Sunday Jun, 16 2024 04:58:32 AM

34 Reds yield to gov’t in Norala, South Cotabato on Independence Day

Mindanao Armed Conflict • 15:30 PM Sat Jun 13, 2020
2
By: 
Grace Vaygas Toreta

KORONADAL CITY - Kasabay ng pagdiriwang ng ika-122 taong kasarinlan ng ating kalayaan, 34 na kasapi ng Communist Terrorist Group ang boluntaryong sumuko sa pamahalaaan sa Norala, South Cotabato.

Sila ay sumuko presensya ni Mayor Clemente B. Fedoc ng Norala, South Cotabato kasama ng mga kapulisan ng South Cotabato 1st PMFC sa pamumuno ni PLTCOL CELESTINO T DANIEL, JR., Force Commander, PLTCOL BENJIE KIRBY BAJO, 2nd PMFC, PMAJ BERNIE B FALDAS, ACOP Norala MPS, kasabay rin ang pwersa ng 12th Special Forces Company sa pamumuno ni CAPT MICHAEL CLEMENTE, PLT JOE RAFAL ng RIU 12, 1205th MC, RMFB 12 at Barangay Officials ng Tinago na pinangunahan ni Hon. Michael L. Malino, Brgy Chairman habang naghahatid ng karagdagang tulong mula sa gobyerno at programa ng PNP ang "KAPWA KO, SAGOT KO" o Adopt An Indigent Family Program sa mga residente ng Sitio Lower at Upper Bangkal, Tinago, Norala, South Cotabato.

Dahil sa sunod sunod na pagsagawa ng Internal Security Operations sa bulubunduking bahagi nang syudad ng Koronadal at mga bayan ng Tantangan, Banga at Norala, South Cotabato at dahil na rin sa tindi ng dulot ng COVID 19 at hirap na dinaranas sa pagiging kasapi ng kilusan, kaya naka-isip ang mga nasabing miyembro ng CTG's na sumuko para makamtan ang totoong kalayaan at yakaping muli ang ating gobyerno.

Kasabay ng kanilang boluntaryong pagsuko, bitbit rin nila ang kanilang mga matataas na kalibre ng armas, mga dokumento, assorted medical kit/supplies at mga pampasabog.

Pinasisiguro naman ni Mayor Fedoc na makakatanggap nang paunang ayuda ang mga nasabing rebeldeng sumuko at hinihikayat pa ang kanilang mga kasamahan na bumaba narin para makamtan at makamit ang kanilang minimithing tunay na pagbabago at kalayaan.

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...