Sunday Jun, 16 2024 11:37:19 AM

NDBC BIDA BALITA 11.22.16

 • 16:42 PM Tue Nov 22, 2016
853
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 22,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Isa katao, sugatan sa sagupaan ng
dalawang pamilya sa Pikit, North Cotabato

2. Misis sa Banga, South Cotabato, patay matapos pukpukin ng kahoy ng mister3. Bangkay na natagpuan sa basurahan sa
Koronadal City tukoy na

4. Kidapawan councilor, umapela sa publiko na mag-donate ng dugo para sa mga nangangailangan PATULOY
PANG PINAGHAHANAP NGAYON ng mga otoridad ang iba pang mga suspek na responsable
sa pagkamatay ng caretaker ng isang gasoline station matapos walang awang
paghahampasin ng tubo noong linggo ng gabi November 13 sa Barangay Balogo,
Pigcawayan, North Cotabato.

Kinilala
ni Pigcawayan PNP investigator PO1 Kenneth Bueno ang biktimang si Jimboy
Activo, 23 years old, caretaker ng phoenix gasoline station sa Barangay Balogo
at residente rin ng nasabing lugar.

Makalipas
ang anim na araw na na-comatose sa ospital ang biktima ay tuluyan na itong
binawian ng buhay nitong Sabado, November 19.

Ayon
sa imbestigador, habang naglalakad ang biktima sa gilid ng national highway sa
crossing Balogo na malapit din sa pinagta-trabahuan niyang gasolinahan nang pagtulungang
hampasin siya ng tubo sa mukha at ulo ng grupo ng kabataan sa lugar.

Ito
ay matapos sitahin ng biktima ang mga suspek na madalas umanong tumatambay sa
lugar.

Agad
namang umalis ang mga suspek at maya-maya ay
binalikan ang biktima at doon na nila ginawa ang krimen.

Inaasahan
naman ngayong araw darating ang witness para pormal ng masampahan ng kaso ang
isa sa mga suspek na isinuko ng kanyang mga magulang na kinilalang si Bonnie
Montano Saliling, 23 years old, isang welder at residente rin sa lugar.

Sa
ngayon ay pinaghahanap pa ang ibang mga kasamahan ni Saliling na sina Bunjo
Saliling, Jandie Mosquera alyas Bogart at Ryan Ledesma na tumakas matapos gawin
ang krimen. Inireklamo ng
isang ginang sa Cotabato city, ang isang lalake matapos itong manutok at
magpaputok ng baril sa kanyang harapan.

Kinilala ng
City PNP ang biktimang si Noraida Padal Balamula, 57 years old, at taga Boliao
Dos, Mother Barangay Poblacion habang ang inirereklamo namang suspek ay
nakilalang si Cos Abdullarasid, 65 at residente rin ng nasabing lugar.

Sa sumbong ng biktima sa pulisya, pasado alas
dos ng hapon kamakalawa nang galit na pumunta sa kanilang bahay ang suspek
bitbit ang di pa matukoy na uri ng baril na itinutok sa kanya.

Pagkatapos ay
nagpaputok pa ito dalawang beses sa lupa.

Agad namang sumibat
si Abdullarasid sa di matukoy na direksyon.

Paniwala ni
Balamula, nagalit si Abdullarasid nang hindi nito napangasawa ang kanyang anak.

Desidido
naman si Balamula na sampahan ng kaukulang kaso ang suspek. NGAYONG
ARAW MAGTATAPOS ang week-long celebration ng 43rd Foundation
Anniversary ng Maguindanao.

Ang
culmination activity ay sisimulan ng isang parada na lalahukan ng mga opisyal
at mga kawani ng Maguindanao Provincial Government, at mga kinatawan mula sa
iba’t ibang sektor.

Inaasahang
magiging panauhin naman sa culmination program sina Maguindanao 2nd
District Assemblyman Khadafeh Mangudadatu at ARMM Gov. Mujiv Hataman.

Maalalaang
tampok sa anniversary celebration ng Maguindanao ang ball games at parlor games
na nilahukan ng iba’t ibang mga tanggapan ng Maguindanao provincial government.

May
ginanap ring variety show, boxing exhibition, feeding program at grand kanduli.

Kaugnay
nito, may mensahe naman si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa mga
mamamayan ng lalawigan.

Samantala,
kasabay ng culmination program ng probinsya ay ang ground-breaking naman para
sa itatayong provincial jail and rehabilition center sa Buluan, Maguindanao.

Ang
naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 50 million pesos na itatayo para sa mga
drug dependent bilang suporta naman sa kampanya ng pamahalaang Duterte kontra
iligal na droga.

LAKING
pasasalamat ng halos limandaang senior citizens mula sa bayan ng Datu Montawal
Maguindanao matapos na tumanggap ng tig-anim na kilong bigas, grocery items, at
senior citizen membership card.

Sinabi
ni Vice mayor Datu Ohto Montawal na ang Distribution of food items to senior
citizens ay matagal na nilang ginagawa
dahil prayoridad ng kanyang administrasyon ang kapakanan at kalusugan ng mga
matatandang residente ng bayan.

Maliban sa libreng food items, pinaplantsa na
rin ng Montawal LGU ang Free Eye Check up at libreng reading eye glasses bilang
handog ngayong nalalapit na buwan ng Disyembre sa mga mamamayan na may problema
sa paningin.

Kasabay
ng programa, muling hiniling ni Mayor Vicman Montawal ang suporta laban sa
ipinagbabawal na gamot.Ayon
kay Vicman, malaki ang impluwensiya ng mga matatanda bilang magulang para
pangaralan ang kanilang mga anak at apo na umiwas sa paggamit ng droga.

Bukas
din ang tanggapan ng PNP sa sumbong ng bawat residente laban sa mga indibidwal
na sekretong gumagamit at nagbebenta ng droga, dagdag ni chief of police P/Sr.
Inspector Noli Sudaria. MAGSASAGAWA
ng pagkilos ang National Union of Journalist of the Philippines o NUJP sa
Mendiola sa Maynila bukas, November 23 kaugnay ng ika pitong taong anibersaryo
ng Ampatuan massacre sa Maguindanao.

Sinabi
ni Ryan Dabet ng NUJP, layunin ng kanilang pagkilos na ihayag sa pamahalaan ang
kanilang pagkadismaya sa mabagal na proseso ng paglilitis laban sa mga suspek
sa naturang krimen.

Nais
din aniya nilang wakasan na ng gobyerno ang problema ng impunity sa bayan.

Iginiit
ni Dabet na mailap pa rin ang hustisya para sa mga 58 mga biktima ng massacre.

Samantala,
muli ring bibisita sa nasabing araw ang ilang mga pamilya, kaanak, at miyembro
rin ng media sa massacre site sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan,
Maguindanao.

Nabatid
na may inihanda ring maiksing programa ang grupo ni maguindanao gov. esmael
mangudadatu para sa mga biktima ng massacre kabilang ang kanyang may bahay na
si Jenalyn.

Nilinaw ni Mam Neng Escaner siyang Camp Director sa isinasagawa ngayong camping ng Girl Scout sa Camp Aurora, brgy. Old Bulatukan, Makilala na walang naging problema sa tubig at kuryente sa kanilang mga kampo sa lugar.
Ayon kay Escaner, isang buwan silang naghanda bago pa man ang nasabing aktibidad na nilahukan naman ng higit isang libong mga kabataan.

Aniya, tiniyak ng brgy. Bulatukan Council na hindi depektibo ang mga linya ng kuryente at maging ang daluyan ng tubig sa mga kampo.

Nitong nakaraang araw, nagkaroon kasi ng brown out sa area bagay naman raw na hindi nila kontroladO.

Sa usapin naman ng tubig, inamin nitong nagkaroon ng shortage pero aniya hindi raw ito nawalan ng supply at katunayan bukas naman ang staff house para maka igib ng tubig ang mga bata para panligo at pang-inum maging sa kanilang pagluluto. Samantala, tiniyak naman ni Escaner na ligtas ang mga kabataan sa loob ng kampo dahil maliban aniya sa mga Barangay Peacekeeping Action Team na naglilibot sa kampo, abot rin sa 60 na mga PNP personnel ang nakadeploy sa area at bukod pa rito ang ilang miembro militar.Inamin nito may ilog malapit sa area pero hindi naman raw basta bastang nakakalabas ang mga bata dahil puno sila ng mga aktibidad.

Sa ngayon, hiling lamang ni Escaner sa magulang ng campers na kung may mga reklamo o problema ay agad idulog sa kanila para agad na maaksyunan ito.Nabatid na ang Girl Scout of the Philippines ay nagsimula noong Biyernes na magtatapos naman hanggang ngayong araw habang magsisimula naman sa Nov.23 hanggang Nov.28 ang camping para sa mga Boy Scout.

Kung noon ay puro kalalakihan lamang ang sumasali sa Balik Pangarap Program for recovering Drug Addicts, may sarili na ring programa ngayon para sa mga kababaihan at miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender community o LGBT sa Kidapawan City.Ito ang ibinunyag ng mga organizer ng Balik Pangarap Program, na naglalayung tulungang makabalik sa lipunan ang mga nalulong at gumagamit ng illegal na droga.

Sa 373 na mga active participants ng Balik Pangarap Program, 16 sa mga ito ay mga kababaihan at 3 naman mula sa LGBT sector.Hangad din ng miembro ng LGBT na magbago at magkaroon ng normal na pamumuhay.

May sariling Fellowship meeting din sila ng isang oras kada araw.

Sa ilalim ng fellowship meeting, kinukumusta ng mga organizer ang kanilang kalagayan at inaalam kung ipinagpapatuloy ba nila ang paggamit ng illegal na droga.Maliban sa mga kababaihan at LGBT member may taga ibang lugar na rin ang sumasali sa mga fellowship meeting nito sa lungsod.

Dalawa sa mga ito ay taga Makilala at isa naman galing pa ng Kabacan.Wala pa umanong sapat na drug recovery intervention program sa kanilang mga lugar, ayon na rin sa mga nabanggit na partisipante.

Nakikita nilang malaking oportunidad ang Balik Pangarap Program ng City LGU para sa kanilang pagbabago at pagtalikod sa iligal na droga. Nanawagan ngayon si Kidapawan City Councilor Marites Malaluan sa mga taga Kidapawan na patuloy na suportaan ang mga aktibidad na may kaugnay sa pagbibigay ng dugo sa mga nangangailangan.Ito matapos na makatanggap muli ng award ang Kidapawan City pati na ilang barangay ng lungsod sa 2016 Regional Sandugo Awardsng Department of Health o DOH mula sa ibat-ibang kategorya.Alinsunod na rin ito sa National Voluntary Blood Donors Program o NVBSP ng DOH ang pagbibigay gawad at pagkilala sa mga ginawang hakbang para makapagdugtong ng buhay sa iba.Ang Kidapawan City nakakuha ng award sa LGU Category habang nakatanggap din ng award ang anim na mga barangay na kinabibilangan nang brgy. Macebolig, Nuangan, Poblacion, Singao, Mateo, at Manongol para sa Barangay LGU Category.Habang kinilala naman Kidapawan City Government Employees Association para sa Non LGU Category.

Nabatid na ang Regional Sandugo Award ang ibinibigay sa mga indibidwal, LGU at non-LGU organizations na walang humpay ang pagbibigay ng suporta, commitment at aktibong involvement sa pagpapapatupad ng NVBSP.Ginawaran din ang mga bayan ng President Roxas, M’lang, at Tulunan, bilang mga Regional Sandugo Awardees ngayong 2016. Abot sa higit sampung libong mga pamilya mula sa ibat-ibang barangay sa Makilala, North Cotabato ang naka tanggap ng bigas sa Makilala Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO.Ayo kay Lina Cañedo, MSWD officer ng Makilala, partikular na nakatanggap ng naturang bigas ang mga myembro ng 4p’s, indigent families kung saan bawat pamilya ay nabiyayan ng tig-limang kilo.Makakatulong raw ang nasabing bigas lalo na sa mga pamilya na una nang nabiktima ng tagtuyot na naging sanhi rin sa pagkawala ng kanilang mga kabuhayan.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pamamahagi ng nabanggit na ahensya ng mga bigas sa buong bayan.Nabatid na abot sa 2,089 na mga sakong bigas ang inilaan ng LGU Makilala para sa naturang distribusyon.

VC-LINA

Iginiit din ni Cañedo na ngayong darating na Dec. 21-hanggang 22 magsasagawa naman ng Year end relief operation ang Provincial Government para sa mga taga Makilala. Matapos ang ilang araw na pagkakasundo ng dalawang pamilya sa brgy. Talitay, Pikit North Cotabato, muli na namang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang kampo.Ayon kay Pikit Chief Of Police Chief Ins. Bryan Palcer ito ay pinangunahan ng dalawang kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa pagitan nina Kumander Butuh Mantol at Kumander Ricky Husain.

Una nang may hidwaan ang dalawang angkan pero naresolba na ito sa tulong na rin ng LGU pikit sa pangunguna ni Pikit Mayor Sumulong Sultan.Pero nitong nakaraang araw ng hapon nagkaroon na naman ng palitan ng putok sa pagitan ng dalawa na nagresulta naman sa pagkakasugat ng isang Abubakar Ibrahim Taido, 30- anyos na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.

Hindi naman nabanggit ni Placer kung may displacement sa lugar dahil agad namang namagitan ang LGU sa naturang kaguluhan. Ito ang pinakaunang beses na nagka-engkwentro ang dalawang kumander matapos silang napagkasundo noong nakaraang linggo sa tulong ng MILF leaders, Local LGU at iba pang facilitator.

Wala pang pahayag ngayon ang grupo ng MILF sa nabanggit na pangyayari.
Handa nang sumabak sa National Batang Pinoy Games ang 197 na mga atleta sa Koronadal City.
Ito ay kinumpirma ni Koronaddal City Sports Coordinator Tony Aguilar.
Ayon kay Aguilar ang patimpalak ay gaganapin sa Tagum City sa November 27 hanggang December 2.Tiniyak ni Aguilar na lahat ng mga atleta ng lungsod na lalahok a batang pinoy games ay dumaan sa masusing selection process.
Ipinihayag din nito na may inilawng pondo para sa uniporme at transportasyon ng mga delegado ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Naniniwala din si Aguilar na malakas ang laban ng mga atleta ng lungsod sa batang Pinoy Games ngayong taon.
Ang mga atleta ng Koronadal sa patimpalak ang pagpapakitang gilas sa arnis, athletics, swimming, triathlon, cycling, boxing, dance sport, cheerdance, volleyball, lawn tennis, table tennis, badminton, chess, softball, taekwondo, futsal, three-on-three basketball, sepak takraw, weightlifting, karatedo, at wrestling.Ayon naman kay Department of Education Sports Supervisor Napoleon Comicho, tutukan nila ngayon ang pagsasanay pa sa mga atleta ng lungsod sa batang pinoy games.
Ito ay kasunod naman ng pagtatapos ng city athletic association meet.Maliban sa Koronadal City, magpapadala rin ng mahigit 100 atleta sa national batang pinoy games ang South Cotabato.
Naniniwala si Koronadal Chief of Police Superintendent Barney Condes na unti unti nang nagbabago ang ilang mga surfacing personalities involved in drugs o SPID sa lungsod.Tinukoy ni Condes ang mga sumukong drug personalities sa barangay Concepcion na sumailalim sa community based-rehabilitation program ng lokal na pamahalaan at pulisiya.Ayon kay Condes malaking tulong para sa pagbabagong buhay ng mga sumukong drug personalities ang pagpapahiram ng lupain ng isang concened citizen ng Concepcion para gawing community garden sa mga ito.
Inihayag ni Condes na ang pagpapahiram ng barangay ng mga garden tools ay nakatulong din upang maging aktibo ang mga sumukong drug personalities.Ang mga SPID na sumailalim na sa values formation at assessment ay maari na ring bigyan ng angkop na tulong upang tuloy tuloy na makapagbagong buhay.Ang mga drug personalities na tapos nang sumailalim sa assessment ay mula sa mga barangay ng Concepcion, Morales, Zone 1 at 4, Caloocan, Rotonda, Mabini at San Jose.
Nais ng Sto. Nino National High School o SNHS sa bayan ng Sto. Nino South Cotabato na maging grandslam awardee para sa Barkada Kontra Droga o BKD Best Implementer for Secondary Schools.Ito ayon kay SNHS Principal Elmer Billanes ay kahit na isang beses pa lamang silang ginawaran ng parangal.
Ayon kay Billanes, kailangan mamintina nila ang kanilang panalo sa mga susunod na taon.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mas marami pang programa para malampasan ang kanilang mga naipatupad ngayong taon.Kaakibat ng parangal ang pagtanggap din ng SNHS ng P50,000 incentive.
Iginawad ang parangal kasabay ng 44th Founding Anniversary ng Dangerous Drugs Board noong November 18.Pumapangalawa naman sa SNHS ang Agusan National High School sa sa Caraga Region, at pangatlo ang Tambuli National High School sa Region 9.
Ang Barkada Kontra sa Droga ang isang pamamaraan upang maituro sa mga kabataan ang masamang epekto ng iligal na droga

.
Kinilala mismo ng kanyang inang si Helen Alojado ang natagpuang bangkay na si Bertito Alojado IV, 21 anyos at nakatira sa Imperial Street, Barangay General Paulino Santos Koronadal City.
Ayon kay Aling Helen huli nitong nakitang buhay ang kanyang anak noong Sabado ng gabi.
Ito ay habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanyang nakatatandang kapatid na binilhan pa nito ng birthday cake.
Kaya ayon sa nauling ina hindi nito alam kung papaano tanggapin ang biglaan at brutal na pagkamatay ng kanyang anak .Inihayag nito na sa pagkawala ni Betito IV, na isang karpintero, tila napilayan siya matapos mawalan ng katuwang sa buhay.
Binigyan diin din nito na walang kinalaman sa illegal na d oga ang kanyang anak,
Matatandaan na ang bangkay ng nakababatang Alojado ay natuklasang naagnas na, nakatali ang kamay at nakasilid sa sako sa basurahan sa Sinsuat, Street, Barangay Zone IV kahapon ng tanghali.
Humihiling ngayon ng hustisya si Alojado sa brutal na pagpatay sa kanyang anak. Kalunos lunos naman ang sinapit ng 23 anyos na misis mula sa Sitio Manisik, Barangay Punong Grande, Banga, South Cotabato.
Ito ay matapos mapatay ng sariling mister kahapon.Ang biktimang si Dharen Jane Grino, ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ang misis ay napagbalingan ng kanyang mister na nagalit umano matapos sawayin nang tadyakan ang kanilang isang taong gulang na anak.Ito ay ayon mismo sa ina ng biktima na si Doris Ombid.
Ayon kay Ombid, dead on arrival sa ospital ang kanyang anak matapos paluin ng kahoy sa batok ng mister nitong si Rolly Grino Jr, 24 anyos, isang farm laborer.
Nangako na ang suspek na huwag saktan ang misis, matapos isumbong sa barangay ang madalas na pambubugbog nito sa kanya noong nakaraang buwan.
Umapela naman si Ombid sa nakakaalam sa kinaroroonan ng tumakas na manugang na magsumbong sa mga otoridad.
Naulila ni Dharen Jane kanyang tatlong maliliit na anak.

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...

Eid'l Adha holiday advisory

Pursuant to the Bangsamoro Holidays Act of 2023 and in line with the traditions and festivities of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice), the Bangsamoro...

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...