Saturday May, 18 2024 01:14:47 PM

1 dies in car, motorcycle, "payong-payong" collision in DOS, Maguindanao

Local News • 08:45 AM Sat Jun 26, 2021
1
By: 
RUFFA MOKALID/DXMS Radyo Bida Cotabato
DOS PNP personnel inspect vehicles involved in highway mishap. Photos courtesy of DOS PNP

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - HINDI na umabot sa pagamutan ang isang grade six pupil habang kritikal naman sa pagamutan ang dalawang kasama nito matapos ang nangyaring banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si Ahmad Alyamani, 17 years old habang kritikal naman sa pagamutan ang kanyang kambal na si Mahmo Alyamani at isang tatlong taong gulang na bata.

Ayon sa kaanak ng nasawi, sinasabing nagkayayaan ang tatlo na maligo sakay ng payong payong.

Sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP, sinasabing magkasalubong sa opposite na direction ang kotse at payong payong ngunit biglang nabangga ng kotse ang isang motorsiklo sa kanyang harapan dahilan upang silang lahat ay nagkasalpukan.

Sa lakas ng salpukan ay humiwalay ang motor sa sidecar habang parehong nawasak ang harapan ng kotse at motorsiklo.

SAMANTALA, nakatakas naman ang driver ng kotse na hindi pa nakikila habang ang motorsiklo ay minamaneho ni Hood Israel Mohammad na taga Cotabato City at angkas nito na si Bainambai Guiamalo na taga Barangay Sapalan, Datu Odin Sinsuat na himala namang hindi nasugatan.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa driver ng kotse habang hinihintay rin nila ang posibleng pagdemanda ng mga kaanak ng nasawi.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...