Shariff Saydona Mustapha police station na hinagisan ng pampasabog, binisita ni Gen. Nobleza
Mindanao Armed Conflict • 16:00 PM Thu Mar 21, 2024
496
By:
DXMS
BINISITA NI PNP-BARMM Director Brig. Gen. Allan Nobleza sa compound ng Shariff Saydona Mustapha Municipal Police Station na hinagisan ng explosibo nitong nakaraang araw.
Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Nobleza ang buong hanay ng Maguindanao del Sur PNP na maging mapagbantay sa lahat ng oras at palakasin pa ang seguridad para maiwasang manyari ulit ang insidente.
Iniutos din nito ang pagpapalakas ng pursuit operation para malaman kung sino ang may gawa sa pagpapasabog.