Sunday Jun, 16 2024 12:35:22 PM

2 local terrorists slain in clash with state forces

Mindanao Armed Conflict • 13:30 PM Thu May 23, 2024
614
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Napatay ang dalawang  lokal na terorista makaraang manlaban sa mga awtoridad na magsisilbi lang sana ng warrant of arrest sa Barangay Talcon, T’ boli, South Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Yasser Catacutan alias Kardo at Eizar Emam. Si Catacutan ay nahaharap sa kasong Murder dahilan para babaan ito ng lokal na korte ng warrant of arrest.

Sa ulat ng 5th Special Forces Battalion, sa halip na sumuko ng maayos, nakipagbarilan ang suspek sa tropa ng pamahalaan madaling araw nitong Lunes (May 20, 2024) na kinabibilangan ng mga operatiba ng 10th Special Forces Company kasama ang mga pulis mula sa T’Boli Municipal Police Station.

Matapos ang halos sampung minutong palitan ng putok, nakitang bumulagta ang dalawang mga suspek habang sugatan naman ang isang sundalo.

Nagawa pang isugod sa pinakamalapit na  pagamutan ang mga suspek at ang sugatang sundalo. Pero ang dalawang mga suspek ay di na umabot pa nang buhay, habang nasa maayos na kalagayan naman ang sugatang sundalo.

Nakuha naman mula sa mga suspek ang isang Cal .45 Pistol, at isang plastic container na may blasting cap na may baterya sa loob.

Pinuri naman ni Maj. Gen. Alex S. Rillera, ang pinuno ng 6ID at JTF-Central, ang katapangan at dedikasyon ng mga tropa para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanayunan.

“Ang pagkakatunton at pagkapaslang sa mga naturang local na terorista ay resulta ng pinaigitng na pagtututlungan ng ating kasundaluhan at kapulisan, kaagapay ng mamamayan at local na opisyal ng pamahalaan upang wakasan na ang banta ng terorismo sa rehiyon. Ang matagumpayt na operasyon ay isang patunay na patuloy na nangingibabaw ang katarungan sa ating lugar. Nagpupugay din tayo sa ating sundalo na nasugatan sapagkat sa kabila ng matinding panganib ay buong sigasig niyana tinupad ang kanyang tungkulin,” ayon kay 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Alex Rillera.

 

 

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...

Eid'l Adha holiday advisory

Pursuant to the Bangsamoro Holidays Act of 2023 and in line with the traditions and festivities of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice), the Bangsamoro...

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...