Security guard, nabaril ng kapuwa security guard sa Kidapawan
Local News • 09:15 AM Mon Jun 20, 2022
652
By:
DXND radyo Bida
Duguan ang isang security guard na designated sa Notre Dame of Kidapawan College matapos itong barilin ng kanyang kasamang sekyu.
Sa mukha tinamaan ang biktima na agad dinala ng 911 sa pinakamalapit na bahay pagamutan sa Kidapawan City.
Batay sa impormasyong nakuha ng Radyo BIDA, naalimpungatan umano ang suspek nang gisingin ito ng biktima na siyang isa sa mga sinisilip na dahilan sa pamamaril.
Patuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP hinggil sa insidente.