Friday Apr, 19 2024 04:31:54 AM

NDBC BIDA BALITA (April 18, 2016)

 • 17:58 PM Mon Apr 18, 2016
880
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 18, 2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BISE-ALKALDE NG South Upi, Maguindanao na
tumatakbo bilang alkalde ng bayan, kumuha ng dagdag na security escort.

2. 15 libong sakong bigas na ipinangako ng Davao
City Government, inaasahan pa rin ng mga magsasaka sa North Cotabato

3.
Ancestral domain claim isinusulong ng mga IP sa Sarangani

4. Bigas para sa mga nagprotestang magsasaka sa Kidapawan, patuloy ang pagdating. KMU, nangangasiwa ng pamamahagi UMAASA SI South Upi vice-mayor at mayoralty
candidate Remegio Sioson na madadagdagan pa ang itinalagang security escort
niya mula sa PNP at Philippine Marines.

Ito ay matapos pasabugan ng Improvised Explosive
Device o IED ang kanyang sasakyan nang dumaan ito sa Barangay Pandan sa
nasabing bayan noong nakaraang linggo, araw ng Miyerkules.

Isa sa kanyang mga kasamahan ang nasugatan sa
insidente at napinsala din ang kanyang Mitsubishi Strada.

Ayon kay Sioson, patuloy pa rin ang kanyang
pangangampanya pero nagkaroon na ng mga adjustment sa kanyang schedule.

Aniya, sa ngayon ay lalo pa umanong lumakas ang
kanyang layuning makapagserbisyo sa mamamayan ng South Upi.

Ayaw naman munang kumpirmahin ni Sioson na may
kaugnayan sa politika ang pananambang sa kanya.

Naniniwala naman ang opisyal na kontrolado pa
rin ng security forces ang seguridad sa South Upi at umaasa itong maghihigpit
pa ang mga ito hanggang sa araw ng halalan.

PATULOY PANG INAALAM ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril sa isang habal-habal driver pasado alas tres ng hapon lahapon sa Saturn street, Zenaida subdivision, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato city. Kinilala ang biktima na si Bryan Gador Leyte, 22 anyos, residente ng San Isidro, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nanggaling ng South seas mall ang biktima at minamaneho ang kanyang motorsiklo kasama ang isang tomboy. Pagdating umano sa Zenaida subdivision ay pinara ang mga ito ng isang hindi pa nakikilalang suspek at biglang pinagbabaril nang maraming beses ang biktima gamit ang kalibre 45 na pistola. Agad tumakas ang suspek sakay ng kulay asul na Honda XRM ni Leyte papunta sa direksyon ng RH-7 kasama ang sakay na tomboy ng biktima na pinaniniwalaang kasabwat umano ng suspek. Patuloy namang nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang mukha TATANGGAP ang PITONG MILYONG Pinoy na nabubuhay sa P22 pesos kada araw o ang tinatawag na ultra-poor ng ayuda mula sa PhilHealth at International Care Ministries Foundation, Inc. o ICMFI sa larangan ng kalusugan. Sa kasunduang pinirmahan ng PhilHealth at ng ICMFI, bibigyan ng health insurance ang pinakamahihirap sa Visayas at Mindanao. Sa MOA, iniindorso ng PhilHealth at ICMFI ang pinakamahihirap sa Department of Social Welfare and Development o DSWD upang mapabilang sa National Household Targeting System for Poverty Reduction list na saklaw ng health program ng gobyerno. Sa susunod na buwan posibleng magsimula ang pagtungo ng mga ahensya sa mga target areas sa Visayas at Mindanao na kanilang aabutan ng ayuda. Local………………. ISA ANG SUMILAO farmers na naapektuhan ng matinding El nino phenomenon na nararanasan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Nolan Napenyas, ang Para-Legal Committee chairperson ng Panao-Sumilao Multi-purpose Cooperative, sa kanilang isinagawang Caravan papuntang Maynila, nais nilang ipahayag NA DAPAT magkaron ng malinaw na programa o sulosyon ang Pamahalaan patungkol sa problema sa kagutoman at kahirapan. Kabilang naman ang Cotabato City sa mga dinaanan ng Sumilao Farmers sa kanilang ginawang caravan. Ayon kay Napenyas, bigo nilang madaanan ang Cotabato noon kaya't napabilang ito sa kanilang routa. Maliban pa rito, nais rin nilang maiparamdam sa pamamagitan ng Caravan na kaisa sila ng mga magsasaka partikyular ang mga naging biktima ng dispersal sa North Cotabato noong April 1. MAHIGIT 24,000 na botante ang pinayagan ng Commission on Elections o Comelec na makilahok sa local absentee voting o LAV sa Abril 27 hanggang 29. Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sa kabuuang 28,705 aplikante ay 24,815 lang ang pinayagang makaboto sa LAV. Hindi naman tinukoy ng komisyon ang dahilan kung bakit na-disapprove ang 3,891 aplikante. Kabilang sa mga pinayagang bumoto sa LAV ang mga indibiduwal na hindi makakaboto sa Mayo 9 dahil may mahalaga gagampanan sa halalan. Kuwalipikado sa LAV ang mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, mga guro, at mga miyembro ng media. Sa ilalim ng LAV, ang iboboto lang ay presidente, bise presidente, mga senador, at party-list group at hindi kasali ang pagboto sa mga local na kandidato sa 2016 elections. 0- Patay ang isang kapentero matapos masagasaan ng sasakyan sa Purok Santol, Barangay Central Malamote Matalam, North Cotabato noong Sabado ng gabi.Kinilala ang biktima na si Elisio Layagan, 77-anyos na taga brgy. Sto Niño, Malaybalay City Bukidnon.Lumabas sa imbestigasyon ng Matalam PNP na tumawid lamang ang biktima patungo sa isang tindahan sa nabanggit na lugar nang aksidente itong mabangga nang isang Toyota Fortuner utility vehicle na may license plate na DEC 28 na nakarehistro sa pangalang ABDUL MONIEM ALI na minamaneho naman ni Jhamer Mamasabulod Beyao, 32-anyos isang LGU employee ng Pagalungan, Maguindanao. Nabatid na galing Tacurong City ang nabanggit na sasakyan at pabalik na sana sa Pagalungan, Maguindanao nang mangyari ang aksidente.Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nagtamo ng seryusong sugat at pasa sa kanyang katawan ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan pero ideneklara na tiong dead on affival ng mga doktor.Nabatid na nagbabakasyon lamang ang biktima sa kanyang mga kamag-anak sa lugar.Boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad ang driver na si Beyao.Nakikipag-ugnayan na ngayon ang pamilya ni Beyao sa pamilya ng biktima para sa mga gastusin at anong pang mga kinakailangan sa pagpapalibing sa biktima. Ibinunyag ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP sa North Cotabato na ang pamilya ng napaslang na si Darwin Sulang ay inilipat na nila sa mas ligtas na lugar matapos makatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.Nangyari umano ito pagkatapos tanggihan ng ama ni Darwin ang ‘alok’ ng Cotabato provincial government, sa pamamagitan ng mandatory representative ng mga katutubo sa probinsiya na si Datu Lito Palma.Kasama raw ni Palma na nagtungo sa bahay ng mga Sulang noong Abril 6 si Cotabato first district board member Kelly Antao.Di naman inilatag ni Alborme kung ano ang alok na ito nina Antao at Palma.Nangangamba raw ang buhay ng mga Sulang matapos mapansin ang mga tao’ng may kahina-hinalang kilos na aali-aligid sa kanilang bahay sa Barangay Malibatuan, Arakan.
Si Darwin Sulang ay isa sa namatay sa matapos manlaban sa mga riot police nang buwagin ng mga ito ang kanilang barikada sa national highway ng Kidapawan City, nito’ng Abril uno. Tuluyan nang nakalabas ng kulungan ang 78 mga raliyesta na naaresto ng PNP matapos ang ginawang clearing operation sa Kidapawan City Highway noong April 1.Sinabi ni Atty. Sarrah Villamor ng National Union of People's Lawyers o NUPL, nakalabas ang mga magsasaka matapos silang makalikom ng halos limang daang milyong piso para sa piyansa ng mga ito.Pinasalamatan rin ni Atty Villamor ang ilang support groups na tumulong para makalikom ng pera gayunman ang ilang mga artista.Kabilang na rito sina Robin Padila, mag-asawang Aiza Seguera at Liza Daño,Vice Ganda at iba pa.Sa press statement ng NUPL unang nakalabas noong April 14 ang sampung mga nakulong, sumunod ang siyam, at 57 noong April 15 ng hating gabi, habang noong Sabado naman ang dalawa na ayon sa report isang nurse at medical health worker na hindi kasali sa rally at tumulong lamang sa mg nasugatan sa loob ng spottswood center.Minomonitor rin ngayon ng mga progresibong grupo ang dalawang mga magsasaka na sina Alfie Awe at Darwin Magyao matapos silang isakay sa sasakyan ni Arakan Mayor Rene Rubino nang lumabas ng hospital.Habang tatlong mga magsasaka naman ang pinyansahan ng kanilang mga kamag-anak.Samantala, gagawin ulit ang senate hearing kaugnay sa nabanggit na issue ngayong darating na april 20.Isasailalim din sa pagdinig ang motion for reconsiderarion of the denial of the motion to quash ngayong April 25.Sa May 4 naman ang pre trial conferrence para sa tatlong mga magsasaka na inakusahan ng frustrated Homicide na kinilalang sina Crisanto Carlum, 72 anyos, Gerardo Paquero,66 anyos at isang Mark Anthony Delgado, 33 anyos. Abot na sa higit dalawang libong sako ng bigas ang naipapamahagi ngayon ng mga progressive group sa mga magsasaka na nagsagawa ng kilos protesta mula sa ibat ibang bayan sa North Cotabato matapos ang panawagan nilang BIGAS sa Provincial Government dulot ng El Niño Phenomenon.Sinabi ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi sa naturang bigas sa higit limang libong magsasaka na lumahok sa isinagawa nilang kilos protesta.Tiniyak naman ni Alborme na makakarating sa mga magsasaka ang naturang mga bigas ayon na rin sa kanilang mga ginagawang monitoring at kahit hindi pa raw ito idadaan sa mga barangay at LGU.Ayon kay Alborme, una nilang nabigyan ng bigas ang pamilya ni Darwin Sulang ng bayan ng Arakan, isa sa namatay sa kasagsagan ng clearing operation ng PNP sa Kidapawan City Highway noong April 1.Sunod ay ang mga pamilya ng mga nasugatan.Pero sa kabila nito, umaasa pa rin si Alborme at ang kanilang grupo na makarating na ang una nang ipinangako ng Davao City Government ng 15 thousand sacks of rice para sa kanila.Samantala inamin naman ni Alborme na ang KMP kasama ang iba pang progresibong grupo ang nanguna mismo sa nangyaring kilos protesta.Nilinaw naman niyang walang politiko ang nasa likod ng nabanggit na pangyayari kundi base ito sa naging resulta sa kanilang ginawang konsultasyon sa mga magsasaka dahil nga sa kawalan ng bigas dulot ng matinding init ng panahon. Balik-trabaho na ngayon ang mga LGU sa North Cotabato sa kanilang relief distribution na ginagawa sa mga barangay sa lalawigan.Ito matapos mabigyan na sila ng pahintulot mula sa Commission on Elections Regional Office 12.Kailangan pa kasi ng Philippine Red Cross ng clearance mula sa COMELEC na ibibigay ng LGU para magpatupad ng relief operations sa mga Brgy na labis na naapektuhan ng El Nino.Matatandaang pansamantalang nahinto ang Relief Distribution sa mga El Nino Affected families dahil na kasalukyang election period at sa umiiral na Election Ban na ipinapatupad ng Comelec.Papayag lamang sila, kung idadaan sa Red Cross ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na aaprobahan naman ng Comelec Region 12.Ayon kay Bryan Villamor, technical Staff ng Red Cross, ilan sa mga LGU na nakakuha na ng clearance ng Comelec ay ang Kidapawan City, at mga bayan ng Makilala, Tulunan, Arakan, Antipas, at Matalam, na ngayun ay muling nakapamahagi na ng tulong sa mga pamilyang apektado ng tag-init. Naghahanda na para sa pagsabak nito sa qualifying league ng paralympic games sa Bejing China ngayong Abril si National Para Games gold medalist Isidro Vildosola.
Ayon kay Vildosola kung papalarin sa China, siya ay maglalaro naman sa International Paralympic Games sa Brazil sa Setyembre.
Si Vildosola ay isang isang paralympic athlete sa 1,500 meter run.
Nagsimula ang karera nito sa sports noong 2005. Pinakamalaking panalo nito ay nang makasungkit ng silver medal sa 2010 Paralympic Games sa Guanzho China.
Nakapaglaro din si Vildosola sa 2011 London Paralympic Games.
Matatandaan na si Vildosola ay nakasungkit ng gold medal sa 5th PSC PhilBABA National Games 2016.Pinoproseso na ngayon ng mga mamamayang T’boli sa barangay Nomoh, Maasim,Sarangani province ang pagsasaayos sa kanilang claim sa ancestral domain.
Ang 70 mga IP Leaders ay pinulong nan g National Commission for Indigenous Peoples o NCIP.
Ang mga ito ay pinangunahan ni Maasim Municipal Tribal Chieftain Datu Fulong Benjamin Donato, bilang head petitioner.
Co petitioner naman ni Donatao sa may 5,000 ektaryang lupain sa barangay Nomoh si Barangay Captain Luna Tabalao.
Ayon kay Donato problema nila ngayon ang unti unting pagkawala ng ancestral domain ng mga indigenous people sa Sarangani.
Ito ayon kay Donato ay dahil sa pagbebenta ng mga IP’s sa kanilang mga lupain sa mga non IPs at pagkimkin ng kanilang mga lupain ng mga pekeng claimant.
Iginiit ni Donato na ang mga T’boli ang unang nanirahan sa Barangay Nomoh. Makatatanggap ng tulong ang lahat na pamilya na apektado ng El Nino Phenomenon sa Koronadal City.
Ito ang tiniyak mismo ni City Administrator at City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano.
Ayon kay Urbano mabibigyan pa rin ng tulong maging ang mga pamilya na hindi nalakip sa listahan ng city LGU.
Ipinahayag ni Urbano na tatanggap ng food packs at relief goods ang mga drought victims na hindi nabigyan sa unang bugso ng pamimigay ng tulong ng lokal na pamahalaan.
Ang city government ng Koronadal sa pamamagitan ng Philippine Red Cross ay nakapagbigay na ng tulong sa mga mamamayan na apektado ng taginit sa mga barangay ng Assumption, Cacub, San Jose, Topland at Saravia.
Abot sa mahigit 22,000 katao ang naitalang biktima ng tagtuyo’t mula sa 27 barangay ng Koronadal City. Isinailalim sa dry firing activity ang 54 personnel ng South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Human Resource Management Office ng lalawigan.
Ayon kay OIC Human Resource Management Officer Alex Basco layon nito na mahasa ang kasanayan ng mga kawani ng provincial jail sa paghawak ng armas.
Ito ay bilang kabahagi ng pagpapaigting seguridad sa piitan. Ipinahayag naman ni HRMO Supervising Administrative Officer Rodith Delfino na isasailalim din sa defense training ang mga personnel ng provincial jail.
Layon naman nito ayon kay Delfino na maturuan ang mga ito kung ano ang mga dapat gawin sakali mang may tumakas na preso, tulad ng pagsagawa ng noise barrage.
Dinagdag din ni Delfino na sasanayin din sa tamang paghawak ng armas o gun handling ang mga jail personnel ng lalawigan.
Matatandaan na ang mga jailguards ay nauna nang isinailalim sa Taekwondo proficiency course SOCCKSARGEN umakyat sa 7th spot.
Tinanghal na Champion sa katatapos lang na Palarong Pambansa 2016 sa Legaspi City,Albay ang National Capital Region o NCR.
Ayon kay Analiz Cabrido ng South Cotabato Provincial Information Office, ang NCR ay nakasungkit ng 105 gold medals, 57 silver at 48 bronze medals.
Napanatili naman ng Calabarzon region ang top 2 ranking nito matapos makakuha ng 40 gold,43 silver at 59 bronze medals.
Ang dating pinakamahigpit na kalaban ng nag champion na NCR na Western Visayas Region ay bumamaba sa pangatlong pwesto matapos kapusin sa tig 35 gold at silver ,at 39 bronze medals nito.
Ang Central Visayas na nakasungkit ng 29 gold, 31 silver at 29 bronze medal ay nasa pang apat na pwesto.
Nasa panglimang pwesto naman ang Northern Mindanao na nakaipon ng 25 gold, 24 silver at 36 bronze medal.
Ang bagong tatag na Negros Island Regional Athletic Association na mayroong 21 gold, 28 silver at 39 bronze medal ay nasa pang limang pwesto.
Samantala umakyat naman sa pampitong pwesto sa 2016 Palarong Pambansa ang SOCCKSARGEN Region mula sa pang walong ranking nito noong nakaraang taon.
Ang palaro players ng rehiyon dose sa Legaspi City Albay ay nakakuha ng 17 golds, 14 silver at 28 bronze medals.
Pinakamatumpay na atleta ng SRAA sa palarong pambansa ngayon taon ay si Feberoy Kasi ng T’boli, South Cotabato.
Ito ay matapos mabuwag sa bilis na 10.74 seconds ang dating 10.8 seconds record sa 100 meter dash ng palarong pambansa.

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...

Surallah isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan...