Thursday Sep, 28 2023 03:20:24 AM

NPA medic, sumuko sa Army sa South Cotabato

Mindanao Peace Process • 06:00 AM Wed May 24, 2023
773
By: 
6th ID Division Public Affairs Office

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Tuluyan ng tinalikuran ng isang medic ng grupo ng teroristang komunista ang armadong pakikibaka matapos na magbalik loob ito sa gobyerno.

Ayon kay Alyas Jean, 23 - anyos, nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil wala na itong nakikita pang pag-asa sa teroristang grupong kinabibilangan.

Dahil dito, napagdesisyunan niyang iharap ang kanyang sarili sa Army na nakabase sa Sitio Datal Kadi, Tasiman, Lake Sebu, South Cotabato, nitong linggo (ika-21 ng Mayo, 2023).

“Bitbit ang kanyang gamit pandigma na isang M16A1 rifle, lakas loob syang tumugon sa panawagan ng Army at ng lokal na pamahalaan ng Lake Sebu at South Cotabato na magbagong buhay at iwan na ang masalimuot na sitwasyon sa bundok na patago-tago dahil sa takot at pangamba na masukol ng pwersa ng gobyerno.” ayon kay Lt. Col. Carlyleo Nagac, ang pinuno ng 5th Special Forces Battalion.

Sinabi pa ni Lt. Col. Nagac na si alyas Jean ay 6 na taon na sa kilusan na nagbibigay ng atensyong medikal sa mga kasamahan nilang sugatan.

“Nagpapasalamat ako sa maayos na pagtrato sa akin ng kasundaluhan ng 5SFBn. Dito ko lubos na naunawaan na ang ninanais pala ng gobyerno ay ang kapayapaan,” pahayag pa ni alyas Jean.

Hinimok naman ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang nalalabi pang mga kasapi ng teroristang grupo na sundin ang yapak na ginawa ni Alyas Jean.

“Malugod naming tinatanggap ang napakagandang desisyon na ito ni alyas Jean sa kanyang buhay upang bigyan ng pagkakataon na manaig ang kapayapaan at mabago din ang takbo ng kanyang buhay na malayo sa kapahamakan”.

Dahil dito, umakyat na ngayon sa 20 ang bilang ng komunistang grupo ang sumuko sa pamahalaan mula Enero ng kasalukuyang taon.

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...