With NoCot mayor "missing," vice mayor assumes post
Local News • 12:30 PM Sat Jun 12, 2021
876
By:
DXND RADYO BIDA
KIDAPAWAN CITY - Opisyal ng umupo si Vice Mayor Rogelio Marañon bilang acting mayor ng Magpet matapos tatlong araw na hindi sumipot sa kanyang opisina si Mayor Florenito Gonzaga.
Wala din nagpalabas ng official statement si Gonzaga.
SA panayam ng Radyo Bida Kidapawan, sinabi ni Maranon na may impormasyon na nakarating sa kanya na isinugod umano ang alkalde sa isang ospital sa Kidapawan City nitong Lunes at ngayon ay naka-confine.
Sa ngayon ay wala pang nakaka-kumpirma kung ano ang health status ng alkalde.
Samantala, uupo namang acting Vice Mayor si Municipal Councilor Godfrey Acupan.