Sunday Jun, 16 2024 06:09:38 AM

NDBC BIDA BALITA (12.14.16)

 • 16:50 PM Wed Dec 14, 2016
837
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 14, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Yellow Bus, sinunog na naman sa South Cotabato. Suspects, nagpakilalang silay mga NPA2. BIFF official, patay sa pamamaril sa Maguindanao3. ALKALDE sa South Cotabato na
nakulong, nakabalik na na sa trabaho matapos magpyansa. 4. LGUs sa Region 12, hinimok na mago-organisa ng fireworks display upang iwas disgrasya sa pagsalubong sa bagong taon5. Pulis, patay

Sinunog ng nagpakilalang New Peoples Army o NPA ang isa namang bus ng Yellow Bus Line o YBL sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato pasado alas sais kagabi.Ayon kay South Cotabato PNP Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero ang bus na may 17 pasahero ay byaheng Isulan, Sultan Kudarat patungo sa bayan ng Surallah.Sinabi ni Alvero sa Radyo Bida na dalawa sa mga suspek ay sumakay sa Isulan habang ang apat na iba pa ay sumakay mismo sa Sto.Nino Terminal.Ayon kay Alvero pagdating sa Purok Pioneer Barangay Poblacion,Sto.Nino, inatasan ng armadong mga suspek ang driver ng bus na lumiko sa sementeryo.Ayon kay Alvero doon na pinababa sa tapat ng sementeryo ang mga sakay ng bus at binuhusan ito ng gasolina bago sinilaban ng naghihintay na kasama ng mga suspek.Sinabi ni Alvero na labis na napinsala ang ibabaw na bahagi ng airconditioned bus na may body number 7225. Naniniwala si Alvero na ang insidente ay may kaugnayan sa panunog din ng mga bus at heavy equipment sa South Cotabato nitong nakalipas na dalawang buwan.Ang panunog ng NPA ng sa Sto. Nino ay pang sampu na sa Region 12 simula noong November 13.Matatandaan na ilan lamang sa mga sinunog ng nagpakilalang NPA noong nakaraang buwan ang mga bus ng YBL sa Tupi, South Cotabato at Kiamba Sarangani Province.Tinangka ding sunugin ng mga ito ang isang Husky bus sa Barangay Maibu, Tantangan, South Cotabato. Bago ang panunog sa Sto, Nino, limang mga heavy equipment din ng isang construction company ang sinunog ng mga nagpakilalang NPA sa quarry site sa Barangay Concepcion, Koronadal City.Hindi pa makumpirma ni Alvero kung ano ang motibo ng mga suspek sa krimen. Ipinahayag ni Alvero na matapos malusutan ng umano’y NPA, mas paiigtingin pa ng pulisiya ang pababantay ng seguridad sa South Cotabato. PATAY ang isang mataas na opisyal ng
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF matapos itong lusubin sa loob mismo
ng kanyang bahay sa Datu Salibo, Maguindanao.

Nabatid na mahimbing na natutulog si BIFF
vice chair for internal affairs Esmael Tamarin alayas Kumander Tamarin nang ito
ay pasukin ng mga armado kamakalawa ng madaling-araw at saka niratrat.

Agad namang tumakas ang mga salarin
ngunit agad naman ibinintang ng BIFF sa militar ang naturang pagpatay.

Walang umako sa pagpaslang kay Tamarin
at itinanggi rin ng militar na may kinalaman ito sa pagligpit kay Tamarin.

Sa halip, iginiit ng militar na maaaring
isa sa mga kaaway nito ang tumira sa kanya sa Barangay Butilin.

Isinabit ng militar si Tamarin noon sa
mga atake at pagpatay sa mga sundalo sa Maguindanao.

Samantala, bilang paghihiganti sa pagpatay
sa isa sa kanilang lider, halos magdamagan ang bakbakan sa pagitan ng mga
sundalo at BIFF.

Sinabi ni BIFF spokesperson Abu Misri
Mama na sinalakay nila ang mga pulis at sundalo sa Datu Salibo na responsable umano
sa pagpatay kay Samarin.

Pasado alas siyete ng gabi nang unang
salakayin ng BIFF ang mga pulis sa bayan.

Sinira din ng mga ito ang isa sa mga
transformer ng kuryente kaya nagkaroon ng malawakang brownout sa lugar.

Kasunod nito ay inatake na ng BIFF ang
detachment ng 2nd army’s mechanized brigade sa bayan.

Gayunman, sinabi ni Brigade Commander
Col. Warlito Limet na wala namang nasaktan sa kanilang tropa.

Nabatid na dahil sa naturang bakbakan
ay nagsilikas ang nasa 50 pamilya sa lugar. IPAGPAPATULOY
ni Talitay, Maguindanao acting mayor Kamid Buisan ang nabinbing mga proyekto ng
ngayon ay nagtatagong si dating Talitay mayor Montasir Sabal.

Ito ang
ipinangako ni Buisan sa muli niyang pagharap sa mga mamamayan ng bayan at mga
lokal na opisyal sa bayan kahapon.

Nilinaw naman
ni Buisan na ang kanyang posisyon bilang officer in charge ng Talitay LGU ay
bilang pagtalima lang sa kautusan ng Department of Interior ang Local
Government o DILG ARMM.

Nabatid na
isang buwang uupo bilang acting mayor ng bayan si Buisan batay sa kautusan ni DILG
ARMM Sec. Noor Hafizullah Kirby Abdullah simula December 9.

Ayon kay
Buisan, handa naman siyang bumaba sa puwesto sakaling ipag-utos ng DILG-ARMM.

Maalalang
pinaghahanap ngayon ng mga otoridad si mayor Sabal na ilang buwan ng inabandona
ang tungkulin matapos na tugisin ng militar at pulisya dahil sa umano ay
pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa Maguindanao.

Samantala, sa
iba pang balita, mahigit 100 mga internally displaced person o IDP ang hindi pa
rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan sa bayan.

Ito ay
matapos na lumikas dulot ng pangambang madamay sa operasyon ng pinagsanib na
puwersa ng AFP, PNP, at PDEA laban kay Mayor Montasir Sabal at iba pang
kilalang indibidwal na na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bayan.

Ayon kay
Buisan, halos sampung libo ang pamilyang apektado sa operasyon ng mga otoridad mula
sa tatlong mga barangay ng Talitay. NABABAHALA
NGAYON?ang
EcoWaste Coalition o EWC sa bago nilang tuklas na whitening cream na nakakasira
ng kidney o bato dahil sa sobrang
taas ng asoge o mercury content nito na mahigpit na ipinagbabawal ng World
Health Organization o WHO.

Sa liham ng
EWC sa Food and Drug Administration o FDA, hiniling ng grupo na ipagbawal?ang?pagbebenta ng Xuemeiting?whi­tening cream sa
merkado matapos nilang matuklasang
nasa 526 parts per million o ppm ang mercury content nito, gayong 1ppm lang ang
pinapayagang mercury content ng isang cosmetic product.

Dahil sa
sobrang taas ng asoge ng naturang whitening?cream,?madali nitong sisirain ang bato o kidney ng gagamit
nito ayon sa babala ng WHO.

Isinailalim
sa X-Ray Fluorescence device test ang nabiling Xuemeiting?cream?ng EWC sa Ai Ren Tang Chinese?Drug?Store sa?Lucky?Chinatown Mall sa Binondo
at dito natuklasang umaabot sa 526 parts per million ang mercury content ng
naturang cosmetic product.

Dahil hindi rehistrado sa FDA ang Xuemeiting
whitening cream, posibleng nakakalat
na ito sa iba’t ibang drugstores at cosmetic stores sa buong Metro Manila,
gayundin sa mga probinsya.

NANINDIGAN
ang Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi nito tatanggalin ang
kanilang mga tropa sa mga NPA infested area gaya ng inihihirit ng Communist
Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the
Philippines o CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni Defense
Secretary Delfin Lorenzana na hindi sila pwedeng basta na lang sumunod sa demand
ng makakaliwang grupo dahil maari itong samantalahin ng NPA para maghasik ng
terorismo.

Una nang
inireklamo ng CPP-NDF na nakakasira sa peace talks ang presensya ng tropang
militar sa kanilang mga teritoryo sa bansa, pero sinabi ni Lorenzana na ang mga
sundalong naka-deploy sa naturang mga lugar ay nasa defensive position lang upang
manatili ang kaayusan.

Ipinunto pa
ni Lorenzana, hindi pa rin nagpapa awat ang mga rebelde sa panggugulo sa mga
kanayunan lalo na sa pangongotong sa mga negosyante.

Sinangayunan
din ni Lorenzana ang sinabi ni Pangulong Duterte na walang pag-aaring teritoryo
sa bansa ang NPA dahil bahagi ng Republika ng Pilipinas ang mga inaangkin na
lugar ng komunistang grupo. Makatutulong ang mga lokal na pamahalaan upang maibsan ang peligrong dala ng mga paputok sa pasko at at bagong taon.
Ito ay ayon kay Department of Health o DOH Assistant Secretary Dr. Abdulla Dumama.
Umapela si Dumama sa mga local government units mag-organisa ng fireworks display.
Ayon kay Dumama maari ding magsagawa ng mga palabas ang mga LGU sa pagsalubong ng bagong taon.
Sa pamamagitan nito ayon sa DOH official ay maegganyo ang mga mamamayan na huwag nang magpaputok at maiiwasan ang mga fire cracker related injury.
Si Dumama ay nanguna sa paglunsad ng Oplan Iwas Paputok Campaign ng DOH sa Koronadal City.
Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Department of Education, Department of Trade and Industry, PNP at Bureau of Fire Protection.
Ang aktibidad ay magkasabay na isinagawa ng ahensya sa iba pang panig ng bansa.
Ang Oplan Iwas Paputok Campaign ng DOH ngayong taon ay naka-angkla sa temang Fireworks Display ang Patok, .
Tiniyak ni Banga, South Cotabato Mayor Albert Palencia na nanumbalik na sa normal ang transakyon sa Banga Municipal Hall, 40 araw matapos siyang makulong.
Ito ang ipinahayag ni Palencia, matapos katigan ng korte ang kahilingan nitong makapagpyansa sa kasong illegal possession of ammunition and explosive na kinakaharap nito.
Si Palencia ay bumalik na sa kanyang trabaho bilang alkalde ng Banga kahapon.
Ipinahayag ni Palencia na sa pagbabalik nito, una nitong tututukan ang pagpapaganda sa paligid ng munisipyo ngayong pasko na napabayaan matapos siyang makulong.
Si Palencia ay pinayagang makalaya pansamantala ni Surallah Regional Trial Court Branch 26 Judge Lorenzo Balo.
Ito ay matapos makapagpyansa ng ng P380 thousand.
Babasahan naman ng sakdal ang alkalde sa Enero 23 sa susunod na taon.
Matatandaan na si Palencia ay inaresto ng mga kasapi ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group 12 noong Nobyembre 2.
Ito ay matapos makuha ang apat na bala ng baril sa kanyang bahay.
Nadiskubre din umano ng mga pulis sa piggery ng alkalde ang isang rifle grenade.
Ipinahayag ni Lake Sebu Countryside Development Cooperative Board of Director Jenna Estares na inaako ng kooperatiba ang responsibidad sa pagkawala ng perang laan sana sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4 Ps.
Ito ang ipinahayag ni Estares kasunod ng pagtangay ng mga magnanakaw sa mahigit P2.9 million sa tanggapan ng kooperatiba sa Poblacion, Lake Sebu noong nakaraang lingo.
Mahigit sa P1.8 million pesos sa ninakaw na pera ay laan para sa mga 4Ps beneficiary.
Ayon kay Estares, masaya sila na maging katuwang ng Land Bank sa pagpapatupad ng Modified Conditional Cash Transfer o MCCT Program ng gobyerno.
Kaugnay nito, sinimulan nang ipamigay sa may 1,434 benepisyaryo ng 4Ps sa Lake Sebu ang naunsyami nilang cash assistance.
Ito ay ayon kay Department of Social Weflare and Development o DSWD 12 Information Officer Dennis Dominggo.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin batid ng mga pulis ang suspek sa pagnanakaw.
Ayon kay Lake Sebu Chief of Police, Chief Inspector Ramon Gencianos Jr, kabilang sa kanilang mga iniimbistigahan ang mga kawani mismo ng ninakawang kooperatiba.
Naglaan na rin ng P100 thousand reward money ang kooperatiba sa makatpagtuturo sa mga suspek na nanloob sa kanilang tanggapan.
Abot sa 60 mga garden owners sa bayan ng Makilala North Cotabato ang lumahok sa Landscape Development Seminar Worshop ng lokal na pamahalaan at Department of Tourism o DOT 12 .
Ayon kay DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera, layon ng training na lalo pang mapaganda ang Makilala.
Ito ayon kay Dillera ay sa pamamagitan ng pag-landscape sa mga itinitindang bulaklak sa lugar.
Ayon kay Dillera karamihan sa mga nagsanay ay mula sa barangay Kisante, Makilala na kilala sa mga paninda nitong bulaklak.
Naniniwala si Dillera na kapag maayos na nailagay ang mga bulaklak lalo pang maging kaaya-aya ang barangay at dadayuhin ng mas maraming turista.
Plano naman ng DOT na sa iba pang lugar ng Region 12.
Ito ay bilang kabahagi naman ng pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa rehiyon. Dead on the spot ang isang pulis matapos paulanan ng bala ang sinasakyan nitong Nissan Pick Up Truck na kulay itim sa brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato alas dyes ng umaga kahapon.Kinilala ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si PO3 Suy Talipasan, 48 anyos, na naka destino sa Parang PNP at bago lang din nailipat sa Basilan PNP ng Police Regional

Office- ARMM at residente ng Fort, Pikit.Ayon kay Cabigas pabalik nang trabaho ang biktima at habang nasa National Highway ay dito na sinabayan ng armadong kalalakihan na sakay ng puting multicab at doon na siya pinagbabaril.Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng biktima mula sa m16 at m14 armalite riffle base na rin sa mga narekober na basyo ng bala sa crime scene.Samantala, nasugatan naman ang isang driver na kinilalang si Anwar Akmad matapos masagi ng Pick Up Trcuk ang kanyang tricycle dahil nawalan na ng kontrol si Talipasan.Habang tinamaan din ng bala ang bystander na si Mustapha Sanduyugan na nag-aabang lamang ng masasaskyan sa lugar.

Duda ang PNP na may kaugnayan sa kanyang trabaho ang dahilan sa pamamril sa biktima at posible ring personal grudge.Iginiit rin ni Cabigas na hindi nila isinasantabi ang dahilan ay iligal na droga dahil aniya una na raw itong nasangkot sa iligal na aktibidad bagay naman na patuloy din nilang iniimbestigahan.

Hinihintay na lamang ngayon ng PNP ang pahayag ng pamilya ng biktima sa posibleng pagkakatukoy sa mga suspek..
Nagpapaalala ngayon ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection o BFP North Cotabato sa publiko ngayong Pasko at Bagong Taon.Ipinahayag ni Fire Chief Inspector Ibrahim Guiamalon, Provincial Fire Marshall ng probinsya, patuloy ngayon ang kanilang fire truck visibility patrol sa mga fire stations ng lalawigan.

At dahil dito wala pang naitatalang sunog ngayon buwan na may kaugnayan sa selebrasyon ng pasko.

Sa ngayon, ayon kay Guiamalon nakatutok ang kanilang pamunuan sa inspeksyun sa mga establisyemento.
Katunayan kahapon, sinuyod ng BFP ang mga tindahan sa bayan ng Midsayap.

Ito ay kaugnay na rin sa renewal ng fire permit para sa susunod na taon.

Ibinunyag ng opisyal na marami ngayong establisyemento sa lalawigan ay may mga violation dahil sa fire permit bagay naman na kanilang tinutukan.Samantala, sa kabila naman ng walang naitatalng firecracker-related incident sa lalawigan ngayong Disyembre, hiling pa rin ni Guiamalon sa publiko na alamin ang mga numero ng mga fire stations para

sa mabilis na pagresponde ng fire rescuers sa kani-kanilang lugar. Nagsimula ng mag proseso ng permits and licenses para sa lahat ng tricycle na bumibyahe sa Kidapawan City ang City Tricycle Franchising Regulatory Board o CTFRB.

Isinailalim ng CTFRB ang mga operator at driver ng rutang ‘1’ o Poblacion route sa seminar na siyang pangunahing rekisitos sa pagre-renew ng permit to operate ng tricycle.Pinaaga na ng City LGU ang pagpo-proseso ng mga permit to operate ng tricycle dahil na rin sa inaasahang dami ng transactions sa pagsapit ng renewal ng lahat ng business permits and licenses sa

January 4-20, 2017.

Muling nagpaalala ang mga otoridad particular ang CTFRB at Traffic Management Unit sa lahat ng may-ari at driver ng tricycle na sundin ang batas trapiko lalo na ang pag-iwas sa over speeding at dapat

pananatili sa right lane ng daan habang bumibiyahe.Kasali din na ipinaalala ang mabuting pakikitungo ng mga driver sa mga pasahero.

Matapos ang seminar, nagsagawa din ng ocular inspection ang CTFRB sa mga tricycle kung saan dapat ay may malinaw na KD Number, maayos na upuan, basurahan, at gumaganang passenger signal

at brake lights.Magsasagawa din ng seminar ang mga otoridad sa iba pang mga ruta sa susunod na mga araw. Abot sa labin-limang pamilya ang nagpalipas ng gabi sa kalsada sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

Ito matapos pasukin ng tubig-baha ang kanilang mga bahay partikular sa barangay Langkong, Mlang, noong nakaraang gabi.Ayon kay Mlang MDRRM Officer Constantino Diason, dahil dito pansamantalang lumikas ang mga pamilya at sa highway natulog.Kinaumagahan ay agad ding bumaba ang tubig dahilan para makabalik na sa kanilang mga bahay.

Maliban sa barangay Langkong, ilang mga barangay pa sa Mlang ang binaha na patuloy ngayong minomonitor ng MDRRMC lalo pat sunod sunod ang pag-ulan sa ilang lugar sa North Cotabato.Samantala, ikinadismaya naman ni Diazon ang hindi pagreposnde ng mga una nang mga sinanay na Barangay Responders Team sa mga binahang barangay.
Dahil dito, humiling na si Diazon kay Mlang Mayior Atty Russel Abonado na i-activate ng mga brangay captain ang kanilang Barangay Responders Team para sakaling may ganitong insidente ay agad

nilang matulungan ang mga nangangailangan.Ito ay sa nagbabadya pa ring mga pag-ulan sa bayan kung saan isa rin ang bayan ng Mlang na kabilang sa low lying areas sa lalawigin at madalas na binabaha. Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang pinaniniwalaang illegal recruiter sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Kahapon, personal na humulog ang pitong mga lalaki sa himpilan ng pulisya para humingi ng saklolo.Kinilala ang mga ito na sina Jesver Delapina, 29, empleyado ng Pharma Industries, taga brgy. San Vicente, Makilala, Dindo Matutis, Ernesto Solis Jr., Albert Itabag, Plaridel Parianon, Jimboy Failano at

isang Leo Bahian parehong mga taga Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.Base sa salaysay ng mga biktima, hiningan raw ang sila ng tigta- tatlong libong piso ng suspek na kinilala si Ananias Eying, taga Sitio Datu Lambac, Brgy. Malasila, Makilala, para dalhin sila sa Maynila.Nangako raw ang suspek na matapos ang dalawang linggo ay makakalabas na sila ng bansa at makakapagtrbaho.

Pero nagulat na lamang sila nang hingan ulit ng pera para sa kanilang plane ticket, boarding house at food allowances.Matapos naman higit LIMANG buwang paghihintay sa Maynila, hindi pa rin nakalabas ng bansa ang mga bitima.Ang nabanggit na kaso ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng PNP at inaalam nila kung may ibang nabktima pa ang tinutugis na suspek.

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...

Eid'l Adha holiday advisory

Pursuant to the Bangsamoro Holidays Act of 2023 and in line with the traditions and festivities of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice), the Bangsamoro...

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...