Thursday Jun, 08 2023 11:16:27 PM

Teacher huli sa drug buy bust, inakusahan din ng pagmolestiya sa mga mag-aaral ng Tulunan, North Cotabato

Local News • 10:15 AM Tue Feb 21, 2023
314
By: 
DXND radyo Bida

TULUNAN, North Cotabato - Nanggagalaiti at napahagulhol na lang ang mga magulang sa pribadong pagpupulong ng isang paaralan kasama ang Barangay LGU officials habang isinisiwalat ng mga anak nila ang ginawang pangmomolestya ng kanilang guro.

Para protektahan ang pagkakakilanlan ng mga biktima, hindi na namin tutukuyin ang paaralan ang mga sangkot sa insidente, maging ang kanilang barangay.

Paulit-ulit daw kasing pinagsamanatalahan ni Alias Jun, 31 years old na elementary teacher sa nasabing bayan ang 14 na estudyanteng babaeng edad 8 anyos hanggang 10.

Ayon sa Chairman ng Barangay, nabulgar lang ang kahalayan ng teacher matapos maglakas loob na magsumbong ang isa sa mga biktima nang may ininda na itong sakit sa pribadong bahagi ng katawan. Sa salaysay ng mga biktima, sa paaralan nangyayari ang pagsasamantala habang sila ay nagbabasa o sa CR ng paaralan.

Kamakailan lang nang nalaman ng mga magulang ang pinagdaanan ng kanilang mga anak dahil tinakot umano sila ng suspek na ipapakulong ang mga magulang nito kapag nagsumbong sila.

Bago paman makapag sampa ng reklamo ang mga biktima at kaanak nito ay nahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ang teacher na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP.

Hindi naman makapaniwala ang mga magulang na nakausap ng News team dahil mailalarawan nila ang guro na mabait, gayunpaman ay kung mapapatunayan man sa salang ginawa nito ay dapat anilang harapin niya ang pananagutang kriminal nito.

Nanawagan naman ang opisyal ng barangay na lumantad na ang iba pang biktima ni alias Jun na 7 taon nagtuturo sa nasabing paaralan.

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...

2 Abu Sayyaf dead in Basilan clash

COTABATO CITY - Soldiers shot dead two members of the Abu Sayyaf in a brief clash in a secluded barangay in Sumisip town in Basilan Tuesday....