Binatilyong taga Kidapawan, nahulog o tumalon sa Gaisano Mall sa Davao?
Local News • 20:45 PM Tue Sep 13, 2022
1
By:
DXND Radyo Bida Kidapawan
KIDAPAWAN CITY - Isang 22 anyos na lalaking taga Kidapawan City ang natagpuang patay matapos umano'y mahulog o tumalon sa Gaisano Mall Bajada sa Davao City bandang alas 4:00 nitong hapon, September 13, 2022.
Kinilala ito na si Zacharia Go, 22 at taga Kidapawan batay sa kanyang identification card.
Sa inisyal na impormasyon, nakasauot ito ng black jacket at maong na pantalon.
Ang katawan ng biktima ay nakita sa Sta. Ana Avenue sa ilalim ng multi-level parking sa likod na bahagi ng mall.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.