Sunday Jun, 16 2024 12:52:02 PM

NDBC BIDA BALITA (2.18.17)

 • 00:51 AM Sun Feb 19, 2017
878
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 18, 2017 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Pinaniniwalaang Extortionist ng bus
company, natimbog sa Maguindanao

2. NDBC radio stations, may bagong application, mga estasyon nito, pwede nang mapakinggan sa adroid cellphone3. Kampanya kontra iligal na sugal, mas
palalakasin pa sa North Cotabato

4. Babaeng cashier ng isang pribadong paaralan sa Cotabato, nagpakamatay ilang buwan bago ang kasal Nasakote ng otoridad ang isang
extortionist na sinasabing nangingikil sa Husky Bus sa isinagawang entrapment
operation sa Brgy. Poblacion, Datu Saudi Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si Jerry
Ibrahim, 43-anyos, dispatcher at residente ng nasabing bayan.

Ikinasa ang operasiyon ng mga otoridad
alas 5:35 kahapon ng hapon ng pinagsanib na pwersa ng pulisya sa lalawigan ng
Sultan Kudarat at Maguindanao at ng 601st brigade, Philippine Army.

Ang suspek ang itinuturong miyembro ng
mga grupo nangingikil ng isang milyung piso sa Husky Bus company na may rutang
Cotabato city papuntang General Santos City at vice versa.

Kumagat umano ang suspek sa pain na
inilagay ng mga otoridad matapos na aktong kinuha nito ang 500 thousand pesos
na boodle money.

Kaya dito na hinuli ang suspek na
ngayon ay nasa kustodiya ng Isulan Municipal Police Station sa bayan ng Isulan,
Sultan Kudarat.

=-= Isang computer ng
Commission on Elections (COMELEC) ang nanakaw sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur
noong nakaraang buwan.

Kinumpirma mismo ni
COMELEC Chair Andres Bautista ang nasbing pagnanakaw sa kanilang gamit sa hindi
pa rin malamang kadahilanan o pakay.

Bukod dito, hindi na
nagbigay ng iba pang detalye si Bautista tungkol sa pangyayari.
Sinabi lang ni Bautista
na iniulat na ng kanilang executive director na si Jose Tolentino Jr. ang
insidente sa National Privacy Commission.

Napag-usapan na rin aniya
ito ng COMELEC en banc sa kanilang pagpupulong noong February 8.

Sa kabila naman ng
nasabing pagnanakaw, tiniyak ni Bautista na hindi basta-bastang mabubuksan ang
data na laman ng nasabing computer dahil encrypted ito at hindi madaling ma-decrypt
o ma-access.

Sa ngayon ay inaalam pa
aniya nila kung ito ay isang ordinaryong pagnanakaw, o partikular na tinarget
ang nasabing computer. =-= PINASINUNGALINGAN
ng pamilya ng 28-anyos na dalaga ang ulat na nagpakamatay umano ito dahil sa
hindi natuloy ang kasal.

Ayon sa
pamilya ni Mary Anne Abalde na tuloy ang kanilang kasal ngayong Abril at sa
katunayan ay naka-schedule na rin sana ang kanilang pre-nup sa linggo.

Si Abelde ay
nakitang patay na nang abutan ng kanyang mga magulang dakong ala sais kinse
kagabi sa Block 20, Fr. Buldoc Street, ND Village, barangay Rosary Heights 8,
Cotabato city.

Si Abalde ay
kahera ng St. Benedict College.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng City PNP, bago nagpakamatay si Abalde ay nagpadala
na ito ng mga text message sa kanyang mga magulang na tila nagpapa-alam.

Nabatid na
wala sa kanilang bahay ang mga magulang ni Abalde nang gawin nito ang pagpapatiwakal.

Kaya laking
gulat na lamang ng mga ito nang matagpuan ang kanilang anak na nakabitin at
wala ng buhay sa kanilang kusina.
Sa ngayon ay inaalam pa
aniya nila kung ito ay isang ordinaryong pagnanakaw, o partikular na tinarget
ang nasabing computer.-0=Isinusulong
ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang panukalang batas na sumasakop rin sa
Local Absentee Voting sa mga lolo at lola gayundin ang mga may kapansanan.

Sa House Bill
5019 o Expanded Voting Act of 2017 aamyendahan nito ang Republic Act No. 10380,
o ang An Act Providing for Local Absentee Voting for Media .

Layunin ng
panukala na hindi na mahirapan na makipagsabayan sa ibang mga botante ang mga
senior citizens at Persons with Disabilities (PWDs) tuwing eleksyon.

Sa ilalim ng
absentee voting, pinapayagan ang rehistradong botante na may kakaibang
sitwasyon na bumoto ng mas maaga sa mismong araw ng eleksyon at kung saan mas
accessible sa kanila.

Ito ay dahil
napuna ni Alvarez na sa kabila ng pag­lalagay ng polling precinct para sa mga
senior citizen at PWDs, marami pa rin sa kanila ang hindi makaboto dahil hirap
kumilos lalo na kung maraming tao.

Dahil dito
kaya isinusulong ni Speaker ang nasabing panukala para maisama ang mga senior
citizens at PWDs bilang Local Absentee voters.

Layon din
nito na masiguro na magagamit nila ang karapatang bumoto sa komportableng
paraan.

ikular na tinarget
ang nasabing computer. Lumahok na
rin ang Simbahang Katolika sa mga nananawagan na pag-usapang muli ng gobyerno
at kilusang komunista ang kapayapaan.

Sa isang
pahayag, sinabi ng Ecumenical Bishops Forum na usapang pangkapayapaan pa rin
ang magandang paraan sa pagtugon sa ugat ng armadong pakikibaka.

Naniniwala
rin, anila, sila na naging produktibo ang peace talks na isinulong ng
administrasyong duterte.

Partikular
dito ang mga nalagdaan ng alituntunin para sa comprehensive agreement on the
respect for human rights and international humanitarian law.

Ito ay dahil
napuna ni Alvarez na sa kabila ng pag­lalagay ng polling precinct para sa mga
senior citizen at PWDs, marami pa rin sa kanila ang hindi makaboto dahil hirap
kumilos lalo na kung maraming tao.

Dahil dito
kaya isinusulong ni Speaker ang nasabing panukala para maisama ang mga senior
citizens at PWDs bilang Local Absentee voters.

Layon din
nito na masiguro na magagamit nila ang karapatang bumoto sa komportableng
paraan.

Partikular na tinarget
ang nasabing computer. Headlineand Barangay na nahulihan ng dalawang buwaya sa bayan ng Kabacan, planong gawing tourist spot ng LGU

Nakatakda ngayong pulungin ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang mga barangay Officials ng Cuyapon, Kabacan para pag-usapan ang planong gagawing tourist spot ang barangay.
Ito matapos dalawang malalaking buwaya na ang na rescue sa area na ngayon ay nasa pangangalaga ng 602nd Brigade ng Philippine Army sa bayan ng Carmen.
Ayon kay Mayor Guzman mas pinili raw nilang ilagay muna sa kustodiya ng militar ang naturang mga buwaya dahil mas malapit at sa mas maayos na pasilidad.

ang militar lang din kasi ang may kapasidad na magpakain at mag-alaga sa dalawang mga buwaya.
Ikinokonsidera din ni Mayor Guzman na magsagawa ng sariling pasilidad sa barangay Cuyapon kung saan magiging tourist spot na rin ng bayan.Kaya kung nasa bayan lang ito ng Carmen mas malapit lang ilipat at ibalik ang mga buwaya lalo na kung maisakatuparan ang proyekto

Pero naniniwala si Guzman na nangangailangan ito ng mas malaking budget at mahabang proseso.

Sa ngayon, pinag-aaralan ng LGU kabacan ang nabanggit na plano katuwang ang Municipal Environment and natural Resources at mga opisyal ng barangay. =-=Nanawagan ngayon ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa publiko na isumbong sa kanila kung may kilala o nalalamang pulis na tumatanggap ng payola.
Ito makaraang ipinababa ang deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gyera kontra iligal gambling sa buong bansa.

Dahil dito mahigpit ang monitoring ng CPPO kaugnay sa nabanggit na usapin.Ayon kay CPPO Public Information Officer Supt. Joyce Birrey, kaya itinatag ang Counter Intelligence Taskforce para ireport ang tiwaling pulis.

Siniguro ni Birrey na may kalalagyan ang sinumang pulis na mahuhuli at mapatutunayang sangkot sa illegla gmabling sa North Cotabato.Iginiit ng opisyal na hindi nila kukunsintihin ang sinumang pulis na may kaugnayan o nangunguna sa nabanggit na iligal na gawain.

Ilang mga target na rin ang patuloy ngayong pinag-aaralan ng PNP na nag ooperate ng Illegal Gambling sa North Cotabato.
=-=Ikinokonsidera ngayon ng President Roxas PNP na Road Condition at Human Error ang mga nangungunang dahilan kaugnay sa mga nangyaring road crash sa bayan ng President Roxas, North COtabato.Ito ang ibinunyag ni Police Chief Ins. Rommy Castanares hepe ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Castanares, umabot ng 61 naitalang vehicular crash noong nakaraang 2016.

Karamihan rito ay kinasasangkutan ng motorsiklo.

Sa nabanggit na bilang 7 ang namatay, 46 ang nagtamo ng physical injuries, habang walo naman ang damage to property.Sinabi ni Castaners kadalasang nangyayari ang aksidente tuwing may klase sa mga paaralan lalo na sa mga highway areas.

Dahil dito, naglagay na ang PNP ng dalawang check point sa mga pangunahing daanan sa President Roxas para maiwasan at mabawasan ang maitatalang aksidente sa bayan.Sa ngayon wala pang municipal ordincance ang bayan na magpapatupad ng speed limit lalo na sa mga school zone.

Nasa ikatlong araw na ngayon ang mga Recovering drug personalities sa Kidapawan City sa kanilang paglilinis sa mga pangunahing ilog at kanal para sa kanilang cash for work program.Ito ay sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development Regional Office 12 sa pamamgitan ng City Social Welfare and development Office Kidapawan city.

Ayon kay Assistant City Social Welfae and Development Officer Daisy Gaviola, abot sa 1 million and 30 thousand pesos ang inilaang pondo ng DSWD 12 para sa nabanggit na programa sa buong rehiyon.Sa nabanggit na programa kung saan mga recovering Addict ng Balik Pangarap Program ang benipisyaryo ay lilinisin nila ang pangunahing ilog at kanal sa lungsod at pagtatanim ng mga gulay sa ilalim rin ng Gulayan sa Barangay Program ng LGU.

Matatandaang abot sa higit isang libong drug personalities ang una nang nag surfce sa PNP sa Kidapawan City.Pero sa ngayon abot na lamang ito sa higit 300 at nasa 80 ang benipisyaryo ng Cash For Work Program ng gobyerno.Ayon kay Alyas Kuya Nelson, isa sa mga drug personality na nakapanyam ng Radyo Bida, nagpapasalamat sila sa CSWD na napiling maging benipyaryo ng programa.

Ayon kay kuya Nelson aabot raw ito ng sampung araw at makakatanggap sila ng tig 205 pesos kada araw.

Malaking tulong raw ito para sa kanila lalo na ngayong wala silang trabaho.Pasalamat din sila sa City Governemt lalo na ang balik pangarap Coordinators dahil sa patuloy na pagsuporta at pagpapaalala sa kanila na ang droga ay walang magandang maidudulot sa kanilang buhay. Patuloy na magiging tapat sa lahat ng Chief Executive Listener ang Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC.

Dahil dito, inilunsad kahapon ang bagong mobile Application ng NDBC na iRadioNet.
Sa pamamagitan ng naturang mobile app. na available sa android phones ay mapaglilingkuran ng NDBC ang lahat ng kanilang Bida at mga giliw na tagapakinig.Ito ang binigyang diin ni Father Jonathan Domingo, OMI, na sya ring CEO ng NDBC.

Para kay Father Domingo, walang ibang hangad ang NDBC kundi maibigay ang para sa kanilang mga tagapakinig.At ito ang iRadioNet na kahit saan kapang lugar sa mundo ay bitbit mu ang mga programa at musika ng NDBC.

Madali lamang itong madownload kung saan pumunta lamang sa google play store at i search ang NDBC iRadioNet at i-install.Ito ang pinaka una sa South Central Mindanao kung saan maririnig sa naturang apps ang tatlong AM at tatlong FM stasyon ng NDBC.

Malaking tulong rin ito sa mga OFW na mapakinggan ang kanilang paboritong istasyon at mapawi ang kanilang lungkot habang nasa ibang bansa. Nabatid na inilunsad ang nabanggit na Application kasabay ng selebrasyon ng ika 60-anibersaryo ng pagkakatatag ng DXMS Radyo Bida sa Cotabato City kahapon at Oblates Day.

NDBC BIDA BALITA

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...

Eid'l Adha holiday advisory

Pursuant to the Bangsamoro Holidays Act of 2023 and in line with the traditions and festivities of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice), the Bangsamoro...

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...