Gunner naaresto ng CIDG sa Maguindanao del Norte
Local News • 07:45 AM Mon Jan 15, 2024
407
By:
DXMS
COTABATO CITY - NAARESTO NG MGA TAUHAN NG Criminal Investigation and Detection Group O CIDG-BARMM ang isang suspected gun runner o nagbebenta ng armas sa ikinasang operation sa Barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte kahapon.
Kinilala ni CIDG-BARMM chief Lt. Col. Ariel Huesca ang mga suspek sa pangalang Alias Datuan na taga Barangay Kalanganan 1, Cotabato City.
Isang undercover agent ang bibili sana ng baril na US-made M16 rifle mula kay Datuan sa gilid ng national highway nang isasgawa ang pag-aaresto sa suspect.
Nakuha mula sa suspect ang P200,000 na boodle money at ang kotse na dala nito.
Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Unlawful Sale or Disposition of Firearms.