Tuesday Jun, 15 2021 08:43:13 PM

Negosyante, binaril at napatay sa Koronadal City

Local News • 15:30 PM Wed May 5, 2021
253
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

Isang negosyante, binaril ng pinaniniwalaang riding-in-tandem suspects sa Koronadal City kaninang banda alas 10:30 ngayong umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Armando Surmillo, 61 anyos at residente ng Brgy. Sto Nino nitong lungsod.

Ayon sa ilang testigo, nagulat na lamang sila sa mga putok ng baril malapit sa itinatayong hardware shop ng biktima sa harap ng Villa Amor hotel.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima, kung saan ayon sa isang empleyado ay humihinga pa ito at conscious nang isinugod sa bahay pagamutan.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng pinaniniwalaang kalibre 45.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang posibleng motibo sa pagbaril sa nasabing biktima.

MOH turns over oxygen medical equipment to Maguindanao hospitals

COTABATO CITY — The Bangsamoro Government, through its Ministry of Health (MOH), is boosting the delivery of healthcare services for the region’s...

2 SoCot mayors contract Covid-19

GENERAL SANTOS CITY – Two municipal mayors in South Cotabato province have tested positive for the coronavirus disease 2019 (Covid-19) but...

Arrest travelers presenting fake Covid-19 tests: Duterte

MANILA – President Rodrigo Duterte on Monday directed the Philippine National Police (PNP), Department of Tourism, and all local government...

NoCot GCQ muli, No Movement Sunday, naging Disinfection Sunday

KIDAPAWAN CITY - Inilahad ni Cotabato Provincial Governor Nancy Catamco sa panayam ng Radyo BIDA Kidapawan na may mga pagbabago sa pagpapatupad muli...

Binatilyo, patay matapos makuryente sa Tantangan

TANTANGAN, SOUTH COTABATO - Labis ang hinagpis ng pamilya ng isang 17 anyos na binatilyo matapos itong makuryente sa bayan ng Tantangan. Kinilala...