Friday Dec, 08 2023 12:15:48 AM

Wanted person sa Matalam sugatan matapos manlaban sa mga police

Peace and Order • 19:45 PM Sat Sep 23, 2023
376
By: 
DXMS NDBC

KIDAPAWAN CITY - MAGSISILBING lang sana ng warrant of arrest ang PNP at PDEA 12 laban sa isang high value individual (HVI) sa Purok 6, Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato kaninang umaga Setyembre 23, 2023 ng manglaban ang suspek na si alyas Zedic.

Si Zedic ay itinuturing na Top 4 Provincial Most Wanted Person para sa kasong paglabag sa Section 11 at 12, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Matalam Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, 42SAC, 45AC, 4SAB ng PNP SAF at PDEA 12.

Sa report ng Matalam MPS, nang maramdaman ng suspek ang pagdating ng mga operatiba upang isilbi ang warrant of arrest ay agad itong nagpapaputok, gumanti rin ng putok ang mga awtoridad dahilan upang tamaan ang suspek.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na hospital ang suspek para sa agarang paggamot.

Narekober naman mula sa suspek ang isang yunit ng caliber 45 pistol na may kasamang magazine na kargado ng limang na bala at dalawang fired cartridge case ng cal. 45.

MP Dumama-Alba is new MILG-BARMM minister replacing lawyer Sinarimbo

COTABATO CITY – A member of parliament of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) today assumed as the new minister of the Ministry of the Interior...

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...