Monday May, 06 2024 08:47:09 PM

NDBC BIDA BALITA (April 21, 2016)

 • 05:14 AM Fri Apr 22, 2016
1,249
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 21,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA SNATCHER at bukas-kotse, muling
naging aktibo sa Cotabato city.

2. Lalaking nagbabakasyon lang sa
Makilala, North Cotabato, nabaril at napatay.

3. Dispersal ng mga nagprotestang magsasaka sa Kidapawan, utos daw ni Gov. Mendoza, ayon kay Supt. Tagum.4. AGILA na nasagip sa South Cotabato,
pinakawalan na.

Ibininunyag ni dating CPPO Provincial Director Sr. Supt. Alexander Tagum na nagmula mismo kay Cotabato Gov. Emylou Mendoza ang utos na buwagin ang nagbarikadang raliyesta sa Kidapawan City Highway noong April 1.Ito ang pahayag ni Tagum kasabay ng public hearing and consultation sa Senate Committee on Justice and Human Rights kahapon.Sa kabila nito mariin namang itinanggi ni Tagum na sa kanya nanggaling ang pag open fire order parasa mga raliyesta.Malinaw aniya sa kanyang order na walang dapat na mamaril mula sa knyang mga tauhan pero inamin niya ang presensya ng mga men in uniform with high-powered firearms na nakapwesto sa lugar.Ito ang sagot ni Tagum sa tanong ni Senator Tito Sotto kung sino umano ang nag utos sa kanya na buwagin ang mga nagbabarikada sa highway.Para kay Tagum alam niya sa sarili niya na ang layunin sa nabanggit na mandato ng gobernadora ay idesperse ang mga raliyesta na ilang araw nang sinara ang highway.Sa kabila kasi ng paulit ulit na hiling ni Tagum na lisanin na ang highway ay hindi pa rin siya pinakinggan ng mga magsasaka.Pero iginiit ni Tagum na ipinatupad niya ang maximum tolerance kasabay ng rally.Sinabi naman ni Tagum na lahat na mga pulis na na identify na may bitbit na armas at namaril ay ni relieve na sa kanilang pwesto at nasa kustodiya ng PNP habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon at posibleng kasong maisasampa laban sa kanila.NDBC BIDA BALITA UMARANGKADA NA NAMAN ang mga riding in tandem
na snatchers sa Cotabato city matapos hablutan ng shoulder bag ang isang babae
pasado ala una nang hapon kahapon sa SK Pendatun Avenue sa kanto ng Quezon
avenue partikular sa tapat ng isang hardware sa lungsod.

Ayon sa biktimang si Aisa Anak
Antuling, negosyante, at taga-Barangay Tambunan, Guindulungan, Maguindanao,
nakasakay siya sa isang habal-habal nang dikitan sila ng dalawang mga lalaki na
nakasakay din ng motorsiklo at biglang hinablot ang kanyang shoulder bag.

Agad tumakas ang mga snatcher sa
direksyon ng Quezon avenue at hindi na nahabol pa ng biktima ang mga ito.

Nabatid na laman ng naturang tinangay
na bag ang apat na wallets na may abot sa 24,500 pesos na cash, cell phone na
nagkakahalaga ng 8,500 pesos, isang pares ng gintong hikaw na nagkakahalaga ng
15 thousand pesos, mga mahahalagang dokumento at IDs.

Una rito, ninakawan din ng bag ng mga riding
in tandem na snatchers ang isang Mary Jane Silongan, habang naglalakad sa
Ilang-Ilang street mag a-alas sais ng gabi kamakalawa.

Laman ng naturang bag ang 2,500 pesos
na cash, dalawang tseke na nagkakahalaga ng 125,000 pesos at mga mahahalagang
dokumento at IDs.

Nabatid na base sa mga naunang reports,
pangunahing binibiktima ng riding in tandem na snatchers sa Cotabato city ang
mga babaeng nakasakay sa tricycle, payong-payong at habal-habal.

Samantala, maliban sa riding in tandem
snatchers, umarangkada rin ang mga basag kotse sa Cotabato city kahapon.

Pinakahuling biktima si Wilson Panzo,
35 years old, isang sales agent ng JLC and Sons, at taga- Fatima, Block 2, barangay
Poblacion 4, ng lungsod.

Ayon kay Panzo, ipinarada niya ang
kanyang Mitsubishi Adventure na may licensed plate XKN 689 sa Sinsuat avenue,
harap ng Episcopal church, sa Barangay Rosary Heights 10, at nang balikan niya
ito ay basag na ang salamin sa kanang bahagi ng sasakyan.

Nang tingnan ng biktima at wala na ang
kanyang sling bag na naglalaman ng 13,000 pesos na tseke, calculator, at mga
resibo.

NABULABOG ang mga residente ng barangay Poblacion sa Kiamba, Sarangani matapos na matagpuan ang isang pugot na ulo sa isang junkshop doon.Sa report mula sa Kiamba PNP, nakasulat sa sakong pinaglagyan ng ulong pugot na ang iyon ay regalo para kay Mayor Danny Martinez ng Kiamba.Nakalagay din sa mensahe na isusunod daw ang iba pang supporters ng naturang alkalde.Tiniyak naman ng pulisya na kanila ng ini-imbestigahan kung kaninong ulo ang natagpuan na ibinalot sa plastik bago inilagay sa sako.Kaagad dinala sa isang punerarya ang pugot na ulo habang patuloy namang hinahanap ang katawan ng biktima.Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring komento hinggil dito si mayor Martinez.Ito na ang pinakamarahas na election-related incident sa bayan mula nang magsimula ang election period noong nakaraang taon. LUMAGDA sa isang peace covenant ang dalawang mga tumatakbong alkalde sa
Sharif Aguak, Maguindanao.

Sinabi ni Capt. John Aguidon ng Army’s 34th IB Civil Military Operation, mismong ang Commission on
Election o COMELEC ang nanguna sa naturang
aktibidad.

Nangako ang naturang mga kandidato na tatalima sa mga batas na ipinatutupad
ng COMELEC sa panahon ng kampanya at makikipagtulungan sa mga otoridad para
maging maayos at mapayapa ang idaraos na eleksyon sa bayan.

Kasama rin ng Comelec sa naturang covenant signing ang PNP, AFP at DILG
ARMM.

Nabatid na isa ang bayan ng Shariff Aguak sa mga lugar na mahigpit na
binabantayan ngayong halalan.

Nabatid na noong nakaraang linggo lang ay bumisita si PNP Chief Ricardo Marquez sa bayan kung saan nagsagawa ito ng mga pagpupulong bilang paghahanda sa nalalapit na May 9 general elections.

NAILIBING NA ang
opisyal ng Philippine Army na nasawi sa pagkikipagsagupa sa mga miyembro Abu
Sayyaf sa Basilan.

Inilibing si 1st
Lt. Remigio Licenia sa sementeryo ng Rang-ayan, Ilagan city, Isabela makaraang
tanggihan ng kanyang pamilya ang alok ng pamahalaan na ihimlay siya sa Libingan
ng mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Katwiran ng
pamilya na mas madali para sa kanila na dalawin ang puntod ni Licenia sa
sementeryo sa kanilang barangay kumpara sa Libingan ng mga Bayani na napakalayo
sa Isabela.

Si Licenia,
28 years old, at binata, ay commanding officer ng Charlie Company ng 44th
Infantry Batallion Philippine Army at isa 19 na sundalo na nasawi sa sagupaan
ng mga sundalo at Abu Sayyaf sa Tipo-tipo, Basilan.

Samantala,
naibigay na ng Retirement and Separation Benefits System o RSBS ang
kontribusyon ng 18-sundalong na nasawi napatay sa engkuwentro sa Tipo-Tipo,
Basilan.

Ito ang
kinumpirma ni RSBS President Norman Legaspi na kasama sa ni-refund ang nalikom
na interes ng kontribusyon ng mga napaslang na sundalo.

Siniguro
naman ni Legaspi sa mga sundalo na mare-refund ang kanilang kontribusyon sa
oras na maibenta na ang lahat na assets ng RSBS.

Nilinaw din
nito na unang hakbang pa lang ang pagbuwag sa RSBS para mareporma ang pension
system ng AFP, matapos itong mabigong gawin ang kanyang mandato na maging self
sufficient tulad ng GSIS. MAS
MADALI na ngayon ang pagpo-proseso at pagpapalabas ng mga dokumento mula sa Philippine
Statistic Authority o PSA.

Ito
ay matapos na maresolba ang naunang problema ng tanggapan hinggil sa kanilang internet
connection.

Ayon
kay PSA outlet Supervisor Datu Bong Baraguir, sa loob ng isa hanggang dalawang
araw na lamang ay makukuha na ng sinuman ang ibat ibang mga dokumento na
karaniwang pinoproseso sa kanilang opisina.

Bago
ito, umaabot pa sa isa hanggang dalawang

linggo
bago ma-release ang birth o marriage

certificate
na karaniwang inirereklamo ng

kanilang
mga kliyente.

Samantala,
ibinunyag din ni Baraguir, na tinanggal na ang ilang mga staff ng PSA na may
mga aroganteng asal sa kanilang mga kliyente na mahigpit namang ipinagbabawal
sa kanilang

tanggapan.

Umaasa
ang nasabing ahensya na wala nang

magiging
problema ang mga kliyente, kaugnay nang serbisyong kanilang ibinibigay.

Sinasanay na ngayon ng Environmental Management Bureau o EMB 12 ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang mga Basura Patrollers,”
Ipinahayag ni EMB 12 Information Officer Maysheen Collong sa isang pulong balitaan, na ang pagtalaga ng mga basura patrollers ay bagong istratihiya na ipatutupad ng ahensya upang mapangalagaan ang kalikasan.
Ito ayon kay Collong ay bilang pagpapatupad din sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Magpapakalat ng sampung basura patrollers ang EMB 12 sa buong rehiyon sa unang bugso ng pagpapatupad ng programa.
Apat sa mga ito ay itatalaga sa North Cotabato at tig dadalawa sa Sarangani, Sultan Kudarat at South Cotabato.
Pangunahing tungkulin ng mga basura patroller ay ang ireport sa mga kinauukulan ang sinumang lumabag sa tamang pamamahala at pagtatapon ng basura.
Ayon kay Collong dahil kasama rin sa kanilang trabaho ang geotagging sa mga lumabag sa batas at pag-upload nito sa Web, tinuturuan ang mga Basura Patrollers” sa paggamit ng computer at internet.
Dinagdag din ni Collong na ang mga litratong kuha ng kanilang Basura Patroller ay pwedeng gamitin sa shaming campaign” ng ahensya.
Layon nitong baguhin ang nakasanayan nang sistema sa pagtatapon ng basura. Nasa litgas nang kalagayan ang dalawang mga hawk eagle na inalagaan sa wildlife restitution center sa Tupi, South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Provincial Environment and Management Officer Seigfred Flaviano, ang mga ito ay pinakawalan na kahapon.
Sinabi ni Flaviano na ang mga ibon ay unang ibinigay ng ilang mga concerned citizen sa Municipal Environment and Natural Resources Office sa katabing bayan ng Tampakan.
Ayon kay Flaviano ang mga hawk eagle ay nanghihina at halos di na makalipad ng matagpuan.
Ang mga ito ay natuklasan sa biodiversity Corridor sa boundary ng Tupi at Tampakan.
Ang dalawang hawk eagle ay agad namang iti-nurn over ng MENRO Tampakan sa Wildlife Restitution Center kung saan nilapatan ng lunas para lumakas muli bago pinakawalan. Ipinagutos ni Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 Regional Director Datu Tungko Saikol sa mga Field Offices ng ahensiya na mariing ipatupad ang Chain Saw Act of 2002.
Binigyan diin ni Saikol na dapat ay paigtingin pa ang pagpapatupad ng Forest Protection Program.
Layon nito ayon kay Saikol ay upang masawata ang illegal logging activities at iba pang uri ng pagsira sa kagubatan gamit ang chain saw.
Ito ang ipinahayag ni Saikol matapos iturn over ni Kalamansig Sultan Kudarat OIC Environment and Natural Resources Officer Bajury Mustapha sa DENR 12 ang dalawang mga chain saw.
Ang mga ito ay ginamit sa illegal logging activity sa Barangay Sangay, Kalamansig.
Ang barangay ayon sa DENR official ay matatagpuan sa tabing dagat.,
Ito ay pinaliligiran ng malawak na kagubatan na puno ng mga natural grown trees na mahalaga para ma-preserba ng ecosystem,bundok at reef.
Ayon kay Saikol ang mga chainsaw na narecover ay inabandona ng mga illegal loggers sa lugar. Pinaghahandaan na ng National Nutrition Council o NNC 12 ang Nutrition Month Celebration sa Hunyo.
Ito ang ipinahayag ni NNC 12 Regional Coordinator Arceli Latonio sa harap ng mga myembro ng Regional Nutrition Committee.
Ayon kay Latonio ilulunsad kasabay ng selebrasyon ang First 1,000 days Triathlon.
Ito ay isang programa para mapangalagaan ang kapakanan ng mga buntis, nagpapasusong ina at iba pang sector na may problema sa pagkakaroon ng sapat na nutrisyon.
Tema ng nutrition month celebration ngayong taon ayon kay Latonio ang First 100 days, Baby ay Pahalagahan,”.
Ito ayon kay Latonio ay nakasentro sa patuturo ng kahalagahan ng breastfeeding at pagbibigay ng tamang pagkain sa mga sanggol kahit na lumagpas na ang mga ito sa anim na buwan.
Umapela naman si Latonio sa mga mamamayan ng region 12 na makiisa sa pagdiriwang. Tumatanggap na ng mga nominee para sa kanilang 2016 DOST-PCHRD–Grupo Medica Award for Outstanding Medical Thesis in Herbal Medecine ng Department of Science and Technology o DOST region 12.
Ayon kay DOST 12 Regional Director Zenaida Raof Laidan, ang search for outstanding research for herbal medicine ay bukas sa mga estudyante ng pharmacy, chemistry, nursing, at arts and sciences.
Ang mga ito ayon kay Laidan ay dapat makapagtapos ng thesis on medicinal plants ngayong school year.
Layon ng patimpalak na makahanap ng bagong pananaliksik sa paggamit ng mga halamang gamot, lalong lalo na ang may malaking potential sa merkado.
Ayon Laydan maaring magsumite ng nominasyon para sa parangal ang mga student advisers.
Ang nominee ay iindorso din dapat ng kanilang Dean at Regional–based Health Research and Development Consortium o HRDC sa Philippine Council for Health Research and Development o PCHRD.
Ang isang academic institution ay maaring mag-nominate ng hanggang tatlong thesis.
Ang mga entry ayon kay Laidan ay isusumite sa Regional Health Research and Development Consortium o RHRDC ng DOST 12 hanggang sa huling lingo ng Mayo.

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...