Saturday May, 25 2024 01:39:04 PM

NDBC BIDA BALITA April 11, 2016

 • 18:40 PM Mon Apr 11, 2016
1,357
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 11,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG BANGKAY, magkahiwalay na
natagpuan sa Maguindanao.

2. DALAWA katao, naaktuhang
nagpa-potsession sa Pikit, North Cotabato.

3. DUTERTE, ISNULONG ang pederalismo sa
Korondal City.

4. DEBATE NG mga kumakandidato sa
pagkabise-presidente, naging mainit.

DALAWANG BANGKAY ang natagpuan sa
magkahiwalay na bayan sa Maguindanao kamakalawa.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang
lalaki na palutang-lutang sa ilog sakop ng Barangay Bagumbayan, Kabuntalan,
Maguindanao dakong alas 9and00 nang umaga noong araw ng Sabado.

Inilarawan sa report ng pulisya ang
nasabing bangkay na may maiksing buhok, nakasuot ng itim na T-shirt at asul na
maong pants, at mas mababa sa 5 feet ang tangkad.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan
ang nasabing bangkay na agad namang dinala ng pulisya sa punerarya.

Samantala, isang bangkay din ng lalaki
ang natagpuan sa Barangay Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao dakong alas
11:00 nang umaga rin noong Sabado.

Kinilala ang nasabing bangkay na si
Ashraf Masulot Akas, 18 anyos, sinasabing may problema sa pag-iisip, residente
ng Barangay Dagurungan, Sultan Mastura, Maguidnanao.

Ayon sa report ng pulisya, ang bangkay
ni Akas ay inilibing malapit sa pumping station ng MCWD at huling natagpuan
noong March 7, 2016.

Agad namang kinuha ng kanyang pamilya
ang mga labi ni Akas.

DEAD ON THE
spot ang isang construction worker matapos pagbabarilin pasado alas 3and00 nang
madaling araw kanina sa Barangay Rosary Heights 8, Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Noel Daga Estacio, 23 anyos, residente ng Block 19 extension sa
nasabi ring barangay.

Ayon sa
report ng pulisya, nakitang lasing at nagwawala si Estacio kagabi at naireklamo
pa sa barangay.

Pero
ni-release din ang biktima at nakatulog na sa kanilang tahanan.

Dakong alas
2and00 nang madaling araw kanina ay may gumising umano sa kanya at sumama umano
siya dito.

Ilang sandali
pa ay umalingawngaw na ang ilang putok ng baril at natagpuan na lamang
nakabulagta si Estacio at may tama ng bala sa kanyang likod.

Sa ngayon ay
patuloy pang inaalam ng mga imbestigador kung sino ang posibleng nasa likod ng
pamamaril sa biktima.

MAGKATUWANG NA
ILULUNSAD ng Department of Trade and Industry o DTI-Cotabato city at DTI-Export
Marketing Bureau ngayong araw ang isang aktibidad na magpapalawak pa sa
kaalaman ng mga negosyante hindi lamang sa lungsod kundi pati na rin sa mga
karatig bayan nito.

Ayon kay DTI-Cotabato
city OIC Carlito Nuñez, ang aktibidad na pinamagatang Doing Business in
Free Trade Areas and Generalized scheme of Preference ay naglalayong
maipaliwanag sa mga negosyante kung papaano mapalawak ang kanilang mga negosyo
hanggang sa Europian Union, Estados Unidos at Canada.

Aniya, ipapaalam din
nila sa mga negosyante ang mga requirements, oportunidad at potensyal ng mga
produkto sa Mindanao sa Halal market.

Inaanyayahan ng
opisyal ang mga negosyante na lumahok sa aktibidad dahil libre lamang ito at
bibigyan din sila ng pagkakataon na makapagbahagi ng kanilang mga tanong at
karanasan.

Isasagawa ang
aktibidad sa 3rd floor ng Southseas mall ngayong araw, April 11, 2016.

Para sa mga
karagdagang detalye ay maaaring tumawag sa (064) 421-3351, magtext sa mobile
numberand 0927-526-9002 o bisitahin ang facebook page ng DTI-Cotabato city. NAGBABALA SI Senate
President Pro-Tempore Ralph Recto sa pagkakaroon ng no election scenario dahil
sa kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Recto, marami ang
nangangamba na aabot hanggang sa eleksyon ang malawakang blackout na ilang
bahagi ng Mindanao.

Tiyak aniayng malaki ang
epekto nito sa pangkabuuang resulta ng halalan dahil may 12.5 milyong botante
ang naka­rehistro sa Mindanao.

Sinabi ni Recto na ang
malaking bilang ng botante ay sapat para maapektuhan kung sino ang mananalo o
matatalong kandidato sa pagkaPangulo. GAGAWIN
NGAYON ANG 42nd Annual National Qur’an Reading Competition sa University of the
Philippines (UP) Theatre na lalahukan ng 37 Qur'an readers mula sa ibat-ibang
panig at rehiyon ng bansa.

Sinabi
ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Bureau of Cultural Heritage
director Louie Piang na 19 sa nga kalahok ay mga lalaki at 18 naman ang mga
babae.

Ang
opening ceremonies ay pasisimulan alas 9:30 ngayong umaga at mapapakinggan ng
live sa DXMS Radyo Bida sa Cotabato City, DXMM-AM sa Jolo at DXGD-AM sa
TAwi-Tawi.

Pangungunahan
ni NCMF Sec. Yasmin Lao ang programa na may temang My neighbour, my
obligationand A foundation for peaceful co-existence.”

Isang
babaeng Quran reader at isang lalaking Quran ang tatanghaling kampeon na sila
naming kakatawan sa Pilipinas sa alinam ng international Quran reading contest
sa Asia at sa buong mundo. Gumawa ng Pilipinas na tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino. Ito ang binigyan diin ni Davao City at Presidential bet Rodrigo Duterte nang mangampanya ito sa Koronadal City noong Sabado.
Ayon kay Duterte, tanging solosyon lamang para sa pagunlad at katiwasayan sa bansa ang pederalismo.
Binigyan diin ni Duterte na misusulong lamang ang Bangsamoro Basic Law o BBL kapag ipinatupad ang Federal Type of Government. Ipinahayag ni Duterte na dapat unang makinabang sa pondo ng Midnanao ang mga Mindanaoan mismo na maaring maging posible sa pamamagitan Federalism.
Ayon kay Duterte 54 percent ng kabuuang export earning ng bansa ay mula sa Mindanao.
Nakakapagbigay din ng P30 billion kada buwan sa kaban ng bansa ang Mindanao.
Voice Clip…Si Davao City Mayor
Ang campaign rally ni Duterte sa Koronadal City ay dinaluhan ng humigit kumulang 6 na libo katao na nagmula pa sa mga karatig bayan at lalawigan.Inaayos na lamang ngayon ng Philippine Red Cross o PRC ang sistema na ipatutupad sa pamimigay ng tulong sa mga apektado ng El Nino Phenomenon sa South Cotabato.
Ayon kay PRC South Cotabato Chapter Administrator Erwin Del Carmen, sabay kasing humiling ng tulong sa kanila ang mga local government units o LGU sa South Cotabato.
Sinabi di Del Carmen na bagama’t kulang sa mga tauhan ang PRC, maswerte namang nakapag established na sila ng mga volunteer sa mga barangay.
Ayon kay Del Carmen, magiging katuwang rin ng PRC sa pamimigay ng tulong ang ilang benipisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
Kaya ayon kay Del Carmen ang pamimigay ng tulong sa mga barangay ay kaya nang pamunuan ng isa o dalawang staff ng red cross.
Ang pagbibigay ng assistance sa mga drought victims ay nakaatang ngayon sa PRC.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa Omnibus Election Code na nagbabawal sa mga LGU na mamigay ng tulong sa panahon ng eleksyon.
Sisimulan naman ang pagbibigay ng food packs sa mga bitkima ng tagtuyo’t sa Koronadal City ngayong araw. Nais ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA delegation na mapataas ang ranking nito sa Palarong Pambansa 2016 na ginaganap ngayon sa Legaspi City, Albay.
Ayon kay Department of Education Regional Director Arturo Bayucot, tiwala siya na aangat ang ranking ng region 12 mula sa 7th rank noong nakaraang taon sa 6th rank ngayong taon.
Ito ay sa kabila ng inclusion o paglakip sa Negros Island Region o NIR sa patimpalak .
Ibig sabihin nito ayon kay Bayucot mula sa 17 abot na sa 18 regions ang maglalaban sa Palarong Pambansa na welcome development naman sa region 12.
Ipinahayag ni Bayucot na dito na malalaman kung ang pagatatag ng bagong rehiyon ay makakaapekto sa ranking ng mga power house na regions 6 at 7.
Ayon kay Bayucot , mahirap talunin ang NIR, isa rin ito sa may pinakamalaking delegation na binubuo ng 14 divisions.
Tiniyak din ni Bayucot na ginawa ng DepEd 12 ang lahat upang lalo pang mahasa ang kasanayan ng mga SRAA athletes.
Ang SOCCSKSARGEN Region ay mayroong 487 delegates sa Palarong Pambansa. Wagi sa Nutrition Month Logo Contest ng National Nutrition Council ang Layout artist mula South Cotabato na si Dominic Villegas.
Tinalo ni Villegas ang mga entry sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Villegas naging inspirasyon nito ang mga logo ng mga nakalipas na Nutrition Month.
Ipinapakita sa logo ni Villegas ang first 1,000 days” ng isang bata mula sa sinapupunan hanggang dalawang taon.
Ipinahayag ni Villegas na nalaman nito ang tungkol sa patimpalak sa pamamagitan ng Facebook page ng NNC.
Si Villegas ay tatanggap naman ng sampung libong cash prize mula sa NNC.
Ang logo ni Villegas ay gagamitin ng ahensya sa kampanya nito ng tamang pagpapakain sa mga sanggol at mga bata.
Saklaw nito ang exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan, at pagbibigay ng complimentary food at pagpapatuloy pa rin ng breast feeding sa mga susunod pang buwan. Nag time out din sa kanilang mga regular na gawain tuwing araw ng linggo ang mga mamamayan ng Koronadal City
Ito ay para panoorin ang bakbakan sa ring nina Filipino boxing icon Manny Pacquio at Timothy Bradley.
Ang libreng Pacquio-Brandely fight ay handog ng lokal na pamahalaan ng Koronadal sa mga mamamayan ng lungsod.
Ito ay napanood sa Rizal Park kung saan inilagay ang malaking LED Screen.
Dinagsa naman ang lugar ng mga Pacquio fanatics, marami sa mga ito ay pawang mga tricyle driver na isanikripisyo ang ilang oras na pasada mapanood lang ang pambansang kamao.
Sa bawat tama ng suntok at pag knock down ni Pacquio kay Bradley, hiyawan at palakpakan ang mga manonood.
Lalo namang nagbuyi ang mga ito ng ianunsyo nang wagi sa laban si Pacquio.
Sa pagtatapos ng laban, hati naman ang naging reaksyon ng publiko sa Pacquio-Bradley Fight.
Ilan sa mga nanood sa laban ay nagsabi na hindi sila nakuntento dahil inaasahan nila ang mas matinding sagupaan sa ring ng dalawang boksingero,
Ayon naman kay Hadji Arib, kuntento siya at masaya sa naging laban ni Pacquio.
Ipinahayag din nito na ngayong panalo si Pacquio sa kanyang huling laban dapat na itong mag-retiro sa boksing, para di na makaranas pa ng muling pagkatalo.
Para naman kay Jun Betita, mas maganda sana ang laban kung tuluyang na Knock out ni Pacquio si Bradley.
Binigyan diin naman nito na bago man mag-retiro sana may magkaroon ng rematch sina Pacquio at Floyd Mayweather Jr. MAGPAPATULOY ang Kidapawan City LGU sa pamimigay ng bigas at tubig maiinom sa mga biktima ng El Nino.Bahagi ito ng Disaster Relief Operation ng local na pamahalaan na ang layon ay tulungan ang mahihirap na pamilya sa panahon ng matinding tagtuyot.Sa ikalawang bugso ng rice distribution, inalis na ng City LGU ang food-for-work scheme.Sa ilalim ng programa, tatanggap ang bawat pamilya ng tig-la-labing-dalawang kilo ng bigas.Abot sa labing-isang libong pamilya ang apektado ng El Nino, batay sa assessment ng City Social Welfare and Development Office.Katuwang ng DSWD sa programa ang Metro Kidapawan Water District, Bureau of Fire Protection, at ang City Disaster Risk and Reduction Management Office.Nagmula ang pondo sa DRRM fund ng city LGU. 0Barangay Officials ng Poblacion Kidapawan City, nagpaliwanag sa umano overpricing at pamemeke nila ng mga dokumento para sa isang proyekto ng barangayNilinaw mismo ni Kagawad Badok Palmones ang chair ng Committee on Finance ng brgy. Poblacion, Kidapawan City na walang nangyaring pamemeke ng dokumento at overpricing sa isa sa kanilang proyekto sa barangay. Ito ay kaugnay sa pagkakabili ng brgy. ng isang bakanteng lote sa Sinsuat St ng lungsod.Layunin nito na patayuan ng Barangay Disaster Risk Reduction and Mangement Office, Motorpool at patatayuan ng isang Multipurpose building.Ang naturang lote ay nagkakahalaga naman ng 8.9 million pesos na may lawak na 3000 square meters.Nag-ugat ang paliwanag ni Palmones matapos iparating ng isang BIDA TEXTER sa Radyo Bida sa umano overpricing sa biniling lupa ng Brgy. Poblacion Council.Nakasaad rin sa kanyang mensahe na ang naturang lote ay umano may nakapending pang kaso bagay naman na itinanggi ni Palmones.Kabilang rin sa mensahe, ang umano pamemeke ni Brgy. Poblacion Chair. Melvin Lamata at Kag. Palmones sa mga dokumento na ginamit sa nabanggit na proyekto.Kaugnay nito, hinamon ngayon ni Palmones ang naturang BIDA texter na pumunta sa tangapan ng brgy. Poblacion para patunayan na kumpleto ang kanilang mga dokumento at hindi nila ito pinike.Itinuturing naman ni Palmones ang nabanggit na isyu sa kanya at sa kanyang pamilya na pamumulitika lamang. Nangako ngayon si Brgy. Manongol Chairperson Edgar Gallamos na hahanapan nila kaagad ng solusyon ang sirang tulay na nagkokonekta sa brgy. Manongol at Brgy. Birada sa Kidapawan City.Ito ang pahayag ng opisyal matapos idulog sa kanya ang hinaing ngayon ng ilang mga residente na dumadaan sa nabanggit na tulay.Nababahala na rin kasi ang ilang mga magulang para sa kanilang mga anak na dumadaan sa tulay para makatawid patungong eskwelahan.Nabatid na noong nakaraang tatlong taon pa inayos ang tulay na pinaglaanan naman ng City Government ng abot sa 157 thousand pesos.Sa ngayon dahil ilang taon na ang lumipas unti-unti na ring naluluma at nasisira ang nabanggit na tulay kung saan nalalagay na rin sa peligro ang mga buhay ng mga dumadaan doon.Nakaapekto rin kasi ang pabago-bagong panahon kaya nasira ito.Pagsisikapan naman ni Chairman Gallamos na mahanapan ito ng sagot para sa kapakanan ng kanyang daan daang mga constituents. Nakakulong na ngayon sa Pikit Municipal Police Station ang dalawang lalaki matapos silang naaktuhang nag po-potsesion sa brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato alas tres ng hapon kahapon.Kinilala ang mga suspek na sina ROLDAN BUENCAMIN0 PACQUIAO, 44-anyos at JULIUS GAYAK GARCIA, 33- anyos parehong taga brgy. Pob.6, Midsayap.Nakuhala mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu.Nahuli ang dalawa habang nagsasagawa ng mobile patrol ang Pikit PNP.Nakatanggap kasi ng impormasyon ang pulisya at agad na tinungo ang lugar at doon na nila na korner ang dalawang suspek.Nananatili ngayon sa Pikit PNP lock up cell ang dalawa habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. Abot sa pitong libong mga pamilya ang nakatanggap ng libreng bigas mula sa mga empleyado ng Department of Agriculture Regional office 12 sa piling mga bayan sa North Cotabato.Sinabi ni DA 12 Regional Director Amalia Jayag-Datukan, mismong ang mga empleyado ang gumawa sa naturang inisyatiba na tumulong sa mga pamilya na apektado ng El Niño ng halos limang buwan nang naperwisyo sa lalawigan.Ang mga empleyado rin mismo ang nakipag-ugnayan sa iba pang ahensya para makalikom ng pondo para ibili ng bigas.Nilinaw ni Datukan na walang pondo mula sa DA ang ginamit sa naturang inisyatiba.Umabot naman 400 sako ng bigas ang kanilang nakolekta at sabay sabay na ipinamahagi nitong Sabado sa mga barangay ng Arakan, Antipas, President Roxas, Makilala at Tulunan.Nakatanggap ang bawat pamilya na napili ng Office of the Municipal Agriculturist ng bawat LGU ng tig-tatlong kilo ng bigas.Lubos naman ang pasasalamat ng mga pamilyang magsasaka matapos matanggap ang bigas pauwi ng kanilang bahay.Pinasalamatan naman ng DA employees ang mga ahensya, organisasyon at indibidwal na tumulong at sumuporta sa kanilang layunin kabilang na SOCCSKSARGEN Seed Industry Council Firmus Farm Service Cooperative Office of the Secretary RIC of Antipas Provincial RIC Federation of North Cotabato Regional Corn Cluster Federation, at iba pang mga ahensyang tumulong. PUMAPABOR
ANG lahat ng vice presidential candidates na panagutin ang mga telephone
companies sa mabagal na internet connection sa bansa.

Ayon
kay Cong. Leni Robredo, totoo ang problema sa mabagal na internet connectivity
at dapat matigil na ang monopolya ng mga telecos.

Ayon
naman kay Sen. Antonio Trillanes, dapat papasukin na ang mga foreign investors
sa nasabing sektor at mapalawak ang komeptisyon.

Inihayag
ni Sen. Chiz Escudero, dapat isabay ang ineternet development sa mga infrastructure
projects.

Kumbinsido
naman si Sen. Bongbong Marcos na tama ang lahat ng mga nasabi ng mga katunggali
lalo pa't ang internet ay hindi na lamang para sa libangan ng mga kabataan
kundi dito na rin ginagawa ang karamihan sa mga business transactions kaya
dapat lamang na papasukin na ang mga mga foreign investors dahil pabor sa mga
konsumer ang malaya at malawak na kompetisyon sa merkado.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...