SK Treasurer arestado dahil sa iligal na droga sa Parang, Maguindanao
PARANG, Maguindanao — Huli ng mga pulis ang Sangguniang Kabataan Treasurer matapos makumpiska mula sa kanya ang hinihinalang shabu police checkpoint sa Duran Detachment, Barangay Sarmiento, Parang Maguindanao.
Kinilala ni Parang PNP Chief Lt.Col Joseph Macatangay ang nahuli ng suspek na si Camidon Dima, 34 years old, may asawa na SK Treasurer Brgy. Libungan Torreta, Pigcawayan, North Cotabato.
Nahuli ang suspek matapos itong dumaan sa COMELEC checkpoint dahil hinanapan ito ng OR/CR ng kanyang Kawasaki motorcycle.
Nang buksan nito ang kanyang bag ay nakita ng mga pulis ang tatlong sachet ng shabu sa mula sa loob. Nagkakahalaga ng abot da P68, 000 ang street value ng nakumpiskang iligal na droga.
Naisampa na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.