Saturday May, 25 2024 12:28:51 PM

NDBC BIDA BALITA (April 12, 2016)

 • 20:29 PM Tue Apr 12, 2016
1,262
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 11,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. APAT sa 6 na kidnappedsawmill workers sa Lanao del Sur, pinakawalan na pero 2, Pinugutan na daw.

2. 12 sugatan kabilang na ang isang buntis
at 2 bata sa vehicular accident sa President Roxas.

3. MGA BIKTIMA ng tagtuyot sa South
Cotabato, imposible raw mag-aklas ayon sa PDRRMO Officer ng South Cotabato

4. Koroandal athletes na mananalo ng gold medal sa Palarong Pambansa, tatanggap ng incentive
PINAKAWALAN NA ng kanilang mga abductor
ang apat sa anim na mga dinukot ng Maute Group sa Butig, Lanao del Sur.

Sinabi ni Lanao del Sur PNP Provincial
Director Police Supt. Rustom Duran na mga pinakawalan ay sina Gamit Humataw,
Diolito Hanubas, Adonis Mendez

at Alfred Canoos habang nasa kamay pa
rin ng mga suspek sina Salvador Prementes at Jaymark Prementes.

Ayon kay Duran, dinukot ng Maute Group
ang mga biktima matapos paghinalaang mga asset ng militar sa lugar.

Sabi ni Duran, ang apat ay pinakawalan
sa barangay Tandab, sa bayan ng Butig at sila ay tinanggap ng kanilang employer
na si Hadja Anisa Unda.

Hindi naman makumpirma ni Duran kung may
ibinayad na ransom ang employer at pamilya ng mga biktima kapalit ng kalayaan
ng mga ito.

Samantala, hindi rin makumpirma ni
Duran ang mga bali-balitang punugutan na ng Maute Group ang mga dinukot na sina
Salvador at Jaymark Prementes.

TUKOY NA ng
pulisya ang grupo na responsable sa pananambang kay Marawi City Mayor Fahad
Pre Salik habang nasa Cagayan de Oro city.

Nabatid na
natunton ng PNP at iba pang mga law enforcement agency ang mismong mastermind
ng krimen matapos magsagawa nang malawakang manhunt operation ang Special
Investigation Task Group (SITG-Salik) laban sa lima hanggang pitong armadong lalaki
na nanambang kay Salik sa bisinidad ng Pryce Plaza Hotel.

Sa ulat ng
PNP, may armadong grupo na ring umamin na sila ang tumambang kay Salik dahilan
para masugatan ang driver nito na si Cayrudin Gunting.

Gayunman, tumanggi
muna ang pulisya na banggitin ang pangalan ng mastermind at grupo na naatasan
na ipapatay ang alkalde habang nagpapatuloy pa ang kanilang pangangalap ng mga
matitibay na ebedensiya laban sa mga suspek.

Napag-alaman
na si Salik at Gunting ay pareho nang ligtas ang kalagayan subalit patuloy na
naka-confine sa pribadong ospital na mahigpit ngayong binabantayan.

0NAHAHARAP
SA KASONG paglabag sa Republic Act 9165 ang isang babae matapos makunan ng iligal
na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM sa mismong bahay
nito pasado alas nuwebe kagabi sa Malagapas, Barangay Rosart Heights 10,
Cotabato city.

Kinilala
ang suspek na si Rabaibani Caug Guiabar, 49 anyos na naaresto sa bisa ng search
warrant na aprubado ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC Branch 13.

Sa
paghalughog ng mga operatiba ng PDEA-ARMM sa bahay ni Guiabar ay natagpuan ang
isang itim na pouch na naglalaman ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na
tinatayang may bigat na 50 gramo at nagkakahalaga ng 75 thousand pesos.

Maliban
dito, nakuha din mula sa nasabing pouch ang ilang mga drug paraphernalia.

Sa
ngayon ay nasa detention facility ng PDEA-ARMM si Guiabar habang hinahanda ang
mga ebidensyang nakuha mula sa bahay ng suspek para maihain sa city prosecutors
office at masampahan na ito ng kaukulang kaso.

Samantala,
sa Midsayap, North Cotabato huli rin sa drug buy bust operation ang mag-asawang
sina Nestor Manos at Maribeth.

Pasado
alas dos ng hapon kahapon nang maglunsad ng operasyon ang pinagsanib na pwersa
ng Midsayap PNP, North Cotabato PNP-Intelligence Unit, at PDEA 12 sa bahay ng
mag-asawa sa barangay Poblacion Singko.

Nabawi
mula sa mga suspek ang dalawang mga malalaking sachet ng shabu na tinatayang
nasa 75 thousand pesos ang halaga, drug paraphernalia at marked money.Nabatid
na mula February to April 11, abot na sa 45 mga suspected drug pusher ang
nadakip sa Midsayap. Dalawang
mga heneral na parehong tumangging magpakilala ang nanawagan na isailalim sa
masusing imbestigasyon ang bakbakan ng mga militar at Abu Sayyaf sa Basilan na
ikinasawi ng 18 sundalo.

Naniniwala
ang isa sa kanila na nagkaroon ng failure of leadership” mula sa mga
pinakatuktok hanggang pinakababa ng pamunuan.

Kulang
aniya sa karanasan, at palpak sa intelligence at pagpa-plano ang mga ito,
kaya’t iginiit niya na dapat managot ang mga nasa brigade hanggang sa lebel ng
Western Mindanao Command.

Ayon
naman sa isa pang heneral, nararapat lang na magkaroon ng tanggalan sa pwesto
at inakusahan pa si regional military chief Maj. Gen. Mayoralgo del Cruz ng
aniya’y micromanagement” sa mga operasyon.

Aniya,
si Del Cruz ang nagplano ng operasyong ito at pumunta pa mismo ito sa
headquarters bago sumabak ang mga tropa.

Para
naman kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief Gen. Hernando Iriberri,
masyado pang maaga para magsagawa ng imbestigasyon dahil nagpapatuloy pa rin
hanggang ngayon ang operasyon.

Samantala,
tumanggi naman ang mga opisyal ng militar na i-detalye sa media ang sampung oras
na engkwentro sa Tipo-Tipo, Basilan noong Sabado.

Maging
ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo na pare-parehong sumisigaw ng hustisya
ay sinabihan na huwag munang makipag-usap sa media kahit pa may mga nanawagan
na ng imbestigasyon. UMAASA
si government peace panel chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer na isusulong
pa rin ng mga mambabatas sa 17th congress ang Bangsamoro Basic Law o
BBL.

Sabi
ni Ferrer, bukas sila sa posibilidad na magpasa ng sariling bersyon ng BBL ang
mga mambabatas pero umaasa siya na mas magandang bersyon ang isusulong ng mga
ito.

Aniya,
tanggap nila ang pahayag ng mga mambabatas na may kakulangan sa naunang bersyon
ng BBL kaya hindi ito naipasa sa 16th Congress.

Ayon
pa sa opisyal, patuloy silang nangagampanya para muling pag aralan ng mga
mambabatas ang BBL na sinasabing magiging mabisang solusyon sa nagpapatuloy na
kaguluhan sa autonomous region.

Samantala,
tiniyak naman ni Ferrer na hanggang ngayon ay determinado pa rin naman ang pamunuan
ng MILF na matuloy ang BBL.

Nilinaw
naman ni Ferrer na sa iallim ng BBL, kooperasyon lamang ang papel ng MILF at
hindi pinapayagan na magkaroon ng kanilang sariling pulisya o military
operation.

Mabibigyan ng cash incentive ang mga atleta ng Region 12 na makasungkit ng medalya sa Palarong Pambansa na ginaganap ngayon sa Legaspi City, Albay.
Ayon kay DepEd 12 Regional Director Arturo Bayocot, para mahikayat na lalo pang magpursige na manalo, nag laan ng isang milyon ang kanilang tanggapan para sa insentibo ng mga magwawaging atleta sa patimpalak.
Sinabi ng DepEd official na dahil sa medal tally system sa palarong Pambansa, motto ngayon ng SRAA delegation ang Go for Gold”.
Ayon kay Bayucot ang mga atleta na makasungkit ng gold medal ay tatanggap ng P15,000, P7,000 ang silver medal, at P3,000 ang bronze medal.
May mga Lokal government din na magbibigay ng insintibo sa kanilang mga atleta na maguuwi ng karangalan sa Palarong Pambansa.
Inaasahan naman na makakatanggap ng mas mataas na cash incentives ang mga atleta ng South Cotabato matapos maglaan ng P350,000 para dito ang pamahalaang panalalawigan.
Ang mga winning athletes ng South Cotabato ay makatatanggap ng dagdag na P10,000 para sa gold, P7,000 para sa silver at P5,000 para sa bronze medal.
Ang Koronadal City ay magbibigay naman ng P20,000 para sa kanilang gold medalist, P5,000 sa silver at P3,000 sa bronze.
Mabibigay naman ng P5,000, P3,000 at 2,000 para sa kanilang mga winning athletes ang Sultan Kudarat LGU.
Ang mga magwawaging atleta naman sa North Cotabato ay magbibigay ng P8,000 para sa kanilang gold medalist.
Ang matatanggap namang cash incentive ng ibang delegasyon ay depende naman sa pondo na kukunin ng kanilang LGU sa Special Education Fund o SEF.
Ang SOCCKSARGEN Region ay binubuo ng mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat , North Cotabato at mga lungsod ng Koronadal, General Santos, Kidapawan , Tacurong at Cotabato.
Binuksan na sa publiko ang northern section ng circumferential road sa General Santos City.
Ayon kay Department of Public Works an Highway o DPWH 12 Regional Director Reynaldo Tamayo, ang mahigit P1.125 billion na proyekto ay binuksan matapos makumpleto a konstruksyon ng Silway Bridge at kalahating kilometrong daan sa Barangay Silway.
Sinabi ni Tamayo na mababawasan ng diversion road ang trapiko sa Gensan dahil hindi na kailangan pa ng mga turista na dumaan sa city proper papuntang airport at palabas ng Gensan.
Nabatid na para makadaan sa northern section ng circumferential road kailangan ng mga mamamayan na mag-turn left sa rotunda at Sinawal road palabas ng General Santos-Isulan Highway sa Barangay Apopong.
Ang daan ay komokonekta naman sa General Santos-Davao City Highway sa Barangay Katanggawan.
Ang Western section naman ng circumferential road ay daanan papuntang Fish Port at General Santos City International Airport.
Ipinahayag ni Tamayo na dahil sa circumferential road mas naging madali na rin ngayon sa mga motorista ang lumabas at pumasok sa Davao at SOCCSKSARGEN Regions .
Ang construction ng circumferential road sa Gensan ay isinulong ng Mindanao Development Authority o MinDA para mailakip sa infrastructure investments sa SOCCSKSARGEN Region ng pamahalaang nasyonal. Naniniwala si Provincial Disaster Risk Reduction and Management office o PDRRMO Officer Mila Lorca na hindi aaklas ang mga mamamayan na apektado ng El Nino sa South Cotabato.
Paliwanag ni Lorca nakapagbigay na kasi ng paunang tulong sa mga drought victims ang kanilang tanggapan bago pa man ideklara ang State of Calamity sa buong lalawigan.
Sa katunayan ayon kay Lorca nakinabnag sa food for work program ng provincial government ang daang daang mga drought victms sa mga bayan ng Polomolok, Tupi, Tantangan, Norala, T’boli.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Provincial Administrator Danilo Supe, na ikokonsidera ng provincial government ang lahat ng mga legal option para agad na mabigyan ng tulong ang mga apektado ng tagtuyo.
Ayon kay Supe wala pa ring tugon ang comelec sa hiling ng LGU na certificate of exemption.
Igniit ni Supe na kahit pa idaan sa red cross ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng El Nino, kailangan pa rin itong hingan ng permiso sa poll body.
Kaya ayon kay Supe ang sistema ng pamimigay ng tulong sa mga biktimang dry spell maaring naka-depende sa paguusap ng konseho at South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes. Kampante si South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco I General Manager Santiago Tudio na magkakaroon ng sapat na supply ang lalawigan sa eleksyon.
Ayon kay Tudio bukod sa National Grid Power Grid
Corporation of the Philippines na pinagsusumikapang maresolba ang problema sa power supply,may mga ginagawa na ring hakbang ngayon ang Socoteco I.
Sinabi ni Tudio na makadadagdag sa supply ng kuryente sa South Cotabato ang ipinatatayo ngayong 11 megawatt bunker-fueled plant sa barangay Paraiso, Koronadal.Nagsu-supply na riin ng kuryente sa lalawigan ang solar power plant sa bayan ng Surallah.
Ito ang sinabi ni Tudo sa kabila ng muli na namang pagpapatupad ng hanggang dalawang oras na rotational brown out sa South Cotabato.
Ayon kay Tudio hindi pa rin nakapagbibigay ng supply ng kuryente ang Agus 1 at 2 sa Midnanao Grid.
Nagpalala rin sa problema ng brownout ang pagtigil sa loob ng 14 araw ng operasyon ng Unit 1 ng Therma South Inc.,dahil sa pagtaas ng boiler tube nito. Hinigpitan ng lokal na pamahalaan ng T’boli,South Cotabato ang pagpasok ng mga turista sa Lake Holon.
Ito ay bunsod ng grass fire na tumupok sa mahigit sampung ektaryang lupain malapit sa outlet nito noong nakaraang linggo.
Ayon kay T’boli Mayor Dibu Tuwan, mariing ipinatutupad ngayon ang mga panuntunan sa pag-akyat sa lawa particular na ang pagbabawal sa mga trekker na magdala ng sigarilyo.
Layon nito ayon kay Tuan ay upang maiwasan ang sunog , lalong lalo na sa trail paakyat ng lawa.
Ang Lake Holon na crater ng Mt. Melibinggoy, ay tinawag na Crown Jewel of the South”.
Itinuturing din itong pinakamalinis na lawa sa buong bansa.
Maliban sa Lake Holon, apektado rin ng grass fire ang paanan ng Mt.Matutum sa bahagi ng bayan ng Polomolok.
Maliban sa paglikas sa mga residente na nakapaligid sa lugar, pansamantala munang ipinasara sa mga trekker ang bundok. Kinansela ngayon ng Kidapawan City LGU ang pamamahagi ng bigas sa nalalabing siyam na barangay ng lungsod.Paliwanag pa ni City Information Officer Psalmer Bernalte, hinihintay pa kasi ng LGU na marelease ng COMELEC Regional Office ang clearance na kinakailangan ng Philippine Red cross.Ang Philippine Red Cross kasi ang mamamahagi ng bigas para sa mga naapektuhan ng El Nino dahil na rin sa pagsunod sa umiiral na COMELEC guidliness.Inamin naman ni Bernalte na i wiwithdraw na sana ng LGU ang isang libong sako ng bigas noong March 28 sa National Food Authority pero sarado kasi ang NFA sa panahong iyon nang mangyari ang kilos protesta ng libu-libung magsasaka na naggaling sa ibang mga bayan ng North Cotabato.Kaya naman naantala ito at noong lamang nakaraang martes nila nakuha ang bigas sa NFA.Kaugnay nito, humihingi ngayon ng pasensya ang City LGU mga mamayan ng siyam na barangay dahil matatagalan pa bago ang pamamahagi ng tulong na bigas para sa kanila.Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Sudapin, Kalaisan, Poblacion, Ilomavis, Hinatlian, Balabag, Indangan, Perez, at brgy. Meohaw. Sa ngayon na wala pa ang pamamahagi ng bigas ay nagpapatuloy naman ang libreng pamimigay ng tubig ng LGU sa mga barangay.May mga programa rin ang City Social Welfare and Development Office na pamamahagi ng food packs katuwang ang mga ahensya at mga Non-Government Organizations. Matapos ang halos isang buwan, ideneklara na ng Protected-Area management Board o PAMB na kontrolado na ang sunog sa Mt. Apo.Sinabi ni PAMB Ecotourism Chair Joey Recimilla, tuluyan ng napatay ang apoy sa peak ng bundok matapos rin ang sunod sunod na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.Ito ay maliban pa sa ginawang fire line at water bucketing ng Philippine Air force kasama na ang higit limang daang fire volunteers na 24 oras ding nakamonitor sa lugar.Ayon kay Recimilla, sa bahagi ng North Cotabato nasa 18 ektarya lamang ang naabot ng sunog.Pero nilinaw nang opisyal na sa ngayon ay hindi pa tuluyang madedeklara ang Fire out sa Mt. Apo dahil nanatili pa rin ang usok sa bahagi ng Sta Cruz, Davao del Sur subalit maliit na lamang ang tyansa na kakalat pa ito.Samantala, tuluyan namang isasara ang Mt. Apo para sa mga trekkers matapos na inaprubahan ng PAMB ang resolution no.2016-01 o ang indefinite closure of Mt Apo's all natural park trail for trekking and climbing activities.Layunin nito na maiwasan pa ang dagdag na kasiraan sa bundok gayunman ang muling pagkakasunog nito.Ang nabanggit na resolusyon ay mariin namang sinuportahan ng PAMB members, LGU, na agad namang pinirmahan nina Protected Area supervisor Eduardo Ragaza at Joselin Marcos-Fragada, ang Chair ng Mt Apo PAMB kasabay sa kanilang pagtitipon noong nakaraang linggo. Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang 12 dalawang indibidwal kabilang na ang isang walong buwang buntis at dalawang mga bata matapos masangkot sa vehicular accident sa Purok 2, harap ng Skyline Resort, brgy. Green hills, Pres. Roxas North Cotabato.Ang insidente nangyari alas 3:20 ng hapon kahapon.Sa report ng PNP binabaybay ng isang Private Utility Van na may license plate XFM 665 ang National Highway galing sa isang Fellowship ng Pentecostal Church sa brgy. Kiab, Antipas nang sila ay maaksidente.Sinabi ni Loreta Samon, nagtitinda malapit sa pinagyarihan ng aksidente, kita-kitang niya raw na mahina lamang ang takbo ng naturang van pero pagdating nito sa kurbadang bahagi ng kalsada ay bigla na lamang may sumabog na malakas at dumeretso sila sa gilid ng highway at tumama sa steel road barrier dahilan para tumagilid ang sasakyan.Lumabas naman sa imbestigasyon ng PNP na pumutok ang break ng sasakyan dahilan para mawalan ito nang kontrol at nadisgrasya.Labingdalawa katao ang sakay sa Van na minamaneho ni Renante Sablaon Igbaras na taga brgy. Calumpang. General Santos City.Kasama rin sa nakasakay doon na nasugatan sina Gilyn Navares, 32 anyos na walong buwang buntis kasama rin ang anak nitong apat na taong gulang na si Reign Kaori Navares, at sina Alohan Lanoy 26, Jimmy Lanoy, Glenda Lanoy, 18, Tomias Faamamafa 24, Gigi Faamamafa, 33, Neneng Pestanas, 20, Aileen Dongue, 33, Aj Dongue, Haide Lanoy at Manilyn Pestanas.Agad namang rumesponde ang Antipas at President Roxas Ambulance Team para isugod ang mga sugatang biktima sa hospital.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...