Saturday Sep, 30 2023 04:32:21 AM

UPDATE: Tatay, 2 anak na babae patay sa ambush sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur

Mindanao Armed Conflict • 07:15 AM Wed Mar 29, 2023
521
By: 
DXMS RADYO BIDA COTABATO
Mayor Bai "Bong-Bong" Ampatuan meets with police authorities following the brutal killing of civilians in an ambush in Datu Hofer. (Photo from Datu Hofer LGU)

UMAKYAT pa sa tatlo ang nasawi kabilang ang dalawang mga batang babae sa ambush sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer, Maguindanao Del Sur pasado alas 7:00 ng gabi nitong Lunes.

Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay Datu Hoffer town chief Police Captain Ramillo Serame, sinabi nito na ang mga nasawi sa pananambang ay ang padre de pamilya na si Sadam Mamasainged at ang anak nitong sina Hanafia na tatlong taong gulang pa lamang at ang walong buwang sanggol na si Hamdi.

Sakay ang limang miyembro ng pamilya sa isang payong-payong patungong Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer nang biglang paputukan ng mga armadong kalalakihan.

Nakaligtas naman sa pananambang ang nanay ng dalawang mga bata na si Faira Mamasaingaed at isa pang menor de edad na batang babae na kanyang pamangkin.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng M16 at M14 rifle.

Patuloy pang inaalam ng PNP ang motibo ng naturang ambush.

Kaugnay nito ay mariing kinondena ng Datu Hoffer LGU ang nangyaring pananambang.

Ipinag-utos na rin ni Datu Hoffer Mayor Bai Bongbong Ampatuan sa PNP ang mabilisang imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng krimen.

 

BARMM lady solon unveils facility dedicated to women, cooperatives in DAS

DATU ABDULLAH SANGKI, Maguindanao del Sur — The Bangsamoro government unveils a new building primarily dedicated to the welfare of the Bangsamoro...

Ginang sa Makilala, patay matapos kumain ng palaka; rape suspect sa SNA, patay nang manlaban sa PNP

MAKILALA, North Cotabato - Wala pang isang oras, binawian na ng buhay ang isang ginang na pinaniniwalaang nalason sa kinaing palaka sa Barangay...

Surprise drug test ginawa sa mga opisyal ng PRO-BAR, resulta wala pa

PINANGUNAHAN NI BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang unannounced drug test sa 129 na mga police officials at police personnel...

RTWPB 12 okays new wager order for Region 12 workers

KORONADAL CITY  – The Department of Labor (DOLE) in the Soccsksargen region, through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB...

Stakeholders glad with passage of BARMM government code

COTABATO CITY - Stakeholders were elated to have a regional governance code for the Bangsamoro region after a long wait. Regional lawmakers...