Sunday Jun, 16 2024 09:07:55 AM

16 cops, 6 detainees in Polomolok police office test positive to COVID-19

HEALTH • 09:30 AM Thu Nov 12, 2020
1
By: 
DXOM Radyo Bida
Polomolok police station file photo

KORONADAL CITY - Naka-isolate na sa isolation facility ng lokal na pamahalaan ang labin anim na mga pulis na nagositibo sa COVID-19 sa Polomolok, South Cotabato.

Habang ang anim namang persons deprived of liberty o PDL na COVID-19 positive din ay inihiwalay ng selda ng Polomolok PNP. Kinumpirma ito ni Polomolok Deputy Chief of Police, Captain Rommel Hitalia. Ayon kay Hitalia ang nasabing mga COVID-19 positive persons ay pawang mga asymptomatic o walang sintomas.

Dinagdag din nito na lahat ng mga nakasalamuha ng mga ito ay isinailalim na sa swab test. Nilinaw din ni Hitalia na ang mga pulis nagpositibo sa COVID-19 ay pawang mga office personnel lamang ng Polomolok PNP.

Kaya ayon ay Hitala, isang malaking palaisipan ngayon sa kanila kung papaano nahawa ang mga ito ng virus. Pero ayon kay Hitalia karamihan sa mga kabiyak ng mga PNP personnel ng Polomolok PNP na COVID-19 positive ay nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong sektor.

Habang ang mga PDL naman ay madalas binibisita o dinadalhan ng mga pagkain ng kanilang mga kaanak. Dinagdag din nito na ina-assess pa ng Polomolok PNP kung kailangan nila ang augmentation mula sa PNP 12.

Paliwanag ni Hitalia, naka-duty rin kasi sa kanilang tanggapan ang mga pulis na unang nagpa-swab test at nag-negatibo sa COVID-19.

Sinabi din ni Hitalia na inihahanda na rin nila para gawing isolation facility ang lumang Polomolok police station sakali mang dumami pa ang mga preso na magpositibo sa COVID-19.

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...

Eid'l Adha holiday advisory

Pursuant to the Bangsamoro Holidays Act of 2023 and in line with the traditions and festivities of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice), the Bangsamoro...

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...