After Mayor Ogena, 17 Koronadal City hall employees test Covid-19 positive
KORONADAL CITY - Naka-isolate na ang 17 mga kawani ng Koronadal city hall na nagpositibo sa COVID-19.
Ang mga ito ay kabilang sa dalawamput anim na COVID-19 cases na naitala sa lungsod kamakalawa.
Sinabi ni Vego na nakuha ng mga COVID-19 positive ang virus sa kanilang mga opisina at tahanan.
Dahil dito, ayon kay Vego, aasahan na simula sa Lunes ay may pagbabago na ipatupad sa pagreport sa trabaho ng kanilang mga kawani ang city government. Ito ayon kay Vego ay napagusapan nila ng Human Resources and Management Office.
Ayon kay Vego hintayin na lamang ng publiko ang announcement hinggil dito ni Mayor Eliordo Ogena na naunang nagpositibo sa sakit at ngayon ay malapit nang makumpleto ang isolation.
Payo ni Vego sa publiko panatilihin ang health protocol sa mga opisina man o sa mga tahanan