Friday Sep, 29 2023 11:31:28 AM

VP Sara satellite office, pormal na binuksan sa Cotabato City

Local News • 13:45 PM Sun Jun 4, 2023
620
By: 
DXMS Radyo Bida
Mga larawan mula sa FB page ni Cotabato City Mayro Bruce Matabalao.

COTABATO CITY - Pormal nang binuksan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang satellite office sa lungsod upang mas lalong mapalapit sa taumbayan ang kanyang tanggapan.

Ang pagbubukas ng tanggapan ni VP Sara na siya ring kalihim ng Department of Education ay ginawa ngayong linggo ng umaga at dinaluhan nina BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, Maguindanao del Norte Gov. Abduraof Macacua at BARMM Labor Minister Muslimin Sema.

Ang office of the vice president sa Cotabato City ay naglalayong mapabilis ang pagbibigay ng tulong ng tanggapan ni VP Sara sa mga mamamayan ng Cotabato City at Bangsamoro region.  

Hindi na kailangan pang bumiyahe sa malayong lugar tulad ng Davao at Zamboaga ang mga dudulog at hihingi ng tulong mula sa OVP dahil meron na nito sa Cotabato City.

Ipinaliwanag ni VP Sara na ang mga satellite offices ay itinayo sa ilang estratehikong lugar sa bansa upang mas lalo itong mapalapit sa taumbayan.

Nagagalak si Cotabato City Mator Bruce Matabalao at napili ni VP Sara ang Cotabato City bilang lugar ng kanyang satellite office sa rehiyhon.

 

RTWPB 12 okays new wager order for Region 12 workers

KORONADAL CITY  – The Department of Labor (DOLE) in the Soccsksargen region, through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB...

Stakeholders glad with passage of BARMM government code

COTABATO CITY - Stakeholders were elated to have a regional governance code for the Bangsamoro region after a long wait. Regional lawmakers...

Settlers' rep MP Anayatin, nagagalak sa pagpapatibay ng BARMM local governance code

BILANG kinatawan ng mga settlers sa Bangsamoro Region, nagpahayag ng kagalakan si Member of Parliament Dr. Susana Anayatin sa pagpasa at pagiging...

Bangsamoro Parliament OKs local governance code

COTABATO CITY ― The Bangsamoro Parliament has passed the Bangsamoro Local Governance Code on its third and final reading, bringing the constituent...

Sectors urge Malacañang, BARMM to protect Liguasan Delta’s ecosystem

COTABATO CITY - Stakeholders want the Bangsamoro government and Malacañang to embark on immediate interventions to save the iconic Liguasan...