Fr. Mon Bernabe, itinalaga bilang bagong presidente ng Notre Dame of Midsayap College
OMI Philippine Province • 05:15 AM Thu Aug 24, 2023
1
By:
DXMS NDBC
Fr. Mon Bernabe (right) kasama ang iba pang OMI priests bago ang kanyang formal investiture kahapon. (OMI Photo)
PORMAL nang umupo bilang bagong pangulo ng Notre Dame of Midsayap College si Fr. Ramon Bernabe, OMI kapalit ni Fr. Jonathan Domingo.
Siya ang pang-12 pangulo ng NDMC, ang kauna-unahang Notre Dame school sa bansa at sa Asia na itinayo ng mga Oblate missionaries noong June 13, 1941.
Kahapon, ginawa ang investiture ni Fr. Bernabe o mas kilala bilang Father Mon.
Nanguna sa installation program si Oblate provincial superior Fr. Gerry delos Reyes at iba pang Oblate priests.
Umaasa si Fr. Mon na magpapatuloy ang NDMC community sa pagbuo ng pangarap ng mga mag-aaral.