Engineer patay sa pamamaril sa Koronadal City
Peace and Order • 19:15 PM Fri Dec 8, 2023
577
By:
DXOM Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY - Dead on the spot ang biktimang kinilala na si Engr. Rey Miguel, 48 anyos na nagtatrabaho sa NGCP Sultan Kudarat matapos tambangan ng hindi pa nakikilang mga suspek ngayon hapon lamang sa Barangay Carpenter Hill.
Ayon sa mga otoridad, nagmamaneho ang biktima ng kanyang puting Mitsubishi car kasama kanyang mag-ina na pauwi na sana sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro nitong lungsod nang paputukan ng mga suspect na nakamotor.
Maswerteng nakaligtas ang anak ng biktima ngunit tinamaan naman ang kanyang asawa, na ang kalagayan ay inaalam pa sa ngayon.