Saturday Dec, 10 2022 02:44:45 AM

NDBC BIDA BALITA (5.24.19)

NDBC BALITA • 23:30 PM Fri May 24, 2019
1,019
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 24, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MGA SUNDALONG nasawi, kinilala sa ikalawang taong paggunita sa Marawi siege.

2. PRESO, tumakas matapos na magkunwaring iihi habang ibinabiyahe sa Pikit, North Cotabato

3. PNP 12, nagbabala sa publiko laban sa mga naglipanang investment scam sa rehiyon.

4. Duly elected officials ng Kidapawan, nakatakdang manumpa

-0-

Kinilala ng Philippine Army ang mga sundalong nasawi sa limang buwang gulo sa Marawi City kasabay ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Marawi siege na nag-iwan ng abot sa isang libo kataong patay kabilang na ang 165 mga sundalo.

Nagtipon para sa isang seremonya kahapon ang mga aktibo at retiradong opisyal at tauhan ng militar sa Marawi Pylon ng Libingan ng mga Bayani. Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto, hindi makakalimutan ang mga sundalong nagbuwis ng buhay sa paglaban sa mga terorista.

Nagsama-sama ang mga sundalo at kaanak ng mga nasawing sundalo sa isang picnic matapos ang seremonya. Samantala, konti na lamang umano ang bilang ng mga miyembro ng ISIS-inspired Maute Group.

Sinabi ni Army’s 103rd Infantry Brigade commander Col. Romeo Brawner Jr. na nasa 25 na lang ang miyembro ng ektremistang grupo.

Ayon kay Brawner, sa ganoong bilang ay hindi na kayang maglunsad pa ng pag-atake ang Maute Group tulad ng ginawa nila sa Marawi City.

Gayunman, hindi pa rin kumpyansa ang tropa ng gobyerno dahil maaari pang maglunsad ng maliliit na pag-atake ang Maute Group tulad ng pagbobomba o kaya’y pagpatay sa mga miyembro ng militar at pulisya.

Nabatid pa na nahinto na rin ang suporta ng international financiers sa Maute Group na dahilan para hindi na makapag-recruit pa ang mga ito.

-0-

WALA PANG BALAK si Pangulong Duterte na tanggalin na ang umiiral na Martial Law sa Mindanao. Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng paggunita kahapon sa ikalawang anibersaryo ng Marawi siege.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala pang rekomendasyon ang AFP at PNP para tanggalin ang Martial Law. Paliwanag ni Panelo, saka lamang babawiin ng Pangulo ang Martial Law kung wala nang banta sa seguridad.

Matatandaan na noong May 23, 2017 ideneklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao matapos na salakayin ng Maute Group ang Marawi City.

-0-

KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng dalawang mga mangingisda na nasabugan ng dinamitang gagamitin sana nila sa pangingisda sa Bucana area, Barangay Kalanganan Mother, Cotabato city.

Nakilala ang mga biktima na sina DATU MATABALAO, 42 anyos at MADI LUMABAO, 32 kapwa mga residente ng Purok 5 ng nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na ulat, bandang alas dyes ng umaga kahapon ng magtungo sa laot ang dalawa para mangisda, isa sa kanila ang nagsindi ng isang uri ng pampasabog at ng akmang ihahagis na ito sa dagat ng biglang sumabog ito habang hawak pa ng isa sa mga biktima.

Kapwa nagtamo ng malubhang mga sugat sa katawan ang mga biktima at ang isa sa mga ito ang wasak ang mukha at naputulan pa ng kanang braso.

-0-

Department of the Interior and Local government 12, nagsagawa ng evaluation para sa SGLG sa Kidapawan City LGU

Muling isinailalim sa evaluation ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan para sa regional seal of good local governance o SGLG ng Department of the interior and Local government region 12.

Ito ay malaking hamon din sa City LGU at maging sa pamunuan bilang 3-timer awardee ng SGLG sa national level.

Ngunit kumpyansa naman itong malalampasan ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan ang ebalwasyon ng regional level upang magqualify nanaman sa SGLG national level.

Kabilang sa mga sinusuri ng DILG ang pagpapatupad ng City LGU sa mga programa at proyekto na may malaking epekto sa mga mamamayan ng lungsod. Una ng pinaralangan ang Kidapawan City ng seal of good local governance noong taong 2016 hanggang 2018 na naging hall famer dahil sa tulong-tulong ng pamunuan.

Ito ay dahil sa maayos na pag-implementa ng mga proyekto para sa lahat ng nasasakupan lalo na sa mga barangay. NDBC BIDA BALITA

-0-
Police Regional office 12, may paalala sa publiko hinggil sa mga kumakalat na investment scheme sa rehiyon

Pinaalalahanan ngayon ng Police Regional office 12 ang publiko na mag-ingat at suriin ang mga kumakalat na mga investment scheme sa SOCCKSARGEN.

Sa naging panayam kay PRO-12 spokesperson Police Lt. Col Aldrin Gonzales, sinabi nitong bagaman marami na ang mga lumabas na investment scheme sa rehiyon ay hindi parin anya makakagawa ng hakbang ang PNP dahil wala pang nagreklamo hinggil dito.

Anya, marami na silang mga namomonitor na sumasali sa ibat-ibang mga investment scheme na gusto ding mamuhunan ng may malaking balik na pera. Sinabi ni Gonzales, mahalaga din anyang malaman kung anong proseso at kung paano nakakapagbigay ng malaking interes o balik ng pera ang pinasukan na investment scheme.

Samantala, nagsagawa na ng hakbang ang Phipilippine Natioanal Police 12 sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso laban sa Police Paluwagan Movement dahil marami na din anya silang natanggap na mga reklamo NDBC BIDA BALITA

0-0

Nakatanggap na ng relief assistance ang abot sa 28,640 na mga pamilyang apekatdo ng Mild El Nino sa Kidapawan City.

Sinabi ni City Disaster Risk and Reduction and Management Head Psalmer Bernalte, nitong May 10 pa anya natapos ang distribusyon na bahagi ng calamity fund ng LGU matapos isailalim sa state of calamity ang lungsod.

Nasa 11kilong bigas at canned goods ang natanggap na tulong ng bawat pamilya sa apat-napung mga barangay ng Kidapawan City. Ang kanilang pagbibigay ay base sa mga isinumite na mga listahan ng kada barangay na lubhang naapektuhan ng tag-init.

Samantala, sinabi ni Bernalte na nagbigay din ng kalahating milyong peso ng Davao City LGU sa City Government bilang tulong. Aasahan din anyang mabibigyan ang mga pamilya na hindi napabilang sa unang listahan na binigay sa kada barangay.

Hindi din malaman sa ngayon kung kailan maibibigay ang tulong mula sa Davao LGU dahil dadaan rin anya ito sa proseso.

0-0-
Oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa Kidapawan City, isasagawa ngayong araw

Nakatakdang isagawa ang oath-taking ceremony ng mga newly-elected city officials sa lungsod ng Kidapawan na gaganapin sa City Gymnasium ngayong umaga. Dadaluhan ito ng sampung mga bagong halal na mga konsehal, bise-mayor at alklade ng lungsod.

Manunumpa ang mga bagong opsiyales sa harap ni Judge Arvin Sadiri-Balagot, siyang administering officer sa nasabing seremonya.

Aasahan sa nasabing aktibidad ang mga nagwaging konsehal na sina Honorable Peter Salac, Narry Amador, Lauro Taynan Jr., Aljo Cris Dizon, Airene Claire Pagal, Carlo Agamon, Ruby Padilla-Sison, Gregorio Lonzaga, Marites Malaluan, Melvin Lamata Jr., vice-mayor elect Jivy Roe Bombeo at mayor-elect Joseph Evangelista.

Itatampok rin ngayon araw ang pagbibigay ng parangal sa mga nagwaging atleta sa ginanap na Palarong Pambansa 2019. NDBC BIDA BALITA

-0-
Mass Oath-taking ng mga pumasa ng Criminology at Professional Teachers Board Exam, gagawin sa Kidapawan City

Gagawin na sa Kidapawan City ang mass oath taking para sa mga pumasa ng licensure exam for teachers at criminology board exam noong nakaraang taon.

Ito ang inanunsyo ng Professional Regulation Commission o PRC kung saan marami pa ring mga board passers ang hindi nakadalo sa oath taking na isinagawa sa Davao City.

Ang maaaring makadalo sa mass oath taking ay ang mga pumasa sa Licensure Examination for Teachers o LET na kumuha ng pagsusulit noong March at September 2018. Kasali rin sa oath-taking ang mga pumasa sa Criminology Licensure Exam na kumuha ng pagsusulit noong December 2018.

Aasahan naman na magpapalabas ng schedule ang PRC ano mang araw mula ngayon. Kinakailangan namang personal na bumisita sa tanggapan ng PRC Kidapawan ang mga nais dumalo sa gagawing mass oath taking ceremonies.

Dalhin lamang ang Request Letter for Oath-taking at i-address sa nasabing tanggapan. Dagdag pa ng PRC na kinakailangan munang mag online registration dahil ito ang gagamitin para ma-accommodate ng nasabing ahensya.

Nabatid na pagkatapos na makadalo sa gagawing mass oath-taking ay agad ring makukuha ang identification card at exam rating.

Sa ngayon ay wala pang schedule mula sa PRC kung kailan at saan gaganapin ang nasabing aktibidad sa lungsod.

Maaari ring kumonsulta sa tanggapan ng PRC na matatagpuan sa Overland Terminal Kidapawan City.

Samantala, para naman sa mga nais kumuha ng pagsusulit sa LET para sa buwan ng Setyembre ngayong taong, maaari na ring mag proseso ng inyong application simula ngayon. NDBC BIDA BALITA

-0-

Tumakas ang isang preso na nagkunwaring iihi habang binabyahe pasado alas 4:00 ng hapon kamakalawa sa barangay Ladtingan, Pikit Cotabato.

Ang suspek na si Amir Karim Dalandas, 30 anyos, isang magsasaka na nakatira sa barangay Bulibod Sultan, Kudarat , Maguindanao ay sakay sa Mahindra patrol jeep na galing sa Provincial Crime Laboratory Office sa Kidapawan City na nagsumite ng nakumpiskang droga mula sa kanya.

Ayon sa ulat, nakiusap umano ang preso sa dryaber na huminto para umihi at nang pagbigyan ito ay biglang tumakas si Dalandas na nakaposas pa ang dalawang kamay patungo sa madamong bahagi ng nasabing lugar.

Agad na nagsawaga ng joint hot pursuit operation ang Aleosan, Pikit at Libungan PNP sa posibleng pagkadakip ng suspek.

-0-

Ingatan ang push cart trolies na libreng nang nagagamit sa Koronadal City Integrated Public Terminal para mas tumagal.

Ito ang panawagan sa mga commuter ni Koronadal City Economic Enterprise Development Officer Judith Labial Amido. Tiniyak din ni Amindo na mas matibay ang 30 mga push carts na inilagay ng LGU sa nasabing terminal. Ayon kay Amido ipina-customized kasi ang mga ito para magkaroon ng capacity na 250 kilograms.

Binigyan diin ni Amindo na walang sino mang umangkin sa nasabing mga push cart at di rin pwede maningil ang mga natutulak nito.

Dinagdag din nito na para makatulong sa mas maraming commuter, magdadagdag pa ng mga trolley sa pampublikong terminal ang lokal na pamahalaan ng Koronadal. Para sa mas madaling security check isinusulong din ng lokal na pamahalaan ang paglalagay ng metal detector na susuri sa mga bagaheng pinapasok sa Koronadal public terminal.

0-0

Number 8 Wanted sa Maasim, Sarangani, inaresto ng mga pulis sa Norala, South Cotabato

Kinilala ni Norala Chief of Police, Police Major Marifel Maganto ang inarestong wanted na si Jimmy Gelelang, 49 anyos may asawa.

Si Gelelang ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Norala PNP at Maasim, Sarangani Province PNP na pinamumunuan ni Chief of Police, Major Romeo Calamba. Siya ay inaresto ng mga pulis sa kanila mismong lugar sa Barangay San Jose, Norala.

Nabatid na ang arestadong si Gelelang ay number 8 Wanted Person sa Maasim. Inaresto ng mga pulis si Gelelang na ikinustodya ng Norala PNP sa bisa ng warrant of arrest ng Justice on Wheels ng korte sa Sarangani. Ito ay dahil sa kasong ACTS OF LASCIVOUSNESS.

-0-

Mahigit 75,000 tree seedlings itatanim sa 9th Tree Growing Festival ng Koronadal City

Abot sa mahigit 75,000 na mga seedlings ang target ng lokal na pamahalaa na itanim sa 300 ektaryang lupain sa 2019 Tree Growing Festival ng Koronadal sa June 28. Ipinahayag ito ni City Environment and Natural Resources Officer Agustus Bretana.

Sinabi ni Bretana na karamihan sa mga ito ay itatanim sa mga bulubundukong bahagi ng syudad bilang tugon na rin sa hiling ng mga land owners. Bilang kabahagi ng rebilitasyon, tatamnan din ng mga tree seedlings ang mga riparian zones o mga lugar malapit sa mga tabi ng sapa at ilog sa syudad.

Ayon kay Bretana kabilang sa mga itatanim sa tree growing festival ang fruit trees, hardwood trees at niyog. Aminado naman si Bretana na kumpara noong mga nakalipas na taon, mas mababa ang bilang ng mga tree seedlings na itatanim sa 9th Tree Growing Festival. Paliwanag ni Bretana, sanhi ito ng pagtaas rin sa presyo ng mga tree seedlings.

Pero ayon kay Bretana, matapos hilingin ng mga land owners mas marami ring mga niyog ang itatanim sa 2019 Tree Growing Festival.

Ito ay inaasahang lalahukan ng mga kawani ng ng gobyerno, pribadong sektoro, estudyante at iba pang mga stakeholder

0-0

World Bank Representatives binisita ang mga mga proyekto ng Philippine Rural Development Program sa Sarangani

Layunin ng pagbisita ng mga kinatawan ng World Bank sa Kiamba Sarangani na matingnan ang pagpapatupad ng mga proyekto ng Philippine Rural Development Program o PRDP. Ito ay ang Kayupo-Maligang Farm-to-Market Road na nagagamit na at nasa maintenance stage ngayon. Ininpeksyon rin ng mga ito ang United Maligang Farmers’ Multi Purpose Cooperative.

Ang nasabing kooperatiba ay pangunahing proponent ng P35 million Abaca Enterprise Project sa Sarangani. Kasama ni World Bank Agriculture Director Martin Van Niewkoop na pumunta sa nasabing lugar si World Bank Task Team Leader Frauke Jungbluth.

Umaasa naman si DA 12 Regional Director Milagros Casis na maliban sa success stories ay na-assess din ng dalawang World Bank representatives ang kabutihan naidulot ng mga sub-projects ng PRDP sa mga benepisaryo.

Kasabay ng pabisita ng mga taga World Bank sa Kiamba, ay ibinahagi rin sa mga magsasaka sa lugar ng San Jose Multi Purpose Cooperative ng Polomolok, South Cotabato ang kanilang mga best practices sa pagpapatupad ng cassava enterprise sub-project.

Ang mga proyekto ng PRDP na pinondohan ng world bank ay ipinatutupad naman ng Department of Agriculture

Ambush sa Aleosan, 6 CAFGU patay

ALEOSAN, North Cotabato – Anim na mga miembro ng CAFGU ang nasawi sa ambush na naganap sa Barnagay Tapudoc dito kaninang hapon. Sa report ng...

BARMM approves P75-M investments before the year ends

COTABATO CITY  – The Bangsamoro Board of Investments (BBOI-BARMM) convened on Friday, December 9, 2022 and approved the registration for...

3 patay sa banggaan ng pick-up vehicle at "topdown" tricycle sa Polomolok

Dead on arrival sa ospital ang 3 katao na nasangkot sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato noong disyembre 7, 2022. Kinilala ng...

MILG gears for a robust local governance, crafts 2023-26 strat plan

DAVAO CITY – The Ministry of the Interior and Local Government (MILG) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ended Thursday...

LPA to bring scattered rain showers across PH

MANILA – The low-pressure area (LPA) last located 610 km. east of Hinatuan, Surigao del Sur will bring scattered rain showers and thunderstorms...