Thursday May, 02 2024 08:14:08 AM

South Cotabato jail guards discover illegal drugs inside facility

Local News • 19:30 PM Fri Dec 18, 2020
1
By: 
DXOM Radyo Bida

KORONADAL CITY- Natuklasan ng mga jail guard ang apat na mga malalaking sachet ng umano’y shabu habang sila ay nag-iikot sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center na mas kilalang provincial jail dakong alas nuebe ng umaga kanina.

Kinumpirma ito sa Radyo Bida ni OIC Provincial Jail Warden Felicito Gumapac.

Duda si Gumapac na ang iligal na droga ay madaling araw itinapon ng suspek sa loob mula sa labas ng compound ng provincial jail.

Ayon kay Gumapac ang itim kasi at naka-masking tape na plastic na pinagbalutan ng iligal na droga ay nilagyan din ng bato. Ito ayon kay Gumapac ay upang magkaroon ng bigat at maitapon mula sa labas ng nasabing pasilidad.

Sinabi ni Gumapac na dahil dito napatunayan ng mga jail guard na mali ang paratang na mayroon sa kanilang nagpupuslit ng iligal na droga sa provincial jail.

Ipinahayag din ni Gumapac na dahil dito mariin na ring ipinagbabawal sa mga persons deprived of liberty na lumapit sa perimeter fence ng kulungan.

Nananawagan din si Gumapac sa publiko na para matulungan ang mga inmate na magbagong buhay tigilan na ang pagpupuslit ng iligal na droga sa provincial jail.

 

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...