Maguindanao police colonel, sugatan sa vehicular accident sa Cotabato City
Local News • 23:00 PM Mon Dec 12, 2022
303
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
Kinilala ni PNP Traffic Enforcement Unit head Lt. Col Sahibon Mamantal ang sugatang pulis na si Lt. Col Sandro Ampad, taga Parang Maguindano at kasalukuyang nakadestino sa Maguindanao PNP.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Cotabato City PNP na minamaneho ni Ampad ang kaniyang Mitsubishi Montero nang makasalpukan nito ang Isuzu Elf deliverty na minamaneho ni Alvin Ferolino na taga Midsayap North Cotabato.
Galing Datu Odin Sinsuat Maguindanao ang elf truck habang ang opisyal ay papuntang Shariff Aguak.
Tumagal din ng isang oras bago tuluyang nai-alis sa Montero dahil naipit ang mga binti nito. Ginagamot na siya ngayon sa isang ospital.