Bus, nasunog sa Pigcawayan, North Cotabato
Breaking News • 10:00 AM Sat Nov 18, 2023
284
By:
DXMS
Larawan ipinasa ng netizen sa DXMS
COTABATO CITY - KASALUKUYANG inaapula ng BFP Pigcawayan ang nasusunog na Mindanao Star Bus sa bahagi ng Barangay Panatan, Pigcawayan, North Cotabato.
Sinabi sa DXMS Radyo Bida ngayong umaga ni Pigcawayan PNP Major Andres Sumugat, mechanical error ang sanhi ng sunog batay din sa mismong salaysay ng driver ng bus.
Nasa lugar na ang BFP, AFP at PNP upang mag-responde sa naturang sunog.
Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang kalagayan ng mga pasahero ayon kay Major Sumugat.