Thursday Dec, 07 2023 02:43:52 PM

Archdiocese of Cotabato vocation month to be launched Sunday, Oct 1

Church • 09:00 AM Sat Sep 30, 2023
552
By: 
DXMS NDBC

ILULUNSAD BUKAS October 1, 2023 ng Diocese of Cotabato ang vocation month 2023 sa pamamagitan ng misa na gaganapin sa Immaculate Concepcion Cathedral alas otso ng umaga.

Si Cotabato Archbishop Angelito Lampon, OMI ang main presider ng launching mass kasama ang mga pari mula sa Oblates of Mary Immaculate at Diocesan Clergy of Cotabato pati na ang iba't-ibang religious congregation.

Pagkatapos ng misa gagawin naman alas nuwebe ng umaga ang isang maikling programa sa Notre Dame of Cotabato Inc.

Inaasahang dadalo bukas ang mga kinatawan mula sa Oblates of Mary Immaculate, Diocesan Clerty of Cotabato, Marish Brothers and Fathers, Oblates of Notre Dame o OND, Religious of the Virgin Mary O RVM, Order of Preachers o OP at RNDM o Religious of Notre Dame of the Missions.

Sinabi sa DXMS ni Archdiocese of Cotabato vocation director Fr. Gerard Fornan, DCC, taunang ginugunita ang vocation month upang ipadama at ipamulat sa mga mananampalatayang katoliko ang kahalagahan ng tawag ng Diyos sa pagpapari at magmamadre.

Nanawagan din ito sa mga batang mananampalataya na bigyang puwang ang pagpasok sa semenaryo, kakaiba aniya ang sayang naidudulot ng paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Tema ng vocation month ngayong taon ay “Sama All".

Sa loob ng isang buwan, bukas ang iba't-ibang religious congregation sa Archdiocese of Cotabato para sa immersion ng mga gustong pumasok sa religious life.

Sa may mga katanungan, maaring makipag-ugnayan sa ibat-ibang religious congregation.

May be an image of 1 person and text

May be an image of 8 people and text

May be an illustration of 1 person, heart and text

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...