Wednesday Apr, 24 2024 11:01:01 AM

NDBC BIDA BALITA (April 16, 2016)

Local News • 18:10 PM Sat Apr 16, 2016
1,381
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

APRIL 16,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KASO ng pamamaril sa Brgy. Treasurer
ng Brgy. Ibutegen, Sultan Kudarat, Maguindanao patuloy na iniimbestigahan

2. WALO katao na naaresto ng PDEA-ARMM
sa loob ng isang drug den sa Cotabato City, sasampahan ng kaso

3. Sarangani Provincial Government
Employees tatanggap ng mas mataas na hospital benefit

BLANKO pa rin ang Sultan Kudarat
Maguindanao PNP kung sino ang nasa likod nang pamamaril sa Brgy. Treasurer ng
Brgy. Ibutigen, Sultan Kudarat kamakalawa ng umaga sa kahabaan ng
Cotabato-Lanao-Davao National road sa Sitio Sandakan, Brgy. Dalumangcob nang
nasabing bayan.

Sugatan ang biktima na kinilalang si
Alka Macarapen Datusapadas, 53-anyos, residente ng Brgy. Ibotigen.

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilang mga
suspek ang biktima habang nakasakay ito sa kanyang kulay pula na Yamaha STX
single motorcycle na license plate 7155-MP, sakay ang kanyang misis na si Lorna
Datusapadas.

Base sa salaysay ng asawa ng biktima,
patungo sana sila ng Cotabato City nang biglang dumikit sa kanila ang isang
motorsiklo na minamaneho ng mga suspek at agad na pinagbabaril ang kanyang
mister.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang
biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang kamay, dahilan upang
maputol ang isang daliri nito.

Personal grudge naman ang nakikitang
motibo ng mga otoridad sa naturang pamamaril.

Patuloy naman ang isinasagawang
imbestigasyon ng Sultan Kudarat Municipal police station sa naturang kaso.

SA KABILANG DAKO, NAKATAKDANG SAMPAHAN
ng kasong paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of
2002 ang walo sa labin-tatlong mga suspek na naaresto sa isinagawang buy-bust
operation at pagpasok sa isang drug den ng Philippine drug enforcement agency o
PDEA-ARMM sa Manday Bridge, Washington area, Jose lim St. Poblacion 6, Cotabato
City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PDEA-ARMM Operations Chief
Marvin Mendoza, nagpositibo ang walong hindi pa pinangalanang indibidwal sa
isinagawang drug testing ng PDEA-ARMM.

Sinabi ni Mendoza na bagama’t pinalaya
nila ang limang iba pa na nag negatibo sa drug testing, maoobliga paring
magpaliwanag ang mga ito sa korte kung bakit naroon sila sa loob ng drug den
kung sakaling umusad ang kasong isasampa laban sa kanila.

Naaresto ang mga suspek sa likurang
bahagi ng sari-sari store na sinasabing front lamang ng magasawa na kabilang sa
mga naaresto upang matakpan ang kanilang mga illegal na gawain.

Nakuha mula sa mga ito ang ilang pakete
ng pinaniniwalaang shabu, drug paraphernalia at marked money. 0IKINAGALAK ng
Department of Environment and Natural Resources Autonomous Region in Muslim
Mindanao o DENR ang pagsunod ng mga kandidato at supporters nito na bawal
magkabit ng election paraphernalia sa mga punong kahoy gamit ang pako.

Ayon kay
DENR-ARMM Secretary Hadji Kahal Kedtag nadiskubre ng kanilang ahensya na walang
punong kahoy sa nasabing distrito ang nakitaan nila ng anumang posters na may
pako.

Naniniwala
naman si Kedtag na resulta ito ng kanilang pinaigting na kampanya at panawagan
sa pamamagitan ng Media at personal na pakikipag-usap sa mga pulitiko na
iwasang magkabit ng poster sa puno dahil hindi ito kabilang sa deklaradong
common poster area ng Comission on Elections.

Binigyang
diin ni Kedtag na ang mga puno ay may buhay kung kaya't ipinagbabawal ang
pagpako, pagputol, at pagsunog sa mga ito.

Kasalukuyan
namang nililibot ng DENR-ARMM ang first district ng Maguindanao upang malaman
rin kung may mga

pulitikong
gumamit sa mga punong kahoy para lagyan ng kanilang mga election propaganda.

Pati na rin
sa lalawigan ng Lanao del Sur at Island provinces na kinabibilangan ng Basilan,
Sulu at Tawi-Tawi ay mahigpit na ring binabantayan ng DENR.

Anumang araw
mula ngayon ay ikakasa ng environment department at COMELEC ang Oplan Baklas na
layuning tanggalin ang mga election campaign materials na ipinaskil sa labas ng
common poster area. BUMISITA
si PNP Chief Ricardo Marquez sa Provincial Headquarters ng Maguindanao PNP sa
bayan ng Sharif Aguak sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito ay
upang makipagpulong sa matataas na opisyal ng PNP, kasama si Maguindanao
Provincial Director PS Supt. Nickson Mucsan pati na rin ang militar upang
talakayin ang kasalukuyang estado ng lalawigan ng Maguindanao na isa sa
tinututukang lugar ng Police regional office-ARMM.

Nabatid
na isang joint security preparation meeting ang kanilang ginawa kasama sina 6th
ID Commanding General Edmundo Pangilinan, Gen. Arnel dela Vega at ilan pang mga
matataas na opisyal ng militar.

Nais
ni Gen. Marquez na maidaos ng maayos at mapayapa ang halalan ngayong May 9,
2016 National at Local election.

Taong
1973 pa nang huling tunguhin ng isang pinakamataas na opisyal ng PNP ang
Maguindanao Provincial Police Office. AMINADO
ang Malacañang na may gap o mga hindi pa naipaparating na ayuda ang gobyerno
para sa mga apektado ng El nino phenomenon sa bansa.

Pero
mariing pinabulaanan ng pamahalaan na wala silang laban sa lumalawak na epekto
ng El Niño phenomenon lalo na sa mga magsasaka.

Kung
saan ilang insidente na nang fishkill sa mga palaisdaan at pagkamatay ng mga
pananim dahil sa sobrang init at tagtuyot ang naitala sa iba't ibang panig ng
bansa.

Giit
ni Communications Sec. Sonny Coloma, masinsinan ang pagtutok ng gobyerno
partikular ng El Niño Task Force upang maibsan ang epekto ng tagtuyot.

Ayon
pa kay Coloma, sapat ang supply o pondong inilaan ng Department of Budget and
Management sa mitigating programs para sa mga magsasaka.

Pinagtutuunan
naman ngayon nang pansin ng task force ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan
laban sa epekto ng El nino

upang
matiyak na walang mapag-iwanan at lahat ay maabutan ng tulong.

MULING
NAGPAALALA ang Philippine Overseas Employment Administartion o POEA sa mga
mag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga nag-aalok ng trabaho
online.

Ayon
kay POEA deputy administrator Atty. Jeriel Domingo, naglipana ngayon ang mga
nag-aalok ng trabaho sa mga five star hotels sa Canada gamit ang social media
lalo na sa mga dumidirekta sa e-mails.

Giit
ni Dominggo hindi dinadaan ng mga lehitimo at malalaking kumpanya sa internet
ang recruitment at lagi itong nakaabiso sa POEA.

Nabatid
na maraming mga pekeng agencies, illegal recruiters at scammers ang
nag-aanunsiyo ng job vacancies gamit ang internet kung saan ay humihingi ang
mga ito ng P1,500 hanggang P50,000 na pera kapalit ng inaalok na hindi
lihitimong trabaho.

Itinaas ng Saranggani Provincial Employees Union o SPEU ang coverage sa hospitalization kada sakit ng mga myembro nito mula P70,000 hanggang P100,000.
Ang kasunduan para sa naturang benipisyo ay nilagdaan sa pagitan nina SPEU President Anacleto Saya-ang at Maxicare Healthcare Corporation.
Ipinahayag ni Saya-ang na mahalaga ang insurance coverage para sa kanilang mga myembro sa panahon ng emergency.
Nabatid na ang mga kawani ng Sarangani Provincial Government na myembro ng union ay nabibigyan din ng cash incentive na P25,000 at P2,000 birthday gift.
Ito ay bilang kabahagi ng kanilang Collective Negotiation Agreement o CNA.
Ayon kay Saya-ang ang pondo para sa mga benipisyong ito ay kinuha mula sa savings dahil sa cost cutting measures ng pamahalaang panlalawigan. Apektado ng El Nino Phenomenon ang mahigit 54,000 pamilya sa South Cotabato.
Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Nelida Periera pinakamaraming drought victims na umabot sa 12,380 ay naitala sa 17 barangay sa bayan ng Surallah.
Apektado rin ng tagtuyo’t ang 9,438 pamilya sa Norala, 7,763 sa Polomolok, 6,601 sa Tantangan, 5,356 sa Sto. Nino, 3,852 sa T’boli at 3,338 sa bayan ng Lake Sebu.
Hihinintay pa ng PSWDO ang datus mula sa Koronadal City at mga bayan ng Tampakan at Tupi.
Ayon kay Philippine Red Cross o PRC South Cotabato Chapter Chairman Erwin Del Carmen, inaayos na nila ang schedule ng pamimigay ng tulong sa mga drought victims.
Ang PRC ay kasalukuyang namimigay ng food packs sa mga mamamayang apektado ng dry spell sa Koronadal city at Tantangan.
Inihahanda na rin ng pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato ang mga ipamimigay sa mga biktima ng dry spell sa South Cotabato.
Ito ay matapos isailalim sa State of Calamity ang buong lalawigan dahil sa El Nino Phenomenon. Nangangamba sa posibleng pagbaba ng supply ng bigas ang City Agriculture Office ng Koronadal.
Ayon kay Koronadal Agriculture Officer Emelita Miguel,halos wala nang maaning palay ang mga magsasaka ngayon.
Paliwanag nito hindi kasi nakapagtanim ang mga magsasaka dahil sa El Nino Phenomenon pagpasok pa lamang ng 2016.
Kinumpirma ni Miguel na ang tagtuyo’t ay nakaapekto sa mahigit 4.000 na mga magsasaka sa Koronadal City.
Karamihan sa mga ito ayon kay Miguel ay umaasa ng supply ng tubig sa mga natural spring sa bundok na natuyo na rin.
Sinabi din ng city agriculture officer na sapat lamang sa mga Barangay ng Sto.Nino at General Paulino Santos ang pakakawalang tubig ng National Irrigation Administration o NIA.
Umaasa naman si Miguel na darating na ang tatlong daang water pumps para maiphiram ng city government sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng dry spell.
Nauna nang tiniyak ng National Food Authority na sapat ang kanilang bigas.
Sinimulan ng ahensya ang pagbebenta ng mas murang bigas sa mga barangay noong nakaraang buwan. Kakatawan sa Pilipinas ang Elementary Baseball Team ng SOCCSKSRGEN Region sa Regional Little Legue Immediate Division Tournament for Asia.
Ang patimpalak ay gaganapin sa Clark, Pampangga sa July 17 hanggang 24.
Makakalaban ng SOCCSKSARGEN players ang mga koponan mula sa Guam, Japan, Korea at Hongkong.
Ito ay inanunsyo ni Philippine Sports Commission Commissioner Atty Luis Gomez, matapos masungkit ng mga baseball players ng region 12 ang gold medal sa Baseball Elementary ng Palarong Pambansa 2016 sa Legaspi City, Albay kahapon.
Ayon naman kay Analiz Cabrido ng Provincial Information office, nagpakitang gilas ang mga baseball players ng rehiyon laban sa Cagayan Valley Region sa score na 5-2.
Ito ang kauna unang pagkakataon na nakasungkit ng gold medal sa baseball elementary level ng Palarong Pambansa ang rehiyon.
Ayon kay Cabrido sampu sa mga manlalalaro ng Region 12 sa Elementary Baseball ay mula sa Sarangani habang dalawa naman mula sa South Cotabato. Magkakaroon ng voters information caravan ang Comission on Elections o Comelec South Cotabato simula sa Abril 18.
Ayon kay South Cotabato Election Supervisor Kendatu Laguialam,layon nito na maipaliwanag sa mga mamamayan ang mga nararpat gawin sa araw ng eleksyon.
Ipapakita ng comelec sa publiko ang tamang paggamit ng Vote count machine o VCM sa pamamgitan ng video presentation at pagsubok mismo dito.
Ayon kay Laguialam ang Voters Education Caravan ay gagawin sa mga bayan ng Polomolok, Tupi sa April 18 ng umaga at Tampakan naman sa hapon.
Magkakaroon din nito sa mga bayan ng Norala at Banga sa April 19 ng umaga at Surallah at Sto, Nino sa hapon.
Gagawin din ang Voters education caravan sa T’boli sa April 20 ng umaga , hapon naman sa Lake Sebu at sa April 21 ng umaga sa Tantangan at Koronadal City naman sa hapon.
Umaapela naman si Laguilam sa mga mamamayan na makiisa sa kanilang voters education caravan.
Ito ay bilang paghahanda na rin ng comelec sa isang maayos at maitwasay na halalan sa May 9.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...