Unang araw ng fire prevention month, isang bahay sa Cotabato City, nasunog
INAALAM pa ng Bureau of Fire Protection Cotabato City ang pinagmulan ng sunog sa Block 21, Barangay Rosary Heights 8 kahapon ng umaga kung saan isang bahay ang tinupok ng apoy.
Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Cotabato City BFP Relations Officer FO2 Anthony Henilo na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pagma-may-ari ng isang Nestor Lemana.
Mahigit kumulang kalahating milyong piso ang danyos ng sunog. Ngunit pwede pa itong madagdagan.
Kaugnay rito, nagpapalala si Henilo sa taga Cotabato City na mag-ingat sa sunog lalo't ngayong Marso ay Fire Prevention Month.
"Sa simpleng pag-uplug ng mga nakasaksak na de kuryente ay malaking bagay na ito sa pag-iwas sa sunog. Dapat ang pag-iwas sa sunog ay hindi lang trabaho ng BFP, dapat ang mga barangay ay may contingency plan," ayon kay Henilo.