Saturday May, 25 2024 02:03:01 PM

NDBC BIDA BALITA (April 15, 2016)

 • 00:43 AM Sat Apr 16, 2016
661
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 15, 2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DRUG DEN sa Cotabato City, pinasok
ng PDEA-ARMM Abot sa 15 indibidwal arestado

2. Sampu sa halos isang daang raliyesta
na naaresto ng PNP sa Kidapawan City Dispersal, nakalabas na ng kulungan

3. SPES Benefeciary sa South Cotabato
di dapat gamitin sa Pulitika

4. Kilo-kilong tilapia, namatay sa Lake Sebu dahil sa El Nino 0KASALUKUYANG sumasailalaim ngayon sa
imbestigasyon at drug testing ang abot sa 13 mga indibidwal kabilang ang
magasawa matapos mahuli ng Philippine drug enforcement agency o PDEA-ARMM sa
loob ng isang drug den sa Manday Bridge, Washington area, Jose lim St.
Poblacion 6, Cotabato City, pasado alas-10 kagabi.

Sa inisyal na report ng PDEA-ARMM,
nagsagawa muna sila nang buy-bust operation bago nila tuluyang lusubin ang
matagal na nilang minomonitor na pinaniniwalaang drug den at kinokonsiderang
hotspot sa lungsod.

Nabatid na ang magasawang naaresto ay
nagmamayari ng isang sari-sari store, na sinasabing front lamang upang matakpan
ang kanilang illegal na gawain.

Narekober naman sa area ang ilang
pakete ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Tumanggi naman ang ahensya na
pangalanan ang mga naaresto hanggang matapos ang ginagawang drug testing para
ma-validate ang posibleng paglabag ng mga ito sa RA 9165 o comprehensive
dangerous drugs act of 2002.

Aminado naman si Poblacion 6 Kagawad
Karim Abo na matagal na nilang alam na may gumagamit na illegal na droga sa
naturang target area pero hindi lamang nila matukoy kung sino ang nagpapasimuno
nito.

Naniniwala si Abo na sa talamak na
paggamit ng illegal na droga sa Cotabato City at ibang karatig lugar, mainam na
paigtingin ng PDEA-ARMM ang paghuli sa mga sangkot rito lalo na ang mga
kabataan na nabibiktima nito.

DAHIL sa
insidente nang kidnapping ng Abu Sayyaf Group o ASG sa ilang mga Malaysian
Nationals, IPINASARA ng MALAYSIAN GOVERNMENT ang Sabah border para sa mga taga-TAWI-TAWI.

Sa
isinagawang pagpupulong kahapon sa Bajau Hall, ARMM-ORG Compound sa Cotabato
City, Kinumpirma ni ARMM executive secretary Atty. Laisa Alamia na dahil sa
insidente, apektado ang mga negosyanteng matagal nang namumuhunan sa barter
trading sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas.

Kung saan
noong nakaraang linggo lang ay hinarang na nang mga otoridad ng Malaysia ang
mga ito.

Ang lalawigan
ng Tawi-tawi, ang isa sa limang probinsya ng ARMM na pinakamalapit sa Sabah.

Ayon kay
Alamia, personal na tinungo ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang Malacanang upang
mapagusapan ang naturang isyu, lalo na't isa nang national issue ang ginagawang
pangingidnap ng ASG.

Patuloy naman
ang ginagawang negosasyon sa pagitan ng ARMM at Malaysian Government upang
muling mabuksan ang SABAH upang maibalik ang barter trade sa rehiyon.

Nabatid na
noong April 2 lang nang kidnappin ng ASG na sakay sa isang speedboat ang apat
na Malaysian Nationals na nakasakay sa isang barko mula Sabah.

Mariin namang
Kinondena ng Malaysian Government ang naturang insidente.

PINAIIGTING
ng Autonomous region in muslim mindanao o ARMM Regional Human rights commission
ang kanilang adbokasiya at pagpapalawak sa Bangsamoro human rights network o
BHRN.

Ito ay
pakikipagugnayan sa abot sa isang daan na iba't ibang ahensya sa bansa na
nagbigay ng kanilang commitment para mas isulong ang karapatang pantao sa buong
ARMM.

Kaugnay nito,
tiniyak ni ARMM human rights commission chairperson Atty. Abdul Nasser Badrudin
na sa pamamagitan ng BHRN mas matututukan ang mga isyu at reklamo ng mga
napagkakaitan ng kanilang karapatan lalo na ang mga ordinaryong mamamayan.

Binigyang
diin ni Badrudin na bukas sila sa lahat ng mga reklamo, suhestiyon at mga
hinaing ng bawat mamamayan ng ARMM na may isyu sa karapatang pantao. Aminado naman
si Badrudin na kasalukuyan pa nilang dini-develop ang kanilang malalimang
pagiimbestiga sa lahat ng kanilang hinahawakang mga kaso para sa procedural at
sustainable na resulta nito.

PATULOY pang
inaalam ng Sultan Kudarat, Maguindanao PNP kung sino ang nasa likod nang
pamamaril sa isang lalake na kinilalang si Alka Macarapen Datusapadas,
53-anyos, Government employee at residente ng Brgy. Ibotigen, Sultan Kudarat.

Sa report,
pasado alas-11 ng umaga kahapon nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga
suspek ang biktima habang nakasakay ito sa kanyang kulay pula na Yamaha STX
single motorcycle na license plate 7155-MP, sakay ang kanyang misis na si Lorna
Datusapadas.

Base sa
salaysay ng asawa ng biktima, patungo sana sila ng Cotabato City nang biglang
dumikit sa kanila ang isang motorsiklo na minamaneho ng mga suspek at agad na
pinagbabaril ang kanyang mister habang nasa kahabaan sila ng
Cotabato-Lanao-Davao National road sa Sitio Sandakan, Brgy. Dalumangcob nang
nasabing bayan.

Agad namang
isinugod sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa
kanyang kamay na ngayo'y nagpapagaling pa.

Personal
grudge naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa naturang pamamaril.

DUMULOG sa
himpilan ng Police station number 1 ang isang lalake matapos umano siyang
magtamo ng sugat dahil sa isang ligaw na bala sa lungsod ng cotabato.

Kinilala ang
lalake na si Abdillah Ahmad Nul Jr. 20 years old at isang estudyante na taga
Shariff Kabunsuan

RH 3 ng
lungsod.

Ayon sa
salaysay ng binata, alas onse ng umaga kahapon, Habang minamaneho niya ang
kanyang kulay gray na Toyata Fortuner sa may bahagi ng Tamse Road corner donya
teresa street ng lungsod ay bigla na lamang siyang nakarinig na alingawngaw
mula sa di pa matukoy na uri ng baril at tinamaan ang windshield ng kanyang
sasakyan.

Nabasag ang
bintana ng sasakyan ng biktima dahilan upang magtamo siya ng sugat sa kanyang
kanang pisngi.

Sa ngayon
Patuloy ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoredad sa naturang insedente.

Pinalaya na alas syete kagabi ang sampu sa halos isang daang raliyesta na naaresto ng PNP matapos ang pagbuwag sa isinagawang kilos protesta sa Kidapawan City Highway noong April 1.Ito ay ayon naman sa impormasyon na ibinahagi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP.Nakalabas ang mga magsasaka sa kulungan sa tulong na rin ng Human Rights Defenders mula sa NUPL, UPLM at Karapatan.Ala una naman ng hapon mamaya ay magsasagawa ng isang presconferrence ang mga progresibong grupo at ihaharap din ang sampung mga nakalabas ng kulungan.Dito sasagutin ang iba pang katanungan kaugnay sa nasabing issue.Samantala nanatili naman ang iba pang magsasaka sa kulungan dahil marami pa umanong mga dokumento ang aayusin.Karamihan kasi sa mga nakulong ay walang mga identification card kaya naman magiging Bans Men o garantor sina Ptr. Ernesto at Father Peter Geremiah bilang pagpapatunay na silamismo ang mga nakasulat na pangalan sa listahan.Malaki naman ang pasasalamat ng mga magsasaka dahil sa tulong na ipinaabot sa kanila sa pamamagitan ng cash bilang pang piyansa nina Aiza Seguera, Robin Padilla, Vice Ganda, Anne Curtis at ibang mga pribadong indibidwal at grupo.Una rito pinaboran ng Municipal Trial Court in the City ang hiling ng mga magsasaka na babaan ang kanilang piyansa.Kaya naman mula 12 thousand pesos magiging 6 thousand pesos na lamang ang bail ng bawat magsasaka. Nangako ngayon ng suporta ang Transport sector sa Kidapawan City LGU na tutulong para muling ibalik ang magandang imahe ng lungsod.Kaugnay nito maglulunsad ng aktibidad ang Federation of Kidapwan Integrated Tricycle's Association para rito sa pamamagitan ng isang motorcade.Matatandaang naging sentro ang Kidapawan City sa mainit na pambabatikos, kritisismo mula sa ibang lugar sa Pilipinas pati na sa mundo ng Social Media matapos ang madugong dispersal noong April 1.Nabatid na isa rin ang Transport sector na napektuhan sa ginawang pagbarikada ng mga raliyesta ng ilang araw sa Kidapwan City Highway.Imbes na kakarampot lamang umano ang kanilang kita sa buong araw ay nabawasan pa ito dahil limitado na lamang ang mga pasahero na bumabyeng Kidapawan.Pero batid ng Kidapawenyos na tunay na pangyayari.Una na ring ipinahayag ni Kidapawan City Mayor Joseph na tama lamang ang nagyaring pagbuwag ng mga otoridad sa naturangrally lalo pat hindi naman mga taga Kidapawan ang mga raliyesta subalit mga taga Kidapawan naman ang nagdurusa at nagsakripisyu sa kanilang ginawa.Bilang alklade ng lungsod, tungkulin niyang unahin ang kalagayan, interes, at kaligtasan ng kanynag mga nasasakupan. Handa na ang Muinicpal Disaster Risk Reduction and Management COuncil o MDRRMC ng Mlang North Cotabato para sa ikalawang bugso ng relief operation para sa mga pamilyang naapektuhan ng El Niño Phenomenon.Sinabi ni MDRRM officer Noynoy Diazon nasa 17 libong mga pamilya na ang unang nakatanggap ng tig-aapat na kilo ng bigas mula sa LGU.Sila rin ang magiging benipisyaryo sa dalwang libong sakong bigas na ipapamahagi ng Department of Social Wlefare and Development DSWD 12 at nang Cotabato Provincial Government anumang araw mula ngayon.Ayon pa kay Diazon, nasa kustodiya na nila ang 250 sakong bigas mula sa DSWD at masusumdan pa ito sa susunod na mga araw.Target ng DSWD na mabibigyan ng anim na kilo ng bigas ang bawat pamilya.Sa tala ng MDRRMC, umabot na sa 246 million pesos ang naging danyos ng El Niño sa agricultural crops sa bayan ng Mlang at posible pa umano itong madagdagan.Ang ikalawang bugso ng Relief Operation ay gagawin sa pamamagitan ng mga kawani ng Phili Red Cross. Patong patong ngayon ang aplikasyon ng mga LGU sa North Cotabato sa Philippine Red Cross o PRC -Kidapawan City Chapter para sa mga gagawing nilang relief operation.Sinabi ni PRC Technical Staff Bryan Villamor, clearance na lamang ang hinihintay ng mga LGU mula sa COMELEC Regional Office para masimula na ang nabangit na distribusyon.Sa ngayon Makilala LGU pa lamang ang nabigyan ng pahintulot ng COMELEC kaya naman nakapagsagawa na sila ng rice distribution sa mga barangay ng bayan.Habang hinihintay naman ang approval ng Kidapawan City LGU at sa mga bayan ng Antipas, Arakan, Tulunan, Mlang Banisilan, at Matalam LGU.Nabatid na mahigpit ngayon ipinapatupad ng COMELEC ang probisyon ng Omnibus Election code at kinakilangang idaan sa Philippine Red Cross ang mga tulong ng bawat LGU na ipapaabot sa mga residente.Layunin nito na maiwasan ang nabanggit na operasyon na magamit sa pamumulitika. Kulungan ang bagsak ng isang driver nang makuhanan ito ng baril sa Kidapawan City pasado alas nuebe kagabi.Kinilala ang suspek na si Lorenzo Andagkit Butas, 30 anyos na taga brgy. Kalaisan, Kidapawan.Nahuli si Butas habang nagsasagawa ng Oplan Kapkap Bakal ang City PNP partikular sa Quezon Bouleverd bilang bahagi sa kanilang mas pinaigting na kampanya kontra kriminal ng lungsod. Habang papatawid ng kalsada si Butas ay doon na siya napansin ng mga otoridad na may kaduda dudang kilos.Nakuha mula sa suspek ang isang caliber 45 pistol, isang magazine na may pitong bala.Nakakulong na ngayon ang suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.NDBC BIDA BALITA Binigyan diin ni South Cotabato Public Employment Service Office o PESO Manager Alex Basco na hindi maaring gamitin sa pamumulitika ang mga benipisyaryo ng Special Education for Students o SPES.
Ayon kay Basco mariing ipinagbabawal sa mga SPES beneficiary na magkabit ng poster o campaign paraphernalia at sumama sa mga campaign rally.
Sa halip ayon kay Basco ang mga SPES grantees ay magtatrabaho sa iba’t ibang departamento ng provincial government.
Ito ang ipinihayag ni Basco kasabay ng pagsisimula na ng trabaho ng mga SPES beneficiary ng lalawigan.
Ayon kay Basco ang unang batch sa 400 na SPES grantees ng South Cotabato ay nagtrabaho simula noong April 11 habang ang pangalawang batch naman ay sa May 23.
Ang mga ito ay magtatrabaho sa loob ng tig 20 araw.
Ang SPES ay programa na nagbibigay ng trabaho sa mga estudyante at mga out of school youth na papasok sa susunod na school year ..
Ito ay magkatuwang na itinataguyod ng pamahalaang lokal at Department of Labor and Employment o DOLE. Magtatapos sa kursong Bachelor of Science in Elementary Eduction ang 42 na mga indigenous people o IP sa lalawigan ng Sarangani .
Ang mga ito ay pawang mga benipsiyaryo ng Special Tertiary Extension Service for Indigenous People ng Sarangani Provincial Government at Mindanao State University sa General Santos City.
Ang anim na taon na special education program ay laan para sa mga IP sa na nais maging guro.Ipinatupad ito simula noong 2009.
Ayon kay Program Coordinator Glenda Revano, layon ng programa na matugunan ang kakulangan ng mga guro sa mga IP Communities ng Saranggani.
Ang MSU Gensan ay nagtalaga naman ng mga instructor na magtuturo sa mga IP Scholars.
Ang kanilang klase ay isinasagawa sa Malandag Elementary School sa bayan ng Malungon kada Myerkules, Sabado, at Linggo.
Ipinahayag ni Revano na 23 sa kanilang mga graduate ay mga licensed na at mayroong plantilla positions sa Department of Education.
Ang Tertiary Extension Service Program ayon kay Revano ay bahagi ng Paaral para sa Sarangan o PPSS Scholarship program ng lokal na pamahalaan ng Sarangani.
Ayon naman sa graduating student na si Elizabeth Libuada, nakatulong ang programa hindi lamang sa kanyang pamilya kungdi maging sa kanilang mga kapwa IPs.
Sinabi ni Libuada na dahil sa programa ang mga IPs sa kanilang lugar ay nagkaroon ng dagdag na kumpyansa sa sarili at sense of belongingness” sa komunidad. 0Nakapagtala ng running time record na 10.74 seconds sa 100 meter dash event secondary catergory ng Palarong Pambansa na ginaganap ngayon sa Legaspi City, Albay si Feberoy Kasi ng bayan ng T’boli, South Cotabato.
Sapat na ang bilis na ito ni Kasi para malagpasan ang record na 10.8 seconds na naitala ni Jomar Udtohan ng National Capital Region sa Palarong Pambansa sa Laguna noong 2014.
Ito ay ayon kay Analiz Cabrido ng provincial information office ng South Cotabato.
Hindi naman makapaniwala ang anak ng habal habal driver na katatapos lamang ng Junior High School na nabuwag nito ang palaro record.
Ipinahayag ni Kasi na sa kabila ng pamamaga at injury nito sa paa, hindi siya pinaghinaan ng loob at nagpursige pa rin para manalo.
Ayon kay Kasi, ang pagkuha nito ng kauna unahang gold medal sa individual event ay perfect timing sa kanyang huling pagtakbo sa Palarong Pambansa.
Matatandaan na si Kasi ay nakasungkit din ng gintong medalya sa 4x400 meter relay ng Palarong Pambansa sa Tagum City noong nakaraang taon.
Dagdagan ang honorarium ng mga mga Barangay Health Workers o BHW sa Koronadal City.
Ito ay ayon kay City Mayor Peter Miguel.
Ayon sa alkalde dahil sa bigat ng kanilang responsibilidad bilang mga frontliners sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan dapat na madagdagan din ang honorarium ng mga BHWs.
Ayon kay Miguel hindi kasi biro ang ginagawang pagiikot at pagpunta ng mga ito sa mga bahay para matiyak ang kalusugan ng mga mamamayan.
Gayunpaman hindi pa tiyak kung magkano ang madadagdag sa P3,000 honorium ng mg BHW sa Koronadal City.
Ipinahayag ni Miguel na bibigyan din ng city government ng Philhealth card ang mga BHW ng Koronadal na hindi pa enrolled sa Philhealth.
Isinasailalim ngayon sa limang araw na pagsasanay hinggil sa iba’t ibng programang pangkalusugan ng DOH ang 40 BHW sa Koronadal.
Layon nito na lalo pang maipaliwag sa mga BHWs ang kanilang mga responsiblidad upang lalo pang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga nangangailangan. Pinagaaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Lake Sebu ang tulong na ibibigay sa mga fish cage operator na apektado ng kamahong noong mga nakaraan buwan.
Ayon kay Lake Sebu Mayor Antonio Fungan, abot sa 800 kilos ng tilapia ang namatay dahil sa kamahong sa Lake Seloton.
Nasundan pa ang kamahong noong huling linggo ng Marso kung kelan namatay ang may 8,000 kilo naman ng Tilapia.
Sinabi ni Fungan na ang fish kill ay bunsod na rin ng biglaang pagbago ng temperatura nang umulan sa lugar matapos ang mahabang tagtuyo’t
Apektado ng fish kill ayon kay Fungan ang 14 na fish cage operator s Lake Seloton.
Ipinahayag ng alkalde na ito ang kauna unahang fish kill sa Lake Seloton,isa sa mga lawa na matatagpuan sa bayan ng Lake Sebu.
Nilinaw naman ni South Cotabato Provincial Agriculture Officer Justina Naverete na walang epekto sa supply ng Tilapia sa Lake Sebu ang fish kill.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...