Thursday Dec, 07 2023 03:43:09 PM

3 taga MagNorte at NoCot, huli sa QC dahil sa kasong syndicated estafa

Breaking News • 15:30 PM Mon Nov 20, 2023
256
By: 
NDBC NCA

NAHULI ang tatlong mga suspek ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at ng Eastwood Police Station ng Quezon City Police District, mag aalas 4:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng CIDG ang mga nahuli na sina Ivan Baja alyas Anthony Baja o kilala ring Stephen Aniñon Lopez, 41-anyos; Lorna Fuentes Maquilan, alyas Karen Fuentes Lopez, 47-anyos, pawang taga Poblacion 5, Midsayap, Cotabato; at isang Menchie Malmis Torsiende alyas Sherny Gonzalez, 43-anyos na taga Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.

Naaresto ang mga suspek sa kanilang

tinutuluyang condo unit sa nasabing lungsod.

Ang kasong syndicated estafa laban sa tatlo ay nag-ugat sa kanilang pinapatakbong investment scheme noon sa Landasan, Parang Maguindanao del Norte.

Ayon sa ulat ng PNP, nagsampa ng kaso ang isang Avelyn Melgarejo na nagbigay ng ₱10-milyon sa isa sa mga suspek, kapalit ng malaking interest dahil gagamitin umano ito sa kanilang negosyo sa Metro Manila.

Ilang taga Landasan din na nabiktima ng nasabing investment scheme ang nagsampa ng kaso laban sa mga suspek.

Nitong Nov.13, lumabas ang warrant of arrest ng tatlo at saka sila hinuli nitong Linggo.

Walang inirerekomendang piyansa ang syndicated estafa.

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...