Mainit na kalagayan ng panahon, posible sa Cotabato City at kalapit lugar
Local News • 07:00 AM Thu Mar 14, 2024
352
By:
DXMS NDBC
Inaasahang papalo sa 41 degree celsius ang Forecast Heat Index sa Cotabato City ngayong araw, March 14, 2024.
Kahapon, umabot sa 42 degree celsius ang init ng panahon, ayon sa report ng BARMM READi.
Pinapayuhan ang lahat na maging mas maingat sa mga sakit na dala ng init ng panahon.
Uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration at heat stroke.