Sunday Apr, 28 2024 04:05:38 AM

NDBC BIDA BALITA (April 20, 2016)

 • 16:54 PM Wed Apr 20, 2016
1,529
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 20,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG NGCP towers, pinasabugan sa Carmen, North Cotabato.2. SUSPECTED CARNAPPER, patay sa
shootout sa Pikit, North Cotabato.

3. BINATA na umano’y nagnakaw at
nanggahasa pa ng kanyang mga biktima, arestado sa Koronadal City

4. Suspect sa Agencia Brillantes robbery, patay sa shootout sa Koronadal

Pinasabugan ng pinaniniwalaang armadong grupo ang dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Carmen, North Cotabato kahapon ng madaling araw.Sinabi ni Carmen PNP Chief of Police Chief Ins. Julius Malcontento, unang target ng mga suspek ang NGCP Tower 95 sa Brgy Aroman kung saan dalawang poste nito ang nasira at ang tower 96 sa Brgy Kitulaan na tuluyang bumagsak dahil sa nabanggit na pagpapasabog.Pinabagsak umano ang naturang mga tore gamit ang improvised explosive device o IED na gawa sa 60 millimeter mortar base na rin sa narekober ng PNP sa blast site.Ayon kay Malcontento, ang dalawang mga tore ay una nang tinangkang pabagsakin ng mga suspek noong 2015 pero tumanggi muna ang opisyal sa kung ano ang detalye sa nabanggit na kaso.Pero lumabas naman sa inisiyal na pagsisiyasat ng PNP na ibang grupo na naman umano ang responsable sa panibagong pampapasabog.Agad naman silang pinulong kasama ang mga matataas na opisyal ng NGCP pero ayon sa kanilang pahayag ay wala pa silang may alam kung sino ang nasa likod ng insidente.Sa pahayag ni Milfrance Capulong ang NGCP regional corporate communications officer for South Mindanao ito na ang pang-apat at panlimang pambobomba sa kanilang mga transmission line ngayong taon.Sa ngayon naglunsad na ng pursuit operation ang PNP laban sa mga suspek at nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga opisyal at residente sa lugar maging sa MILF community para makunan ng testimonya at impormasyon kaugnay sa nangyaring krimen. DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang suspek
sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Pikit, North Cotabato.

Ito ay matapos na manlaban ito sa mga
tumutugis sa kanyang mga pulis pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Nakilala ang nasawing suspek na si
Basir Mamalangkay alyas Bong, taga- barangay Balong, Pikit.

Una rito, nagsumbong sa Pikit PNP ang isang
Amy Abdulraman, taga-barangay Dalangawen, Pikit matapos na mawala ang kanyang
Kawasaki Badja motorcycle na kanyang ipinarada sa tabing daan.

Agad na nagsagawa ng pursuit operation
ang mga pulis hanggang sa mamataan sa daan si Mamalangkay na minamaneho ang
naturang ninakaw na motorsiklo.

Nagbigay ng warning shot ang mga
otoridad para sa suspek ang mga pulis subalit sa halip na tumigil ay
pinaharurot pa nito ang motorsiklo at pinaputukan ang tumutugis sa kanyang mga
pulis gamit ang cal. 45 pistol.

Gumanti ng putok ang mga pulis sanhi
para tamaan ang suspek at bumulagta sa daan.

Samantala, sa Midsayap naman, biktima
rin ng pagnanakaw ang isang lola na nakilalang si Nely Fantones

Taga, barangay Salunayan, Midsayap.

Pasado alas onse ng umaga kahapon nang
mag withdraw si Fantones sa isang bangko sa bayan.

Habang nasa harap ng teller ay
tinabihan siya ng isang lalaki at babae na nagpakilalang sina Engr. Cabrera at
Mila Torres.

Pagkakuha ni lola ng pera, inalok siya
ng mga suspek ng bag na paglalagyan ng nakuha nitong pera na nagkakahalaga ng
300 thousand pesos.

Tila nawala raw sa sarili si lola
kaya’t hinayaan nitong ang mga suspek na ang magdala ng bag hanggang sa
makalabas sila sa bangko.

Pinaghintay pa ng mga suspek si lola sa
labas ng bangko subalit hindi na bumalik pa ang mga ito.

Huli na rin nang makapagsumbong ang
biktima sa mga otoridad. UMAASA ang abot sa 18 mga private colleges and universities sa region 12 na maprubahan ng Commission on Higher Education o CHED ang kanilang
application for tuition fee increase.

Pero sabi ni CHED-12 Director Evelyn Sotes, sa ngayon ay mahigpit
pa nilang sinasala at pinag-aaralan ang aplikasyon ng mga pribadong paaralan
kabilang na ang CLC-MARBEL, Dr. P OCAMPO
Colleges, St. Alexes College, General
Santos Foundation College, Joji
International college of HRM, Kings
college of marbel, Notre Dame of Marbel University, Notre Dame RVM of Cotabato at iba pa.

Nabatid na anumang araw mula ngayon ay isusumite na
ng CHED-12 ang resulta ng kanilang isinagawang
deliberasyon kaugnay ng hinihinging tuition fee increase.

Ayon kay Sotes, naiintindihan naman ng CHED na kailangan
ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo ng karagdagang kita para magpatuloy
ang kanilang operasyon.

Sa tuition kasi kinukuha ang pangsuweldo ng mga propesor
at instructor at sa iba pang staff ng mga pribadong paaralan.

Nabatid na may karapatan naman ang mga private school na humingi
ng tuition fee increase pero dapat ay laging naka-base ito sa inflation rate.

Noong nakaraang school year, inaprubahan ng CHED ang
hinihinging tuition fee increase ng 313 private higher education institutions sa
buong bansa.

Ang umento ay may average na P165.45 o 6.48% per unit. MAGTATAPOS NA sa kanilang napiling technical-vocational course ang nasa 133
mga dating combatant ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sinabi ng Office of the Presidential
Adviser on the Peace Process o OPAPP,
ang naturang mga dating mandirigma ng MILF ay kabilang sa 145 MILF
combatants na sumailalim sa
decommissioning process
noong Hunyo ng nakalipas na taon at nagdesisyong sumailalim sa
skills training na pinamamahalaan ng
Technical Education and Skills
Development Authority o TESDA.

Kabilang sa mga kursong inihandog sa mga decommissioned MILF combatants ang
bread and pastry production, driving, carpentry, cookery, motorcycle at small engine
repair, dressmaking and tailoring, automotive servicing, electrical installation
and maintenance, at entrepreneurial
skills training.

Maliban sa tech-voc training, tumanggap din ang mga ito ng allowance sa
ilalim ng cash-for-training program
ng Department of Social Welfare
and Development at Department of Education.

Layunin ng programa na maihanda ang mga dating MILF combatant sa kanilang
bagong buhay bilang mga sibilyan.

Para sa isa sa mga dating MILF combatant na si Abdulaziz Andik, isang
biyaya ang kanyang pagtatapos sa kursong
carpentry na magagamit niya para makapaghanap-buhay.

Nagsilbi si Andik bilang MILF fighter sa loob ng 39 na taon.

BINARIL
AT NAPATAY ang isang magsasaka sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nangyari
ang insidente pasado alas dose nang tanghali kahapon sa Barangay Mompong ng
naturang bayan.

Kinilala
ang biktima na si Rakim Diocolano Musa, 49 years old, at residente ng nasabing
lugar.

Ayon
sa report ng DOS PNP, pinasok ng nag iisang suspek ang biktima sa mismong bahay
nito at doon pinagbabaril ng maraming beses.

Nagtamo
ng walong tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan si Musa mula sa
kalibre 45 na pistola dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Personal
grudge ang nakikitang motibo ng nga imbestigador sa nasabing pamamaril at
pinaniniwalaang kamag-anak rin nito ang bumaril sa biktima. NAGPAPATULOY
ngayong araw ang 2-day leadership training para sa mga persons with
disabilities sa lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi
ni Maguindanao governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na layunin ng naturang workshop
na sanayin ang mga may kapansanan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan
sa probinsya.

Bukas,
gagawin naman ang parenting seminar para naman sa mga solo parent sa lalawigan.

Ayon
kay Mangudadatu, mahalaga na mabigyan ng gabay ang mga solo parent para sa
maayos na pangangalaga at pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Samantala,
inaanyayahan naman ni Mangudadatu ang lahat ng mga magulang sa probinsya na may
mga anak na may neuro developmental disorders na dumalo sa kanilang isasagawang
Seminar on Handling Children with Neuro Developmental Disorders at Home and
School na gagawin sa BBGM Function Hall, sa Buluan, Maguindanao, ngayong araw.

Sabi
ni Mangudadatu na naiintindihan ng provincial government ang mga hamong
hinaharap ng mga magulang na may anak na autistic o kaya ay mayroong hyperactivity
disorder o ADHD at iba pang uri ng intellectual disability at learning
disorder.

Kaya
ayon sa gubernador, mahalaga na dumalo ang mga naturang magulang sa nasabing
workshop para mas maintindihan ang kondisyon ng kanilang mga anak at mabigyan ang
mga ito ng tamang atensyon. Pinabilis pa na ng Philippine Red Cross at City Social Welfare and Development Office ang pamimigay ng mga food packs sa mga drought victims sa Koronadal City.
Inaasahan ng PRC na matatapos ang pamimigay ng tulong bago matapos buwan ng Abril.
Ito ay taliwas sa unang inilabas na schedule ng PRC na magtatagal pa sa Mayo ang pamimigay ng relief assistance.
Ayon kay Koronadal Social Welfare and Development Officer Mary Jean Gabucan hinati na ng Red Cross sa dalawa ang kanilang grupo.
Layon nito ayon kay Gabucan upang sabay na makapagbigay ng tulong sa mas maraming barangay.
Ipinahayag ni Gabucan na tumulong na rin sa pamimigay ng relief assistance ang Social Action Center ng St. Anthony Parish na nagpadala ng mga volunteer.
Para sa mas maayos na pamimigay ng tulong ang mga volunteer ay isinailalim din sa orientation ng PRC.
Nabigyan na ng tulong ang abot sa 25,000 drought victims sa Koronadal City.Inaasahang madadagdagan pa ang mga enrolees sa 6th Summer Training Festival ng Koronadal.
Ayon kay Koronadal City Sports Coordinator Tony Aguilar tatangap pa kasi ng mga estudyante para sa aktibidad ang lokal na pamahalaan.
Ito ang ipinahayag ni City Sports Coordinator Tony Aguilar kasabay ng pormal na pagsisimula ng aktibidad noong Lunes.
Ayon kay Aguilar lumahok sa Training festival ang 2,663 katao na kinabibilangan ng mga bata at ilang mga mas nakatatanda.
Sinabi ni Aguilar na ang mga enrolles sa aktibidad ay maari pang madagdagan.
Layon ng training festival na mahasa ang kasanayan ng mga bata sa athletics, archery, arnis, basketball, baseball, badminton, boxing, chess, dancesports, dart, golf, gymnastics, football, frisbee, karatedo, lawn tennis at iba pang isports.
Itinuturo rin dito ang pagtugtog ng iba’t ibang musical instrument tulad ng keyboards, drums, guitar, bass guitar at wind instrument.
Tampok din sa training festival ang workshop para sa speech, voice lessons, basic photography, art painting, play writing, basic theatre, fashion design, children’s ballet, hiphop and magic tricks .
Ang 6th Summer Training Festival ay magtatamos naman sa Mayo 27. Irerekomenda ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na isailalim na sa control ng comelec ang bayan ng Tampakan.
Layon nito ayon kay Fuentes na mapanatili ang katiwasayan at kaayusan ng halalan sa bayan sa Mayo a nuebe.
Ipinahayag ng gobernador na banta sa peace and order situation sa Tampakan ang armadong grupo.
Sa katunayan ayon kay Fuentes , tatlong beses nang naudlot ang rally ng kanilang grupo, matapos umanong isabotahe ng mga kalalakihang pinagdududahan nilang armado.
Mariing binabantayan ngayon ng mga otoridad ang mga boundary ng Tampakan sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at Davao del Sur na karaniwang dinadaanan ng armadong grupo.
Maliban sa Tampakan, kabilang din sa minomonitor ngayon ngayon dahil sa posibleng kaguluhan may kaugnayan sa eleksyon ang ilang liblib na barangay sa bayan ng Surallah. Patay ang mag live in nang manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng anti illegal drug operation sa Purok Ferry Barangay Namnama, Koronadal City kahapon ng hapon.
Kinilala ni Koronadal Police Director, Police Superintendent Barney Condes ang mga nasawi na sina Jeffrey Dalamban at Bailyn Balambag.
Ayon kay Condes nakailag ang police agent na nagpanggap na bibili ng droga nang paputukan ni Dalamban ng baril matapos niya itong pagdudahan.
Agad naman gumanti ang back up na mga pulis nang agent na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at suspek.
Inihayag ni Condes na mula sa kanilang hide out, nakipaghabulan pa ang mag live in hanggang sa masukol ng mga pulis sa palayan.
Narekover ng mga pulis mula sa mga ito ang dalawang 38 revolver, shabu items at drug paraphernalia.
Kinumpirma ni Condes na arestado din ang kapatid ni Dalamban na kinilala lamang sa pangalang Alyas Datz.
Ayon kay Condes ang napatay na si Dalamban ay isa sa mga look out sa pang hohold up at pagpatay sa dalawang security guards ng Agencia Brillantes noong Setyembre 18,2014.
Si Dalamban ayon sa police official ay myembro ng Martilyo Gang mula kalakhang Maynila .
Ipinahayag din ni Condes na si Dalamban at ang kanyang grupo ang siya ring suspek sa serye ng nakawan ng motorsiklo, robbery hold up incidents at pagbebenta ng illegal na droga sa Koronadal City.
Kalaboso ang biente anyos na binata na suspek sa serye ng pagnanakaw at pangagahasa sa mga biktima nito sa Koronadal City.
Ayon kay Koronadal City Police Director, Police Superintendent Barney Condes, ang suspek na si Jay R Cona, ay isinailalim na sa inquest proceedings ng korte kahapon.
Ito ay matapos maaresto sa kanilang mismong lugar sa Kalawag 1, Isulan Sultan Kudarat.
Ipinahayag ni Condes na apat sa mga biktima ng suspek ay positibong nagturo sa kanya.
Dalawa sa mga ito ay umano’y inakusahan ng pangagahasa si Cona.
Sinabi ni Condes na bago pagnakawan ginagahasa pa umano ng suspek na si Cona ang karamihan sa kanyang mga biktima.
Kadalasan umanong naging biktima ng suspek ay mga menor de edad na estudyante, na pinapasok nito sa kanilang mga boarding houses.
Ayon kay Condes huli umanong pinagnakawan ng suspek ang dalawang bahay sa Barangay Zone IV, Koronadal City, kung saan nakakuha ng lead ang mga pulis sa kanyang pagkakakilanlan.
Umapela naman si Condes sa mga rape survivor at pinagnakawan ng suspek na dumulog sa Koronadal City PNP upang matulungan na magkapagsampa ng kaso laban sa kanya. MAY GO signal na ang Commission on Elections o Comelec para ituloy ng Kidapawan City LGU ang pamamahagi nito ng bigas na natigil pansamantala dahil sa election ban.
Una nang lumagda sa isang memorandum of agreement si City Mayor Joseph Evangelista at ang Comelec.
Nilinaw sa MOA na tanging mga personnel lamang ng Social Welfare and Development Office at Red Cross ang dapat mamahagi ng bigas – at hindi mga opisyal o kandidato na tumatakbo sa alinmang posisyon.
Ngayong araw mamamahagi ng kilu-kilong bigas ang LGU sa mga barangay ng Sudapin at Kalaisan.
Gagawin ito, alas-otso ng umaga.
Abot sa walong daang pamilya ang inaasahang makatatanggap ng bigas.Sa April 21, itutuloy ang rice distribution sa mga barangay ng 1st district ng Poblacion, Perez, Meohao, at Ginatilan sa April 21.
Sa April 22 naman ay gagawin din ito sa Balabag Ilomavis Indangan at second district ng Poblacion.
ARESTADO ng mga pulis ang isang murder suspect na kinilalang si Paquito Alagos sa bahay nito sa President Roxas, North Cotabato, alas-tres ng hapon ng Martes.
Si Alagos ay kilala rin sa mga alias na ‘Bin Laden’, Felicito Alagos, at Paquit na taga-Sitio Dilion, Barangay Poblacion ng Arakan.
Hinuli si Alagos base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Arvin Sadiri Balagot ng Regional Trial Court branch 17 sa Kidapawan City, sa ilalim ng Criminal Case Number 3550-2016.
Nanguna sa pag-aresto kay Alagos ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, kasama ang President Roxas PNP, at ang 2nd Manuever Company ng Regional Public Safety Battalion-12.
Bahagi raw ito ng OPLAN Pagtugis ng CIDG.
Agad namang inilagay sa kustodiya ng CIDG sa Kidapawan City ang suspect at ngayong araw ay ihahatid ito sa korte para sa mailipat sa Cotabato Provincial Rehabilitation Center sa Amas complex.
Dahil sa tindi ng nararanasang init ng panahon, dumaraing at umaaray na ngayon ang mga residente ng Peace Zone Area partikular sa Barangay Bituan sa Bayan ng Tulunan North Cotabato.Ayon kay Mercedes Tabobo, residente ng nasabing barangay, natutuyo narin ang mga sapa maging ang pinagkukunan nila ng tubig na maiinom dahil narin sa sobrang init ng panahon.Aniya, kong magpapatuloy pa ang nararanasang init , posible na umanong wala na silang mapagkukunan ng malinis na tubig.Ang iba na rin sa kanila ay halos hindi na nakakaligo dahil sa kakulangan ng supply ng tubig.Samantala, ilang mga sakit na rin ang naitala sa nabanggit na lugar dulot ng kawalan ng malinis na suplay ng tubig.Kabilang sa mga naitalang sakit ay ang diarrhea.Dahil dito, nababahala ngayon ang Barangay LGU dahil sa naturang karamdaman.Tiniyak naman ng Barangay LGU na handa silang umalalay at tumulong sa mga nagkakasakit sa kanilang barangay at anila Sapat naman ang supply ng gamot sa kanilang health center upang matugunan ang pagkakasakit ng mamamayan. Nagpatupad na ng reshuffling sa kanilang tanggapan ang Commission on Elections o Comelec sa lahat ng mga Election officers sa North COtabato para sa nalalapit na May 9, 2016 elections.Ito ang kinumpirma mismo ni Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada, matapos nilang matanggap ang resolusyon mula sa Comelec En banc na nag-uutos ng reshuffling sa kanilang mga election officers noong nakaraang linggo.Nilinaw ni Gerada na ito ay bilang bahagi sa kanilang sinusunod na standard operating procedure na ipinapatupad sa panahon ng eleksyon para mapanatiling patas at non partisan ang mga Comelec officials lalo na sa mga incumbent candidates.Mananatili ang mga election officers sa kanilang bagong area hanggang June 8 o pagkatapos ng election period.Kaugnay nito, katatapos lamang din ang ginganawang pagsasanay ng COMELEC sa tatlong libong mga Board of Election Inspectors at Canvassers na magsisilbi ngayong eleksyon.Sinabi ni Gerada na halos kumpleto na ang kanilang mga paghahanda para sa mas mapayapa at mayos na eleksyon sa susunod na buwan. Muling haharap ngayong araw sa isang public hearing at consultation sa Senado ang piling mga opisyal ng North Cotabato at PNP na itinuturong responsable sa nangyaring dispersal sa mga nagbarikadang raliyesta sa Kidapawan City National Highway noong April 1.Sa report na nakalap ng DXND Radyo Bida, ipapatawag sa naturang hearing sina Cotabato Governor Emmylou Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista dating Provincial Director Senior Supt. Alexander Tagum, dating Kidapawan City Police Director Supt. John Meridel Calinga at Police Regional Office 12 Regional Director Police Chief Supt. Noel Armilla.Ilang mga magsasaka at raliyesta rin na naaresto ng PNP ang magbibigay ng kanilang mga testimonya sa naturang pagdinig.Maliban sa pagtukoy sa ugat nang nabanggit na rally aalamin din sa naturang hearing kung sino ang mga may nagawang paglabag sa nangyaring dispersal.Ang public hearing and Consultation ay ipinatawag ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa pangunguna nina Senator Peter Cayetano, Teofisto Guinggona at Koko Pimentel.Ang unang pagdiniga kaugnay sa nabanggit na issue ay isinagawa noong nakaraang April 7, sa Davao City.

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...