Monday May, 20 2024 07:09:26 PM

9 villages in Cotabato City may experience lack or no water supply at all

Local News • 16:00 PM Tue Apr 9, 2024
274
By: 
DXMS

COTABATO CITY - Siyam na Barangay sa Cotabato City mawawalan ng tubig ayon sa MCWD matapos sapilitang mag shutdown ang Biniruan bulk water plant dahil sa El Niño

DAHIL sa matinding epekto ng El Niño at pagbaba ng lebel ng tubig sa ilog, napilitang mag shutdown pansamantala ang isa sa mga water sources ng Metro Cotabato Water District.

Ito ay ang Biniruan Bulk Water Plant na pagmamay-ari ng Hanabana Construction and Equipment Corp na ang facilities ay matatagpuan sa Biniruan, Barangay Poblacion 9, Cotabato City.

Ayon sa MCWD, ang pagbaba ng lebel ng tubig sa ilog (Biniruan) ay nagdulot ng pagtaas ng lebel ng salinity o pagkaalat sa raw water nito.

Sa sobrang taas ng pagkaalat ng tubig, ay pansamantalang hininto ang operasyon ng planta dahil hindi na nito kinakaya ang pag treat at pag filter ng raw water.

Ang ganitong kataas na lebel ng pagkaalat ay di na rin mabuti sa kalusugan ng tao.

Dahil dito, apektado ang siyam na Barangays ng Barangays Poblacion Mother, Poblacion 2, 3, 4, 8, 9, RH 3, 4 at 5.

Upang magkaroon ng supply ang mga nabanggit na Barangays ay pansamantalang nagbukas ng mga valves ang Water District mula sa Dimapatoy, Tanuel, Rebuken at Macaguiling Bulk Water Supply.

Apektado naman ang ibang service areas na dati-rati ay 24/7 ang supply ng tubig.

Humingi na rin ang MCWD ng assistance kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, BARMM Government (BARMM READi) Philippine Red Cross, at kalaunan kapag mas lumala pa ang sitwasyon ay sa BFP at Filipino-Chinese Fire Brigade.

Hinihikayat ang lahat na ipagpatuloy ang pagtipid ng paggamit ng tubig.

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...