Thursday May, 02 2024 10:56:37 AM

Inmate ng South Cotabato provincial jail, inireklamo ng pangongotong ng ka-chatmate na OFW

Local News • 17:00 PM Thu Sep 29, 2022
872
By: 
DXOM Radyo Bida

KORONADAL CITY - Iniimbestigahan ngayon ng pamunuan ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC na mas kilalang Provincial Jail, ang isa nilang inmate.

Ayon kay OIC Provincial Jail Warden Lory Celeste, ito ay matapos inireklamo ng pangongotong ng isang Overseas Filipino Worker o OFW.

Sinabi ni Celeste na pinagbantaan umano ng nasabing inmate ang chatmate nitong babaeng OFW na ipakakalat ang kanyang mga pribadong video at larawan.

Ito ay kung hindi magbibigay sa kanya ng P30,000.

Ayon kay Celeste iniimbestigahan din nila ang isang jail guard na nagbigay ng cellphone sa inirereklamong inmate.

Ipinahayag ni Celeste na nakumbinsi ng kanilang team leader ang inmate na isuko ang kanyang cellphone.

Dagdag pa nito na ang inmate na inirereklamo ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act ay pinagbawalan munang lumabas ng selda habang iniimbestigahan.

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...