Friday May, 03 2024 08:04:23 AM

31 mga miembro daw ng kulto sa Arakan, North Cotabato nailigtas ng LGU

Local News • 16:00 PM Tue Feb 16, 2021
1
By: 
DXND radyo Bida

ARAKAN, North Cotabato  - Nasa incident management post na ng Arakan LGU ang 31 mga indibidwal na na-rescue sa isang malayong sitio ng barangay Libertad na una ng napaulat na mga miembro umano ng isang kulto.

Ito matapos makumbinsi sila ni Mayor Rene Rubino na bumaba na dahil sa hindi na maganda ang kanilang kalagayan sa bukid.

Sa report, mag-iisang taon na umano ang grupo sa malayong sitio ng naturang barangay dahil hinikayat umano silang pumunta dahil doon ang kanilang kaligtasan at para mailayo sila sa COVID-19 virus.

Dahil sa sobrang lamig at sa wala na halos makain ay tatlo sa kanila ang namatay. Ang isa ay katapusan pa ng Enero umano namatay na kinilalang si Leonardo Lauron Capillan, 61 anyos. Nitong Februiary 1 ay sumunod na namatay ang anak nitong si Bernardo Provida Capillan, 32 anyos at nitong February 6 ay namatay din ang isang Ailyn Magali, 18 anyos.

Natunton ang lugar kung saan namalagi ang grupo nang umakyat ang pamilya ng isa sa mga namatay para kunin sana ang bangkay ng kanilang kaanak pero ayaw umanong ibigay sa kanila.

Matapos na magreport sa Arakan PNP ay sumunod na umakyat ang mga tribal leaders’ para makumbibsi silang bumaba.

Una ay nagmatigas ang ilan sa kanila dahil sa doon umano sa lugar sila maliligtas. Pero matapos ang negosasyon ng mga tribal leaders ay unang nakababa ang ilan sa kanila nitong sabado.

Fenruary 14, araw ng linggo ay umakyat si Mayor Rene Rubino sa Barangay Libertad at dito ay nakumbinsi nila ang iba pa na bumaba na.

Dagda sa kwento ng mga nasa lugar ay tinipon umano sila at umakyat sa lugar para sambahin ang isang sanggol na iniluwal ng anak ni Leonardo na sinasabing nilang Niño Jesus at siyang magliligtas sa kanila.

Sa ngayon ay nasa bundok pa ang bangkay ng tatlo na dinalhan ng kabaong ng LGU at hindi pa naililibing dahil nasa advance state of decomposition na.

Kinukumbinsi narin ng LGU ang 31 na nasa incident management post para sumailalim sa medical exam para masigurong ligtas sila sa ano mang sakit dahil sa pamamalagi sa bundok.

Inihahanda na rin ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Arakan ang kanilang gagawing Psychosocial Intervention para sa 31 na-rescue.

Nauna ng sinabi ng mga residente sa lugar na pinaniniwalaan nilang mga myembro ng kulto ang naturang grupo pero pinabulaanan ito ng barangay officials at iniimbistigahan narin ito ngayon ng LGU.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...