Saturday May, 18 2024 06:00:27 PM

Isa patay, tatlo sugatan sa shootout matapos ang anti-drug operation sa Pigcawayan

Local News • 10:15 AM Thu Jun 9, 2022
694
By: 
DXMS RADYO BIDA
Photo courtesy of Barangay Kimarayag, Pigcawayan, North Cotabato

PIGCAWAYAN, North Cotabato - Isa ang patay at tatlo ang sugatan sa anti-drug operation na ikinasa ng Pigcawayan PNP sa Barangay Upper Baguer kahapon ng hapon.

Sinabi ni Pigcawayan police chief Maj Carl Jayson Baynosa sa DXMS Radyo Bida na nanlaban ang mga suspect na sakay ng kulay itim na Toyota Avanza.

Nang sitahin ay humarurot ito at nakipagbarilan sa mga police kayat nagkaroon ng shootout.

Sa pagiwas sa  mga police, nabangga ng Toyota Avanza ang isang pampasaherong jeep na ikinasugat ng mga sakay nito.

Dinala ng mga police sa ospital ang dalawang target ng operation pero isa ang nasawi at ang kasama nito ay ginagamot. 

Kinilala ni Baynosa ang nasawi na si Bhan Mangcog Ali, 40 taong gulang at taga Barangay Poblacion Pagalungan, Maguindanao at sugatang kasam anito na si Ali Tahir Musa, 53 yrs old, taga Pagalungan din.

Nakuha mula sa kanila ang isang cal. 45 pistol, mga bala, shabu at siyam na kahon ng smuggled Fort ciagarettes na nagkakahalaga ng halos P135,000.

Nasa ospital din sa Midsayap ang isang lalaki at isang babae na nadamay lang sa shooting.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...