Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur
Peace and Order • 20:00 PM Wed Sep 27, 2023
440
By:
DXMS NDBC
Ang motosiklo ng biktima sa lugar kung saan siya bumasak matapos barilin. (PNP photo)
DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon kanina.
Kinilala ni Sultan sa Barongis town police chief Lt. Alfred Gregory ang nasawi na si Aratuc Kamlon Salim na taga Purok Libas, Brgy. Pingiuaman, Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, pauwi na sana ng Brgy. Pinguiaman, Lambayong, Sultan Kudarat ang biktima sakay ng kanyang itim na Kawasaki Bajaj motorcycle mula Brgy. Sampao, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nang pagsapit sa lugar ay pinagbabaril ito ng mga di pa tukoy na mga suspek.
Agad itong dinala sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.