Wednesday Apr, 24 2024 11:45:13 AM

NDBC BIDA BALITA (April 13, 2016)

 • 17:30 PM Wed Apr 13, 2016
1,303
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST APRIL 13, 2016 (WED) 7and00 AM HEADLINESand 1. DALAWANG bata, 2 babae, kabilang sa inaresto sa anti-illegal drug drive sa Midsayap2. Bahay, nasunog sa Makilala, North Cotabato 2 patay sa din vehicular accident3. South Cotabato, mamamahagi ng bigas sa mga El Nino victims4. ELECTION SERVICE ACT, nilagdaan na ni Pangulong Aquino PITO KATAO na naman ang naaresto ng Midsayap PNP sa nagpapatuloy na operasyon nito laban sa iligal na droga sa bayan. Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng dalawang mga menor de edad at dalawang mga babae. Sa panayam ng DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga, kinilala ni Midsayap PNP Dir. Police Supt. Tom Tuzon ang mga nadakip na sina Michael Pascua alyas ‘liklik’ at Norraine Karon, mga suspected pusher na taga-Barangay Salunayan, Midsayap. Huli rin si Mylene Catayao, ang may ari ng bahay na ginawang drug den ng mga suspek. Kabilang pa sa mga naaresto ay sina Beds Karon, 18 years old at taga- Cotabato city at Joseph Cariño, taga- barangay Poblacion 2, Midsayap. Ang dalawang mga menor de edad naman na sadyang di kinilala sa report ay nasa custody na ngayon ng municipal social welfare and development office ng Midsayap. Sabi ni Tuzon, nabawi mula sa mga suspek ang marked money, assorted sachets ng Shabu na may kabuuang halaga na 15 thousand pesos at mga drug paraphernalia. INAALAM PA RIN ngayon ng mga police investigator kung sino ang target sa pagpapasabog na hand grenade as Pikit, North Cotabato pasado alas dos ng hapon kahapon. Sinabi ni Pikit PNP Chief Police Sr. Insp. Sindato Karim na inihagis kasi ang naturang granada sa Bai Matambai Slam Street, ang kalye na malapit lang sa bahay ni dating Pikit mayor Sumulong Sultan na ngayon ay muling tumatakbo sa pagka-alkalde ng bayan. Sabi ni Karim, base sa salayasay ng mga nakasaksi sa pangyayari, dalawang lalaking sakay ng pulang motorsiklong walang plaka ang naghagis ng naturang Granada. Gayunman, wala namang nasawi o nasaktan sa naturang insidente. Sa ngayon ay hindi pa matiyak ni Karim kung ang insidente ay maituturing na election-related dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng insidente. Samantala, sa kabila ng pangyayari, tiniyak ni Karim na generally peaceful ang Pikit at ang insidente ay isang isolated case lamang. NASA PISKALYA NA ang kasong isinampa laban sa isang babeng pinaniniwalaang miyembro ng isang local drug group sa Cotabato City. Kamakailan ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-ARMM, Army's 5th special forces at City PNP ang suspek na si Salome Ali, 29-anyos, taga Purok Islam, Brgy. Poblacion 2 ng lungsod. Sa report ng PDEA-ARMM, target nila sa kanilang search warrant ang mag-asawang Ali pero mabilis na nakatakas ang mister nitong si Faisal Akmad Ali, matapos matunugan ang presensya ng mga operatiba sa kanilang lugar. Nabatid na pinaputukan pa ng nakatakas na suspek ang tumutugis sa kanyang mga otoridad gamit ang cal. 45 pistol. Sa naturang operasyon, nabawi mula sa suspek ang 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia. ITUTURING ng Commission on Elections o Comelec bilang election offense ang pag-uuwi ng voting receipt na iluluwal ng voting counting machine o VCM at ang panggugulo sa botohan sa pamamagitan ng walang basehang reklamo. Ito ang nakasaad sa amended General Instructions ng Comelec en banc para sa Board Election Inspectors o BEIs. Sinasabing ang paglalabas ng voting receipt sa polling precinct ay paglabag sa ilalim ng Sec. 261 ng Omnibus Election Code. Paliwanag ni Comelec Chairperson Andres Bautista na layon nito na maiwasang pagdudahan ang kredibilidad ng eleksyon dahil lamang sa panggugulo ng ilang botante sa pamamagitan ng paggamit ng social media. Nakasaad sa inamyendahang GI na matapos maputol ang voting receipt sa VCM ay lalagyan ng BEI ng indelible ink ang kanang hintuturo ng botante. Matapos nito ay kailangang lumapit ang isang botante sa harap ng voter’s receipt receptacle na nasa tabi ng VCM kung saan dito ay maaaring basahin ang nakasaad sa monitor ng makina kung nabasa ang balota nito. Kasunod nito ay kailangang ihulog sa basurahan ang inilabas na resibo ng VCM bago lumabas ng voting precinct. Samantala, sinumang gagawa ng gulo o magre­reklamo nang walang sapat na basehan sa voting precinct ay ituturing na election offense. Sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng hindi lalagpas ng isang taon hanggang anim na taon at hindi na papayagan pang makaboto. Ang nasabing resolusyon ay magiging epektibo pitong araw matapos na mailabas ito sa malalaking pahayagan at sa Comelec website. NAGLABAS NA ng 3.2 million pesos na halaga ng ayuda ang Philippine Army para sa mga naiwang pamilya ng 18 mga sundalo na napatay sa pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf sa Basilan. Ayon kay Army spokesperson Col. Benjamin Hao, ang inilabas na immediate monetary assistance ng Army ay base sa buwanang sahod ng bawat isa sa 18 sundalong nasawi habang sila ay naglilingkod sa bayan. Bukod dito, makakatanggap din ng tulong pinansyal ang mga pamilya na nagkakahalagang P50,000 mula sa AFP Mutual Benefits Association Inc., P100,000 mula sa Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative, P80,000 funeral services support at scholarship grants naman para sa kanilang mga anak. Siyempre, makakatanggap rin ang mga ito ng full military honors. Samantala, itinanggi naman ni Defense Sec. Voltaire Gazmin ang mga ulat na kinansela ang pagbibigay ng funeral honors sa mga sundalo. Nakipagpulong si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO officer Mila Lorca sa mga Municipal at City DRRMC sa South Cotabato.
Ito ay upang upang alamin ang danyos ng tagtuyo’t sa kanilang mga lugar para sa mas maayos na pamimigay ng tulong sa mga biktima ng dry spell.
Kasama din sa mga kinausap ni Lorca ang Philippine Red Cross.
Nagkasundo naman ang mga ito na magtalaga ng mga araw na pagbibigay ng tulong sa bawat lugar.
Layon nito na mabigyan ng sapat na panahon ang PRC na makapaghanda.
Ayon kay Lorca mangunguna sa pagbibigay ng ayuda sa mga drought victims ang PRC sa ilalim ng Supervision ng Commission on Audit.
Ito ay bilang pagtalima sa Omnibus Election Code na nagbabawal sa mga lokal na pamahalaan na mamigay ng tulong tuwing election period.
Ayon kay Lorca unang nakapagsumite ng listahan at schedule ng pamimigay ng tulong sa PRC ang Koronadal City.
Kaugnay nito, sinimulan na ng PRC South Cotabato Chapter ang pamimigay ng food packs sa mga drought victims ng Koronadal noong Lunes. Ipinatutupad ng Department of Education o Deped 12 ang mas mahigpit na panuntunan sa paghahanda ng pagkain ng mga delegado sa Palarong Pambansa sa Legaspi City, Albay.
Layon nito na maiwasan ang food poisoning.
Nagtalaga ang SOCCKSARGEN Athletic Association o SRAA ng 25 katao para mamahala sa mess hall ng rehiyon.
Maliban sa mga guro na naghahanda ng pagkain ng mga delegado, kumuha rin ng anim na mga dish washers ang DepEd.
Ayon kay Mess Supervisor Gilda Orendain, hindi biro ang paghahanda ng pagkain sa mahigit 700 katao.
Ipinahayag ni Orendain na maliban sa mga SRAA delegates, kailangang ding pakainin ng kanilang komite ang mga bisita, drivers at security personnel.
Para sa mas maayos na pamamahala sa mess hall, tatlong komite ang binuo, kabilang ang cook, server at dishwasher.
Ipinatutupad din sa mess hall ng rehiyon dose ang No Pork Policy”.
May sinusunod ding meal plan ang mga nutritionist at dietician ng region 12 upang matiyak ang tamang nutrisyon sa mga alteta. Nakapagbigay ng unang gintong medalya sa SOCCSKSARGEN Region sa ginaganap ngayong Palarong Pambansa sa Legaspi City Albay, ang tatlong Taekwondo Players ng rehiyon.
Nagpamalas ng kakaibang galing sa synchoronized stance o sabay sabay na tindig ang mga Taekwondo jins na sina Sidh Luther Mamasabulod, Jan Benedict Carteciano at Franz Joule Bumatay.
Tinalo ng mga ito ang 17 rehiyon sa bansa.
Ayon sa Grade 5 pupil ng Sero Elementary School sa Cotabato City na si Mamasabulod, ikinatuwa niya ang pagsungkit ng gintong medalya sa unang beses pa lamang na pagsabak sa palarong pambansa.
Ayon maman sa Coach ng mga ito na si Nelma Laguman, ang tagumpay ng mga taekwondo players ng rehiyon ay bunga ng kanilang maigting na pagsasanay.
Tulad ng kanyang ipinangako, sinabi ni DepEd 12 Regional Director Arturo Bayucot na ang mga Palaro medalist ng region 12 ay makatatanggap ng cash incentive.
Ipinahayag naman ni Bumatay na ibibili nito ng bagong gadget ang bahagi ng incentive na makukuha habang ang iba naman ay kanyang itatago.
Si Bumatay na incoming grade 7 sa Notre Dame of Surallah sa South Cotabato ay nakasungkit din ng silver medal sa Pomsae.
Ayon naman taga Koronadal City at mag-Grade 7 na si Carteciano, ibibigay nito sa kanyang mga magulang ang insintibong makukuha sa DepEd at City Government.
Ang mga babaeng Takewondo players naman ng region 12 na binubuo nina Donna Mae Tambanillo at Honey Gold De Asis ng South Cotabato at Jedidiah Reigh Lim ng General Santos City ay nakasungkit ng silver medal.
Habang si Carl Gonzales na naglaro sa Individual Category A boys elementary ng Taekwondo ay nakakuha ng Bronze medal.
Nakasungkit din ng Bronze medal sina Carl Adrian Gonzales, at Joanne Pauline Jubelag sa Taekwondo mixed pair Secondary.
Ayon naman kay Haydee Templonueve ng Provincial Informtion office, makakaasa pa ng dagdag na medalya sa palarong pambansa ang region 12 sa iba pang mga events.
Itinuturing na power house sa palarong pambansa ang region 12 sa boxing, athletics at swimming.
Sarado pa rin sa mga trekker ang Mt.Matutum sa Tupi, South Cotabato.
Ito ay sa kabila ng pag apula ng apoy sa pinakahuling sunog na naganap sa isa pang sitio ng Datal Ngisi sa barangay Kablon, Tupi,
Ayon kay Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Action Officer Emil Sumagaysay, layon nito na di malagay sa peligro ang buhay ng mga trekker.
Sinabi ni Sumagaysay na iniiwasan din ng lokal na pamahalaan ang muling pagsiklab ng sunog sa bundok.
Ipinahayag ni Sumagaysay na ang pansamantalang pagbabawal ng mga trekker sa Mt. Matutum ay ipinagutos mismo ni Tupi Mayor Reynaldo Tama.
Kung nanatili pa ring bawal sa trekker ang Mt. Matutum, muli namang binuksan sa mga turista ang Lake Holon sa bayan ng T’boli.
Gayunpaman ayon kay T’boli Mayor Dibu Tuan mariing ipinatutupad ang mga panuntunan paakyat ng lawa, tulad na lamang ng pagdadala ng sigrilyo sa lugar.
Ito ay matapos salantain ng grass fire ang may sampung ektaryang lupain malapit sa outlet ng lawa noong nakaraang linggo. Ramdam na rin ng mga fruit growers sa Koronadal City ang matinding epekto ng El Nino Phenomenon.
Ayon kay City Agriculturist Emelita Migyuel, dahil sa dry spell, unti unti nang nalalanta ang mga pananim na prutas sa lungsod.
Pinaka-apektado ng tagtuyot ayon kay Miguel ang mga prutas na may adventitious roots o mababaw lamang ang ugat.
Ayon kay Miguel dahil sa tagtuyo’t, inaasahan ang pagbaba sa produksyon ng lanzones, durian, magosteen at rambutan sa Koronadal City.
Inihayag din nito na may mga Lanzones na kahit na matagal nang itinamin at namunga ay unti untin na ring namamatay dahil sa dry spell sa Koronadal city.
Ayon sa City Agriculturist, maari lamang makapag-survive sakali mang tumagal ang dry spell ang mga punong mangga.
Plano naman ng City agriculture office na magbigay ng tree seedlings sa mga apektadong fruit growers na biktima ng El Nino sa Koronadal. PIRMADO
na ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na naglalayong payagan ang mga guro
na mamili kung sila ay magseserbisyo bilang mga Board of Election Inspectors sa
araw ng halalan.

Sa
ilalim ng bagong batas na Election
Service Reform Act, papayagan na rin na kumuha ng mga sibilyan na hahalili sa
puwesto ng mga guro bilang mga BEIs sakaling ilan sa mga ito ay magdedesisyon
na hindi na itutuloy ang pagsisilbi sa halalan.

Itinakda
na rin sa P6,000 ang honorarium na matatanggap ng mga gurong magsisilbing
chairperson, mula sa dating P3,000 pesos natatanggap ng mga ito.

Ang
ibang miyembro naman ng BEI ay tatanggap ng P5,000 pesos kada isa.

Ayon
naman kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro, nakikita nilang maganda ang maidudulot
ng naturang panukala lalo na't pinangangalagaan nito ang kapakanan at
kaligtasan ng mga guro.

Onsehan sa Droga ang sinusundang anggulo ngayon ng Kabacan PNP sa motibo sa pamamaril sa isang negosyante sa Purok Chrislam, brgy. Poblacion Kabacan North Cotabato noong nakaraang araw.Kinilala ni Sr.Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Cristobal Campugan Bangue na taga Quezon Boulevard, Kidapawan City.Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nakipagtransakayon pa ang biktima sa nabanggit na lugar sakay ang kanyang motorsiklo pero bigla na lamang itong pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek.Tama sa dibdib ang tinamo ng biktima na naging dahilan naman ng kanyang agarang kamatayan.Mabilis rin tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima patungong Sitio Lote, brgy. Kayaga, Kabacan.Ang insidente ay patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP. Tinatayang aabot sa dalawang daang libong piso ang naging danyos nang tupukin ng apoy ang isang bahay sa Purok Señorita, Brgy. Saguing Makilala North Cotabato noong nakaraang araw.Ang nabanggit na bahay ay pagmamay-ari ng isang Sahid Amerkan.Sa report ng BFP Makilala dahil may kalayuan ang nabanggit na insidente sa Makilala BFP station umabot pa ng ilang minuto bago sila nakarating sa area.Pagdating nila doon ay nasa 90 porsyento na ang nilamon ng apoy.Halos isang oras rin lumipas bago tuluyang naapula ang naturang sunog.Hanggang sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang posibleng pinagmulan ng apoy.Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang BFP sa publiko na panatilihing naka off ang mga appliances bago umalis ng bahay siguraduhin ring wala nang naiwang baga sa kusina lalo na't walang tao ang bahay.Nabatid na mula Enero hanggang Marso ay kabi-kabila rin ang nangyayaring sunog sa North Cotabato kabilang na rito ang mga kaso ng grass fire at forest fire kung saan kabilang na rito ang nasunog na bahagi ng Mt. Apo sa North Cotabato area. Patay ang isang panadero habang sugatan naman ang backrider nito nang masangkot sila sa Vehicular Accident sa Purok 3, brgy. Concepcion, Makilala North Cotabato pasado alas otso ng umaga kahapon.Kinilala ang namatay na si Hopkinson Certifico Ligan na taga Linda Village Almendras Poblacion, Padada, Davao del Sur habang kinilala naman ang angkas nito na nasugatan na si Diosdado Obut Alasan, 56-anyos, isang church minister na taga 227 BURGUS ST. Padada Davao del Sur.Lumabas sa imbestigasyon ng Makilala PNP Traffic Division na sakay ang mga biktima sa isang unit ng Honda XRM na may license plate LA 868 mula Padada Davao del Sur patungong Mlang area pero pagdating nito brgy. Concepcion area ay nag overtake ito at naalanganin dahilan para mawalan ng control ang driver at bumanga sila sa road railing na dumretso naman sa creek na bahagi ng lugar.Nagtamo ng maraming pasa at sugat si Ligan na nagresulta naman sa kanyang kamatayan habang naisugod pa sa pagamutan ang backrider nitong si Alasan.Halos di naman maitsura ang motorsiklo ng mga biktima na ngayon ay nasa kustodiya ng Makilala PNP. Emosyonal kahapon ang 27 mga kababaihang naaresto kasabay sa isinagawang clearing operation ng PNP sa Kidapawan City Highway matapos silang isakay at inilipat sa Cotabato District Jail.Sa naturang bilang tatlo rito buntis habang tatlo rin ang senior Citizens.Karamihan sa kanila ay mga taga Arakan at Magpet, North Cotabato.Sinabi ni Atty. Orlando Danyo ang Chief ng Public Attorney's Office Kidapawan, pansamantala munang mananatili sa District Jail ang mga nahuling raliyesta habang pinoproseso ang kanilang piyansa o ang Motion to reduce bail ngayong araw.Pinaintindi rin ni Danyo sa kanila na pwede rin silang maghain ng bargaining plea sa korte kung saan mas mababa ang pyansa nito na aabot lamang mula 10 pesos hanggang 100 pesos.Pero sa kabila nito hindi naman nagpakita ng interes ang ni isa sa kanila dahil anila wala silang kasalanan at mga biktima lamang sila sa nasabing pangyayari.Maari din kasi silang magkaproblema sa susunod na pagkakataon lalo na kung kukuha sila ng NBI clearance dahil lalabas doon na convicted sila at inamin ang kanilang kasalanan.Sa kabila nito Umaasa ngayon ang mga raliyesta na papakinggan ng korte ang kanilang hiling na babaan ang piyansa nila hanggang dalawang libong piso para sa kasong direct assault na kanilang kinakaharap.NDBC BIDA BALITA

Former Sen. Rene Saguisag dies

MANILA — Former Sen. Rene Saguisag, a human rights lawyer and defender, has died Wednesday morning, his lawyer son, Rebo Saguisag, announced on...

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...