili-kili na nagresulta sa agara nitong kamatayan.Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksiyon.Patuloy na iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang motibo ngnangyaring krimen.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

HEALTH - ALAM NIYO BA MGA BIDA
na.... MAINAM daw ang pagpapakasal sa pisikal at mental na kalusugan.

Ito ay batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga
psychologist sa Cardiff University.

Ayon kina David at John Gallacher, ng Cardiff
University, NAPAPABUTI ang kalusugan pisikal at mental kung ang isang tao ay
inspirado sa pag-ibig, lalo na ang masayang nagsasama, kaya, ang kasal ng
magkatipan ay magkakaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iisip,

Lumabas naman sa British Medical Journal o BMJ, na
nagiging maganda ang pakiramdam ang isang tao kung umiibig, at lalong
napapalakas kung kasal ang nagmamahalan, lahat ng pag-iisip ay positibo tila
nagiging bata muli na puno ng sigla.

Ngunit hindi nila magarantiyang 100 porsiyento
mabisa ito sa pisikal at mental na kalusugan, ang mga mag-asawang kasal na
masayang relasyon ang may malusog na katawan at pag-iisip, kasi ang mga kasal
na nabahiran ng masamang pagsasama, nagiging malungkot at nawawalan ng pag-asa
sa tao, lalo na kung sawi sa pag-ibig.

4th break

Local……………….

HINIKAYAT
ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice ang mga magsasaka na magtanim
na lamang ng mga palay na nabubuhay kahit sa panahon ng matinding tag init.

Ito
ayon sa PhilRice ay upang mapunan pa rin ng bansa ang pangangailangan ng mga mamamayan
kahit na may El Niño.

Ayon
sa PhilRice, ang pagtatanim ng mga drought-tolerant varieties at paggamit ng El
Niño-ready technologies sa rice production ay malaking tulong upang patuloy na
magkaroon ng magandang ani ang mga palay farmers kahit panahon ng tagtuyot.

Samantala,
ayon sa Pagasa, ang El Niño ay magpapatuloy hanggang Enero ng susunod na taon.

Sa
panahong ito, ang mga magsasaka ay maaaring gumamit ng water-saving
technologies tulad ng controlled irrigation o alternate wetting and drying,
aerobic rice, drip irrigation at reduced tillage technology.

Samantala,
una namang nagpahayag ng kahandaan ang pamahalaang panlalawigan ng North
Cotabato at autonomous regional government sa pagharap sa matinding tag-init na
magsisimula sa Oktubre.

Maagang
magpapatupad ng cloud-seeding operations ang North Cotabato provincial
government sa mga apektadong bayan habang may mga hakbang ding ipinapatupad ang
Department of Agriculture and Fisheries o DAF ARMM para mabawasan ang epekto ng
El Niño lalo na sa island provinces ng Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

NABABAHALA
ang Estados Unidos kaugnay sa napaulat na military buildup ng
Russia sa war-torn Syria.

Dahil
dito, ipinarating mismo ni Secretary of State John Kerry sa pamamagitan ng
telepono sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov ang nasabing
usapin.

Sa pagtawag
ni Kerry kay Lavrov, tinalakay niya ang pangamba ng US kaugnay sa umano'y
military buildup ng Russia.

Napagkasunduan
nina Kerry at Lavrov na pag-usapan ang Syrian conflict sa New York ngayong
buwan at manatiling in close contact sa pag pursige na magkaroon ng settlement
kaugnay sa Syrian conflict.

Sa
report kasi ng New York Times, nagpadala na ng military advance team ang Russia
para maging kaalyado ng Syria at dahil dito nag-aalala ang Washington na mas
lumawak pa ang military support kay President Bashar al-Assad.

Sa
kabilang dako, ayon naman kay Russian President Vladimir Putin na kanilang
tinitignan ang iba’t ibang opsyon para labanan ang Islamic State sa Syria
subalit sa ngayon wala ito sa kanilang agenda.

Ayon
sa foreign ministry nang mag-usap sina Kerry at Lavrov sa telepono, nagpahayag
ng kooperasyon ang Moscow at Washington para suportahan ang hakbang ng United
Nation na maglunsad ng political process sa Syria.

0- 5th break

Local…………………..

KUMPIYANSA
ang Malacañang na maipapasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa
takdang panahon, taliwas sa pananaw ng iba na kapos na sa panahon ang
pagpapatibay ng panukala.

Sinabi
ni Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma Jr.,
patuloy silang nakikipag-ugnayan kina House Speaker Feliciano Belmonte at Senate
President Franklin Drilon para sa agarang pagpapatibay ng panukala.

Aniya,
umaasa si P. Aquino na ipagpapatuloy at makukumpleto ang mga plenary deliberation,
at maisasagawa ng mga mambabatas ang proseso ng pag-amyenda tungo sa pagpasa ng
katanggap-tanggap na BBL.

Ito ay
para naman maipagpatuloy at makumpleto ang prosesong pangkapayapaan sa
Mindanao.

Nauna
rito ay nagbabala si senate committee on local government chairperson Bongbong
Marcos na maaring hindi maging sapat ang panahon sa pagtalakay ng BBL sa Senado
kung hindi magpapatawag ng special session.

Nakatakdang
mag-adjourn ang sesyon ng Kamara at Senado ngayong October 9 upang bigyang-daan
ang tatlong linggong Halloween break.

Kasabay
nito, pinakalma naman ni Coloma ang publiko sa gaganaping pakikipagpulong ng
Moro Islamic Liberation Front sa Organization of Islamic Conference.

Aniya,
ang meeting ng MILF at OIC sa susunod na linggo ay isang informal technical
meeting ng tripartite review process bilang paghahanda sa formal tripartite
meeting sa Nobyembre.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Nasungkit ng team Gilas ang silver medal sa 37th William Jones
Cup sa Taiwan.

Ito ay matapos na nilampaso ng Philippine basketball team ang
Chinese-Taipei B, sa score na 96-67.

May kabuuang anim na panalo at dalawang talo ang Gilas sa
torneo, na pumapangalawa sa team Iran na tanging isa ang talo.

Ang paglahok muli ng Gilas sa Jones Cup ay bahagi nang
pagpapalakas ng grupo para sa mas malaking laban sa 2015 FIBA Asia Championships
na magsisimula sa September 23 sa Changsha, China.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong LUNES, SEPTEMBER 7, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 libong tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Hanggang SA LUNES pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Cotabato City disaster response official slain in ambush

COTABATO CITY - Gunmen killed the operations chief of the Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office in a daring ambush here on...

Cotabato City CDRRM officer slain in gun attack

COTABATO CITY - Dead on arrival sa ospital ang Chief Of Operations ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Jose Raymond...

Unang araw ng fire prevention month, isang bahay sa Cotabato City, nasunog

INAALAM pa ng Bureau of Fire Protection Cotabato City ang pinagmulan ng sunog sa Block 21, Barangay Rosary Heights 8 kahapon ng umaga kung saan isang...

15 BIFF sumuko sa Cotabato City at BARMM government

DALA ang pitong mga matataas na kalibre ng armas ay nagdesisyon ang 15 dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction na...

Cotabato Light announces power service interruption in Sultan Kudarat on March 1

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Barangay Calsada, on Friday, March 1, 2024...