Friday May, 31 2024 05:07:35 PM

Mga PWDs at Seniors, pinayuhan ng Comelec BARMM na bumuto ng maaga

GOVERNANCE/POLITICS • 07:45 AM Wed Aug 23, 2023
1
By: 
DXMS/Ruffa Mokalid

COMELEC-BARMM, patuloy ang panawagan sa mga PWDs, seniors at pregnant women na bumoto ng maaga sa panahon ng BSKE

SINABI ito ni COMELEC-BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao sa Alerto Bangsamoro Program sa DXMS Radyo Bida.

Ayon kay Atty. Sumalipao, handang gawin ng COMELEC ang planong early voting hours.

Layunin aniya nito na gawing prayoridad sa pagboto ang nasabing mga vulnerable sektor tulad ng senior citizens, may mga kapansanan o PWDs, indigenous people at mga buntis para hindi na sila kailangan pang pumila.

Ibig sabihin bubuksan ang botohan nang mas maaga kaysa sa regular na voting hours.

Bagamat sinabi ni Atty. Sumalipao na hindi naman sila umaasa na maraming pipila ng maaga, bubuksan aniya ang botohan mula alas-singko ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Sa ngayon kasi ay hindi pa naisasabatas ang Early Voting Bill para sa mga nabanggit na vulnerable sector.

Samantala, sinabi rin ni Atty. Sumalipao na bago bumoto ay pumunta muna sa polling areas para makapaghanda at makita ang mga listahan ng qualified voters.

Sa tanong kung makakaboto ba ang mga nasa SGA-BARMM, narito ang paliwanag ni Sumalipao.

"Of course, makakaboto po ang mga nasa SGA-BARMM, may mga candidates sila. Kaso ang kaibahan ay although they are already part of the Bangsamoro, but they are not actually identified kung saang munisipyo sila, they will be in so far as supervision administratively under the election officers of the municipility where the barangays belong. So dun ang supervision, in fact, yung mga electoral boards natin will be identified, designated ang appointed by the election officers of each of the municipalities," pahayag ni Sumalipao.

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...

Kidapawan residents feast on 3K hito, tilapia in ‘Sugba sa Dalan’

KIDAPAWAN CITY –Thousands of residents flocked to the national highway here Thursday afternoon to partake of free grilled tilapia and “hito” or...

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

HEADLINES 1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill 2...

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...