Wednesday May, 15 2024 05:19:32 PM

NDBC BIDA BALILTA (July 7, 2016)

 • 18:11 PM Thu Jul 7, 2016
694
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JULY 07, 2016
(THUR)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Pangulong Rodrigo Duterte, naki-isa sa
mga Pilipinong Muslim sa pagdiriwang ng Eidl Fitr.

2. Apat na mga magsasaka ng North Cotabato, nagwagi sa Regional
Gawad Saka Awards

3. APAT na taong gulang na bata, patay
matapos mahuglo sa kanal, sa Norala, South Cotabato

4. Mga police sa South Cotabato, negative sa drug testNakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa
mga Pilipinong Muslim sa pagdiriwang ng Eidl Fitr o ang pagtatapos ng halos
isang buwang pag-aayuno ng mga ito sa panahon ng Ramadan.

Sinabi ng pangulo na binabati niya ang
mga Muslim Ummah sa matagumpay na pagtatapos ng Ramadan.

Aniya, napapanahon ang pagdiriwang ng
Ramadan sa taong ito lalo na’t nagsisimula ang bansa sa ilalim ng bagong
administrasyon.

Kasabay nito ay ang pakiusap ni Duterte
sa lahat ng mga Pilipinong Muslim na sumama at maiisa sa kanyang kampanya tungo
sa pagkamit ng tunay na kapayapaan, kaayusan at kaunlaran.

Umaasa naman ang Pangulo na ang ‘sense
of discipline’ na natutunan sa Ramadan ay tuluyang maisabuhay para ang lahat ay
maging mas kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

Samantala, sa kabuuan ay naging MAPAYAPA
ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Cotabato city kahapon.

Sinabi ni Secretary to the City Mayor
Aniceto Rasalan na kapuri-puri ang mga Cotabateño lalo na ang mga
mananampalatayang Muslim sa pagsunod ng mga ito sa pakiusap na gawing mapayapa
ang pagdaraos ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Sabi pa ni Rasalan, bagama’t mayroon pa
ring mga pasaway na nagpaputok ng baril ay konti na lang ang mga ito kung ikukumpara
sa mga nagdaang taon.

Maliban rito, wala ring naiulat na
biktima ng mga ligaw na bala sa lungsod.

Pakiusap naman ni Rasalan, dapat ng
magbago ang mga nagpapaputok ng baril para sa pagsuporta ng anumang selebrasyon
sa lungsod dahil hindi biro ang pinsalang idinudulot nito sa kahit sinumang
maging biktima.

Kaugnay ng Eid celebration, mapayapa
ring naidaos ang congregational prayer sa Cotabato City People’s Palace at iba
pang mga prayer venue sa lungsod na dinaluhan ng libo-libong mga Muslim sa lungsod.

Panibagong kaso
na naman ng pamamaril ang naitala ng Cotabato City PNP sa lungsod kagabi.

Kinilala ang
biktima na si Hyman Alester Mangelen Salendab, 37 years old, may asawa, walang
trabaho at taga- Phase, barangay Rosary Heights 11 ng lungsod.

Nangyari ang insidente,
pasado alas diyes kagabi, sa kanto ng Don
Andress Alonzo Avenue at LR Sebastian street, kung saan pinagbabaril ang
biktima habang sakay sa kanyang kulay puting TOYATA HI-ACE na mayroon lang temporary
license plate.

Nagtamo ng
anim na tama ng bala mula sa caliber 45 pistol sa iba’t bang bahagi ng kanyang
katawan si Salendad.

Tinangka pang
isugod ng isang concerned citizen ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito
umabot pa ng buhay.

Sa inisyal na
pagsisiyasat ng mga otoridad, dalawang mga lalaking sakay ng motorsiklo ang bumaril
sa biktima sa hindi pa rin matukoy na motibo. PATAY
ang isang miembro ng Abu Sayyaf Group sa panibagong sagupaan sa pagitan ng mga
sundalo at naturang teroristang grupo sa Barangay Maligay, Patikul, Sulu.

Sinabi
ni Western Mindanao Command o WestMinCom spokesperson Major Filemon Tan na
nagsasagawa ng focused military operations ang tropa ng 35th Infantry Battalion
ng Philippine Army nang maka-engkwentro nila ang humigit kumulang 20 mga
miyembro ng Abu Sayyaf.

Matapos
ang halos 20 minutong sagupaan ay narekober ng mga sundalo ang bangkay ng hindi
pa nakikilalang miembro ng Abu Sayyaf kasama ang isang unit ng caliber 45
pistol.

Habang
nakatakas naman ang iba pa niyang mga kasamahan na sangkot sa pananambang at
pagpatay sa mga sundalo.

Ayon
kay Tan, ang serye ng pagsasagawa ng kanilang tropa ng focused military
operations sa mga bulubunduking bahagi ng Sulu ay may layunin pa rin para
bigyan ng pressure ang grupo ng mga bandido na humahawak sa kanila sa marami
pang bihag upang tuluyan na nilang palayain ang mga biktima.

Sa
ngayon ay nasa siyam pang mga dayuhang biktima ang bihag pa rin ng Abu Sayyaf
sa Sulu kabilang dito ang pitong Indonesian crew, Europian birdwatcher at ang
Norwegian national habang tatlo naman ang natirang bihag na Pinoy.

TILA
WALANG BALAK tumigil ang mga kawatan sa Cotabato city sa kabila ng mahigpit na
pagbabantay ng mga pulis sa lungsod.

Katunayan,
isang pulis pa ang pinakahuling biktima ng basag-kotse kahapon.

Basag
ang kanang bintana ng sasakyang pagmamay-ari ng biktimang si Enrique Cuevas ng
Basilan PNP, matapos basagin ng mga kawatan.

Ayon
kay Cuevas, pasado alas siyete ng umaga kahapon nang iniwan niya ang kanyang
kulay puting TOYOTA D4D VAN sa Governor Gutierrez Avenue malapit sa GSIS
office.

Makalipas
ang ilang oras nang bumalik siya sa lugar ay natuklasan niyang basag na ang
windshield ng kanyang sasakyan.

Natangay
ng kawatan ang kanyang dalawang mga bag na naglalaman ng mga mahahalagang
dokumento at cash na abot sa three thousand pesos.

GAGAWIN
mamaya ang inaugural session ng Sangguniang Panglungsod ng Cotabato.

Sinabi
ni city vice mayor Atty. Cynthia Guaini-Sayadi na sa pagbubukas ng kanilang
sesyon ay minarapat nilang imbitahan ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Ito
aniya, ay para mapakinggan ng lokal na mga mambabatas ang mga mungkahi at mga
hinaing ng mga mamamayan ng lungsod.

Naniniwala
si Sayadi na mas magiging epektibo ang kanilang mga rerepasuhin at gagawin pang
mga batas kung ito ay nakabase sa pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng
lipunan.

Samantala,
sinabi ni Sayadi na may mga batas din ng lungsod na kanilang bubuhayin at posibleng
repasuhin para makaagapay sa pagbabago ng panahon.

Sa
ngayon, maigting na ipinatutupad ang curfew hours para sa mga minor, anti
illegal drug campaign, ang regulasyon para sa operasyon ng mga videoke machine,
at pagbabawal ng pag inum ng alak sa mga pampublikong lugar.

Ito ay
matagal nang ordinansa sa lungsod na sa ngayon ay mahigpit nang ipinatutupad. Sasagutin na ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC South Cotabato ang bayarin sa ospital ng mga kasapi ng media, informats, barangay officials, at law enforcers na masusugatan sa anti illegal drug operation sa lalawigan.
Ang panukalang ito ng Provincial Police Office ay inaprubahan ng mga myembro ng PADAC .
Magbibigay din ang PADAC ng burial at financial assistance sa mga mmasasawi sa operasyon laban sa illegal na droga.
Ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang matuklasan ang mga shabu laboratory at matimbog ang mga operators nito ay makatatanggap naman ng P10,000.
Ipinanukala din ng provincial police office ang pagkakaroon ng amendment sa pagbibigay ng reward sa mg kasapi ng media at PNP.
Ayon kay PNP South Cotabato PNP Provincial Director,Police Senior Superintendent Franklin Alvero, P3,000 lamang ang inilaang reward sa bawat matagumpay na anti illegal drug operation.
Ang mga kasapi ng media at informat ay mabibigyan ng tig P1,000 habang ang ang mga pulis naman ay magkakaroon ng reward na P1,000 kahit ano pa kadami ng makumpiskang illegal drugs.
Ayon kay Alvero, layon ng pagbibigay ng reward na mahikayat pang lalo ang mga kasapi ng media na maging saksi sa anti illegal drug operation at prosecution ng kaso kahit na ito ay mapanganib sa kanila.
Ang cash incentives naman ay ibinibigay sa mga police operatives para may magagamit din sa mga susunod nilang anti illegal drug operation.
Pinaalalahanan din ni Alvero ang mga pulis na tungkulin nilang protektahan ang mga mamamayan at huwag gawing dahil sa pagtatrabaho ang matatanggap na reward.
Ito ang ipinahayag ni Alvero matapos maglaan ng mahigit P400,000 ang pamahalaang panlalawigan para sa cash reward at mobilization bilang pagpapaigting ng kampanya kontra illegal na droga sa South Cotabato. Nakinabang sa tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 100 mga magsasaka sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ang mga nabigyan ng starter kits ay pawang mga residente ng liblib na barangay ng Lamfugon sa bayan.
Ito ay tinanggap mismo mula sa DOLE ni Lamfugon Barangay Chairman Lea Logong.
Ayon kay DOLE 12 Regional Director Albert Gutib laman ng bawat starting kit na nagkakahalaga ng tig P5,000 ang abono, sprayer, herbicide, farm boots, gloves at planting materials.
Ayon kay Gutib ang mga nabigyan ng tulong ay pinaka apektado ng El Nino Phenomenon mula Nobyembre noong nakaraang taon hanggang Hulyo nitong taon.
Bago pa man nabigyan ng tulong ang mga magsasaka sa Lamfugon ,nauna nang nabigyan ng DOLE ng livelihood assistance ang 100 pamilya sa Sito Upper Lamfenek Lake Sebu.
Ang pondo ay para dito ay mula sa Zumba for a Cause ng DOLE Employees Union noong May 1 Labor day celeberation. Anim na buwan matapos ang ground breaking ceremony, abot na sa 30% ang natapos sa ipinatatayo ngayong Integrated Public Terminal ng Koronadal City.
Ayon kay Terminal Project Manager Gayosa, naging dahilan naman ni ang mabilis na trabaho ng contractor ng city government .
Sa katunayan ayon kay Gayosa, kahit na medyo naantala ang pagsisimula nito, inaasahan pa rin ng lokal na pamahalaan na matatapos ang proyekto sa targt year na 2017.
Tiniyak ni Gayosa na bago gamitin dumadaan din sa pagsusuri ang mga materyales na ginagamit sa konstruksyon ng terminal.
Layon nito na matiyak, na maganda ang kalidad ng mga materyales at matibay ang ipinatatayo ngayong terminal.
Ito ang binigyan diin ni Gayosa sa harap ng mga batikos na umanoy paggamit ng mga sub standard na construction materials sa terminal.
Matatandaan na ang P150 million pesos na ginamit ng lokal na pamahalaan sa proyekto ay loan mula sa Land Bank of the Philippines. Patay ang ang isang bata matapos malunod sa NIA kanal sa bayan ng Norala, South Cotabato pasado alas dyes ng umaga kahapon.
Kinilala ni Norala Chief of Police, Chief Inspector Dennis Madriaga ang biktima na si Alexa Tupas, 4 anyos, residente ng Purok Yellow Bell, Sitio Que-Alma, Poblacion Norala.
Ayon kay Madriaga huling nakitang buhay ang bata habang abala sa paglalaba sa likod ng kanilang bahay di kalayuan sa NIA kanal ang kanyang ina.
Pagkatapos ng isang oras, hinanap ng ina ang anak at nang hindi na matagpuan naalarma ito at humihingi ng tulong sa kanilang kapitbahay.
Sinabi ng police official na ang katawan ng biktima ay natagpuan mismo ng caretaker ng NIA kanal sa box culvert may isang daang metro mula sa kanilang bahay.
Ayon kay Madriaga dahil sa lalim ng tubig nagtulungan pa ang magkakapitbahay para maiahon ang katawan ng biktima.
Ang menor de edad na biktima ay ideklarang dead on arrival sa ospital dahil umano sa pagkalunod. NDBC News AM July 7
Headline and Koronadal Police, negatibo sa illegal na droga.
Kinumpirma ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Candes na nag-negatibo sa drug test ang mga pulis sa lungsod.
Ang 80 mga pulis sa lungsod ay kabilang sa mga isinalang sa unang bugso ng random drug testi ng PNP South Cotabato noong Martes.
Nabatid na sa 231 na mga pulis sa buong South Cotabato na sumailalim na sa drug test wala ni isa man sa mga ito ang nag-positibo sa illegal na droga
Gayunpaman, ayon kay PNP Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero,inaasahan na matatapos ang radom drug testing sa 892 na mga pulis kabilang na ang mga non uniformed personnel sa South Cotabato ngayong lingo.
Ipinahayag naman ni Norala, South Cotabato Chief of Police, Chief Inspector Dennis Madriaga na dahil sa kinulang na testing kit, ipinagpaliban muna ang drug testing sa mga pulis sa kanilang bayan. Pinalawig pa ng Call 911-- ang emergency reponse team ng Kidapawan city LGU ang kanilang serbisyo sa mga kalapit bayan gamit ang makabagong equipment.Pinakahuli nito, ang nangyaring vehicular accident sa Makilala highway nitong nakaraang kung saan nahirapan ang PNP at kanilang Municipal Emergency Response Team na makuha ang mga katawan ng mga biktimang nadaganan.Ayon kay Public safety officer Psalmer Bernalte, matapos matanggap ang tawag ay agad rumesponde sa area ang 911. Bitbit ng kanilang team ang isang iron cutter at Jaw of life o mas kilala sa tawag na spreader na ginamit pamputol at pang-angat sa bakal na nakaipit sa mga biktima.Ang Kidapawan city government lamang umano ang may kahalintulad na rescue equipment sa buong North Cotabato.Sinabi ni Bernalte, na ito'y bahagi lamang ng makabagong pamamaraan at teknolohiya na ginagamit ngayon ng Call 911 at iniaasahang madaragdagan pa ito ngayong susunod na mga taon. Kusang sumailalim sa mandatory drug test ang limang mga tauhan ng North Cotabato Provincial Crime Laboratory sa pangunguna ng kanilang director na si Chief Inspector Tan.Kahapon, sa Crime Laboratory office sa Kidapawan City, isinagawa ang nabanggit na drug test kasama ang ng presensya ng media, simbahan, at mga barangay offials at ilang minuto lamang ay lumabas kaaagad ang resulta.Parehong nag negatibo ang lima.Sinabi ni Sr. Ins. Bernard Tomiro Paray ang nag-iisang chemist ng PNP crime lab. mandato raw ito sa kanila ng PNP National Headquarters.Kung sa proseso ng drug test ibinase raw nila ito sa Dangerous Drugs Board Regulation.Dahil dito sila na ngayon ang mgasasagawa ng drug testing sa lahat ng PNP personnel sa lahat ng PNP station sa buong North Cotabato.Pero kung kelan ito gagawin ay hindi pa nila batid sa ngayon.Nilinaw naman ni Paray na valid ang naging resulta sa kanilang isinagawang testing dahil mula sa PNP head office ang kanilang mga test kits na ginamit. Ipinagmamalaki ngayon ng Provincial Government of Cotabato ang pagkakapili sa apat na mga magsasaka at isang Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) bilang mga Regional Gawad Saka Awardees ngayong 2016.Ito ay sina Marcelino E. Sarda bilang Outstanding Coconut Farmer, Lucrecia Neri bilang Outstanding Agricultural Entrepreneur, Dr. Onofre S. Corpuz bilang Outstanding Agricultural Scientist, Dr. Sailila E. Abdula bilang Outstanding Agricultural Researcher at ang Midsayap Mun Agricultural and Fishery Council bilang Outstanding MAFC.Ayon kay Dept of Agriculture Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan, napili ang 4 na mga indibidwal at ang nabanggit na MAFC dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng agrikultura partikular sa kani-kanilang field of specialization.Ginanap ang awarding ceremony sa Villa Amor Hotel, Koronadal City noong June 28, 2016 kung saan tumanggap ng mga plaques, cash na tig-P30,000 ang mga awardees sa Cotabato kasama ang iba pang mga nanalo sa search mula kay RED Datukan.Magiging representante naman ng Region 12 ang naturang mga winners sa gaganaping 2016 National Gawad Saka Awards.Kaugnay nito, sinabi ni Cot Gov Emmylou Lala” J. Taliño-Mendoza na ang pagkakapili kina Sarda, Neri, Corpuz at Abdula ganundin ang Midsayap MAFC ay patunay na mahusay ang mga magsasaka sa lalawigan at malaki ang magagawa sa pag-unlad ng agrikultura. Matatandaang nitong nakalipas na mga taon ay nagwagi rin ang mga magsasaka mula sa Cotabato Province sa regional at national search ng Gawad Saka Awards na naging dahilan upang lalong makilala ang lalawigan sa larangan ng agrikultura. Personal na humingi ng tulong ang ilang mga residenteng Lumad ng Sitio Buay-Buay brgy. Basak, Magpet, North Cotabato sa Radyo Bida para iparating sa mga militar ang total pull out mg kanilang pwersa na nananatili sa kanilang lugar.Ito matapos maipit sa inilunsad na focused military operation ng 39th IB ang mga residente kung saan naka enkwentro nila ang pinaniniwalaang New People's Army sa lugar.Dalawang NPA member naman ang nasawi sa nabanggit na bakbakan.Salaysay ng mga residente, pinagbabawalan raw silang tunguhin ang kanilang mga sakahan ng mga sundalo.Ikinatakot rin nila ang mga bitbit nitong mga at maging ang kanilang presensya.Sa kabilang dako, mariin namang kinondena ng Karapatan North Cotabato ang umano brutal na pagpatay ng militar kay Noel Gulmatico ang Commanding officer ng NPA.Tinanggalan umano ng mata at dila, at ginilitan pa ng leeg.Malinaw raw na paglabag sa karapatang pantao ang kanilang ginawa at malinaw ring paglabag sa Protocol of War.Sa ngayon, pinagsisikapan umano ng pamilya Gulmatico na patunayan na tinorture muna ang nabanggit na commanding officer bago pinatay. Samantala, itinanggi naman ni Captain Danny Tapang, spokesperson sng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang alegasyon ng KAPATAN North Cotabato.Ayon kay Tapang, ang mismong physical evaluation ng SOCO PNP Crime Laboratory ang ginawa nilang basehan sa kanilang pahayag.Ang mga sugat raw na tinamo ni Commander Noel, base sa PNP Crime Lab reports, resulta ito sa tama ng bala sa kanya gamit ang Remington R4, isang high-powered firearm na isyu para sa Philippine Army.Matatandaan noong 2014, abot sa 63,000 na mga brand new Remington R4 carbines ang dinownload para sa mga sundalo na na-assign sa mga conflict areas sa Pilipinas na nagkakahalaga naman ng abot sa P2.4 billion. Naaresto ang apat katao matapos makuhan ng ilegal drug paraphernalia at shabu sa inilunsad na buy bust operation ng PNP sa Guiang St. Poblacion, Kabacan North Cotabato alas syete kagabi.Kinilala ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Toto Sandigan,32, Reah Manuel, 30 Richard Manuel, 38, at Salvador Bambalan, 24, isang laborer, at parehong resident ng nabanggit na lugar.Nakuha mula sa mga suspek apat na sachet ng ilegal na droga at mga drug paraphernalia.Nabatid na matagal nang minamannaman ang mga suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa lugar.Pareho na ngayong nakakulong ang apst na mga suspek habnag inhahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.Ang nabanggit na operasyon ay bahagi lamang ng mas pinaigting na kampanya ng Kabacan PNP kontra ilegal na droga sa bayan katuwang ang 7TH IB at PDEA Region 12.

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...

Cotabato Light announces power interruption for May 19 in Awang

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today announced a scheduled power interruption affecting Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat on...

P3.4-M worth shabu seized in Marawi City PDEA operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P3.4 million worth of shabu from a dealer entrapped in Marawi City on Tuesday...

Secretary Galvez lauds BARMM accomplishments, priority codes passage

COTABATO CITY — “The Bangsamoro Parliament has done more than enough,” said Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., commending them...

GSIS offers emergency loan to members affected by rabies, El Niño

MANILA – Around 77,000 members and pensioners of the Government Service Insurance System (GSIS) from 13 areas in the country affected by rabies...