Monday Jun, 17 2024 04:05:21 PM

Alpha, Beta, Delta variants natukoy sa 5 lugar sa South Cotabato - IPHO

HEALTH • 16:15 PM Wed Aug 25, 2021
631
By: 
DXOM-RADYO BIDA KORONADAL

KORONADAL CITY - Nakapagtala na ang lalawigan ng South Cotabato ng tatlong variants mula sa 11 South Cotabateños matapos dumating ang sample noong Agosto 23.

Ayon kay South Cotabato IPHO head Dr. Rogelio Aturdido Jr., dalawang kaso ng Beta variant at isang Delta ang naitala sa Surallah; tig-isang Alpha at isang Delta sa Banga, Koronadal, at Tupi; at isang Alpha variant mula sa bayan ng Polomolok.

Kailangan pa umanong ire-swab ang mga ito bago maituturing na tuluyan na talagang naka-recover.

Dagdag ni Aturdido, pumanaw ang isang 4 na taong gulang na lalaki mula sa bayan ng Tupi ngunit nilinaw na posibleng nakuha nito ang delta variant habang naka-confine sa isang ospital sa Davao dahil negative naman ang RT-PCR test nito sa Tupi.

Muli nitong inulit ang panawagan na maging mapagmatyag at sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng naturang mga variants sa probinsya.

Matatandaang ang Alpha (B.1.1.7) variant ay unang natukoy sa United Kingdom; sa South Africa naman ang Beta (B.1.351) variant, habang nasa bansang India naman ang mas delikado at nakakahawang Delta (B.1.617.2) variant.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...