Thursday Dec, 07 2023 03:54:35 PM

3 Dawlah leaders, followers yield to Army in Tacurong

Mindanao Peace Process • 20:15 PM Sat Oct 7, 2023
595
By: 
6th ID news release
Ang surrender rites sa kampo ng First Mechanized Infantry Brigade sa Tacurong City. (Army photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao Norte – Tatlong matataas na opisyal ng Dawlah Islamiya at walong mga kasapi nito mula sa Maguid na grupo ang kusang nagbalik loob sa pwersa ng gobyerno nitong Oktubre 6, 2023 sa 1st Mechanized Infantry Brigade Headquarters, Camp Leono, Barangay Kalandagan, Tacurong City.

Ang labing isang sumukong rebelde ay iniharap sa Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade na si Brigadier General Andre Santos at Lieutenant Colonel Carlyleo Nagac, ang Commanding Officer ng 5th Special Forces Battalion kasama si South Cotabato Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Bautista.

Ibinunyag naman ni Brig. Gen. Santos na ang tatlong matataas na opisyal ng nasabing grupo ay ang sub lider at chief of staff ng military affairs na may alyas Abubakar/Bungos; logistics officer na si alyas Haron; at si alyas Jack bilang kanilang courier.

Bitbit naman ng 11 na sumuko ang kanilang mga armas na mayroong dalawang 7.62mm M14 rifles; isang cal 50 sniper rifle; dalawang improvised explosive device (IEDs) at isang hand grenade.

Ipinahayag naman ni Major General Alex Rillera, ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagpapatibay at pagpapalakas ng focused military operations na isinasagawa ng mga pwersa ng gobyerno laban sa mga terorista.

“Dahil sa mas pinalakas na operasyon ng mga militar at ng ating mga security forces sa tulong ng ating lokal na gobyerno, mas marami na sa mga myembro ng mga terrorist groups ang nagigising at namumulat mula sa mga panlilinlang at manipulatibong pakana ng kanilang mga pinuno na nagrekrut sa kanila” wika ni Rillera na hepe din ng Joint Task Force Central.

Binigyang-diin naman ng 6ID commander na ang boluntaryong pagsuko ng mga matataas na opisyal at miyembro ng Dawlah Islamiya sa lalawigan ng Tacurong ay isang indikasyon ng lalong paghina ng kanilang organisasyon.

“Nagpapasalamat kami sa JTFC at 6ID na kusa kayong nagbalik loob sa ating pamahalaan. Tinitiyak namin sa inyo na sa tulong ng mga programa ng ating gobyerno ay matutulungan naming bumalik sa normal ang inyong pamumuhay kasama ang inyong mga pamilya,” ayon kay Maj. Gen. Rillera.

May be an image of 6 people and text

MP Dumama-Alba is new MILG-BARMM minister replacing lawyer Sinarimbo

COTABATO CITY – A member of parliament of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) today assumed as the new minister of the Ministry of the Interior...

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...