Tuesday May, 07 2024 12:42:39 AM

NDBC BIDA BALITA (April 22, 2016)

 • 18:04 PM Fri Apr 22, 2016
1,275
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 22,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Dalawang libong magsasakang biktima ng drought, nagtipon at nagrally sa harap ng DA-12 sa Koronadal.2. MILF, itinanggi na mayroon silang
mga miembrong umanib na sa teroristang ISIS.

3. Lola na tumestigo sa Senado kaugnay
sa Kidapawan incident, may problema raw sa pag-iisip, ayon sa mismong anak niya

4. Pursuit operation laban sa mga dumukot sa isang sundalo sa North Cotabato, inilunsad. Sasabayan ng kilos protesta ng libo libong mga myembro ng progresibong grupo ang Earth Day Celebration ngayong araw sa Koronadal City.
Ito ay inaasahang namang lalahukan ng mahigit 4,000 kinatawan mula sa sektor ng kabataan, estudyante, simbahan, kababaihan magsasaka at laborer.
Ang mga ito ay mula sa iba’t ibang bahagi ng region 12.
Ayon kay Gabriela Coordinator Ali Macalintal, abot sa 1,500 sa kanilang mga kasama ay nagpalipas ng gabi kagabi sa Koronadal City.
Sinabi ni Macalintal na kabilang sa kanilang ipananawagan sa gobyerno ang Hustisya sa mga magsasakang umanoy biktima ng Kidapawang dispersal, agarang tulong sa mga biktima ng tagtuyo’t at pangangalaga sa kalikasan lalong lalo na ang ban sa aerial spraying.
Mula General Santos drive ayon kay Macalintal maglalakad ang kanilang grupo papuntang South Cotabato Provincial Capitol kung saan gaganapin ang kanilang rally.
Kakalampagin din ng mga ito ang tanggapan ng Department of Agriculture Region o DA 12. Kaugnay nito, naghigpit na rin ng seguridad ang pulisiya sa Koronadal City, maliban sa tanggapan ng national food Authority, nakabantay na rsa South Cotabato Provincial Capitol Compound ang pulisya simula kagabi.
Hiniling naman ni Koronadal City Police Director, Superintendent Barney Condes sa mga progresibong grupo na huwag nang sakupin ang daan at gawinng matiwasay ang kanilang rally. DINUKOT ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New Peoples’ Army o NPA si Private First Class Eduardo Hilaga, Jr., sa isang highway sa bayan ng Makilala, North Cotabato, nito’ng Huwees ng umaga.Ayon sa report, nagpanggap na mga sundalo na nagsasagawa ng highway checkpoint sa Barangay Malasila ang mga rebelde.Isa ang motoristang si Hilaga sa pinara ng mga rebelde.Si Hilaga ay miyembro ng 7th Infantry Battalion ng Army.Patungo ito ng kanyang headquarters sa bayan ng Kabacan nang parahin ng mga NPA at dalhin sa isang lugar.Papunta sana siya sa isang humanitarian mission nang maganap ang kidnapping.Ang 7th IB ay component unit ng 6th Infantry Division at ang lalawigan ng North Cotabato ay kabilang sa kanilang area of jurisdiction.Pagkatapos dukutin si Hilaga ay agad iniwan ng mga rebelde ang highway at tumakas patungo sa kalapit bayan ng Makilala.Na-recover ng mga pulis sa crime scene ang itim na Honda motorcycle ni Hilaga. Mariing itinanggi ng pamunuan ng Moro
Islamic Liberation Front o MILF ang isyung kumakalat sa social media na umano
ay may nasa isang daang miembro nila sa Lanao del Sur ang umanib na sa Kilapa
Islamiya, na kilalang sumusuporta sa teroristang Islamic State of Iraq and
Syria o ISIS.

Sinabi ni MILF vice chairperson for
military affairs Von Al Haq na noong napanood niya ang video na ipinakalat sa
social media ay agad silang nagsagawa ng validation.

Aniya, kinumpirma ng kanilang mga
ground commander na hindi totoo ang naturang balita at ito ay gawa-gawa lang ng
mga nananabotahe sa nagpapatuloy na peace negotiations ng gobyerno at MILF.

Tiniyak naman ng MILF official na patuloy
na umaasa ang MILF na muling isusulong ng susunod na administrasyon ng
Bangsamoro Basic Law o BBL kaya hindi pa rin anila sila bumibitiw sa peace
process.

Nakumpiska ng
mga pulis sa Cotabato city ang iba't ibang uri ng illegal gambling
paraphernalia kahapon sa Cotabato city.

Unang sinuyod
ng mga otoridad ang isang last two outlet sa SK Pendatun Avenue, sa barangay Poblacion
Singko ng lungsod pasado ala syete nang umaga kahapon kung saan naaresto si
Linda Santiago, 36 anyos, at taga crossing Pinaring, Sultan Kudarat,
Maguindanao.

Nakuha rin
mula sa nasabing last two outlet ang iba't ibang mga gambling paraphernalia at
cash na nagkakahalaga ng 970 pesos.

Sunod namang
naaresto si Vanessa Alcantara, 21 years old at Sydney Mier, 25, pawang mga taga-Sultan
Mastura, Maguindanao na nakuhanan din ng mga gambling paraphernalia at cash na
105 pesos.

Una rito, sinuyod
din ng kapulisan ang SK Pendatun avenue extension, Mother Barangay Poblacion
noong nakaraang Lunes kung saan ay naaresto si Angel Lopresa, 45 anyos,
sinasabing last two/last three usher, residente ng Aleosan, North Cotabato.

Nakuha mula
kay Lopresa ang iba't ibang gambling paraphernalia.

Kagabi naman
ay naglunsad muli ng operasyon ang city PNP sa Datu Udtog Matalam street, sa
barangay Rosary Heights 10 pasado alas syete ng gabi na nagresulta sa
pagkakakumpiska sa isang unit ng video karera na pag-aari ng isang Abdullah
Mindog na nakatakas sa naturang raid.

Kasama sa
nakumpiska ng pulisya ang cash mula sa Video Karera na nagkakahalaga ng 1,466
pesos. NILINAW
ng Department of Education o DepEd sa publiko na ang susunod na pasukan para sa
taong 2016-2017 sa mga pampubliko paaralan sa elementary at high school ay sa
darating na June 13, 2016.

Nabago
ito mula sa dating Hunyo 6 na pasukan ng mga estudyante.

Ayon
kay DepEd Sec. Armin Luistro, sapat na ang June 13 school opening upang
makumpleto ang 220 school days na nakasaad sa batas.

Gayunman
hindi na ina­anunsyo ng DepEd ang kabuuang school calendar para sa kabuuang
school year 2016-2017.

Pinayuhan
ng DepEd ang mga mag-aaral sa private school na isangguni na lamang sa kanilang
mga paaralan kung kailan sila magbubukas ng klase.

Ang
mga pribadong eskwelahan naman ay pinaalalahanan ni Luistro na magbigay ng
abiso sa kanila kung sakaling

magpasya
na baguhin ang kanilang buklas-klase. HUMIHINGI
ngayon ng umento sa kanilang sahod ang mga manggagawa sa region 12.

Kahapon
ay naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP at
mga Labor Organization sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB-12
sa Koronadal City.

Hiling
nila, dagdagan ng P143 ang sahod ng mga minimum wage order na sumasahod ngayon
ng P275 kada araw.

Sabi
ni TUCP president at Rep. Raymond Mendoza, na base sa talaan ng National Wages
and Productivity Commission, maliit lang ang itinaas ng sahod ng mga manggagawa
sa rehiyon mula sa dating P180.92 kada araw patungong P275 nominal daily wage,
o may kabuuang P4,703.92 kada buwan.

Mababa
aniya ang sweldo ng mga manggagawa sa kabila ng patuloy na tumataas ang presyo
ng mga bilihin at pang araw-araw na gastuhin ng isang ordinaryong pamilya.

Giit
ng grupo, dapat nasa P418 na ang nominal value ng sahod ng mga manggagawa.

Nabatid
na batay sa record ng Philippine Statistics Authority at National Economic
Development Authority sa unang quarter ng 2015, ang poverty threshold ng region
12 kada buwan ay nasa P10,488.

Kumpara
sa NWPC na P4,703.92 monthy real wage sa poverty threshold, dapat sana ay P10,488
na ang minimum wage living in extreme poverty.

Giit
ng grupo, masyadong mababa ang bayad sa mga manggagawa sa rehiyon at kailangang
taasan ang sweldo ng mga ito.

Sa
ulat naman ng PSA sa January 2016 Labor Force Survey na inilabas nitong Marso,
may 7.8 million workers na hindi sapat ang sweldo.

Taong 2014
nang magsampa ng petisyon ang TUCP sa RTWPB para dagdagan ang sweldo ng mga
manggagawa ngunit limang piso lamang ang inaprobahan ng gobyerno sa pamamagitan
ng cost of living allowance na naging epektibo noong January 1, 2015.

ISANG labing-walong taong gulang na lalaki ang pinakahuli sa mga inaresto sa Davao del Sur dahil sa paglabag sa Gun Ban.
Kinilala ng PNP ang suspect na si Roberto Escano ng Purok-6, Poblacion, sa bayan ng Sulop.Si Escano, ayon sa report, ay sangkot umano sa isang gang wars o riot ng mga kabataan, nito’ng Huwebes.Agad nahuli ng mga pulis ang suspect, kasama pa ang dalawang mga miyembro ng kanilang gang na kapwa menor-de-edad.Nakuha mula kay Escano ang caliber 38 revolver na may lamang mga bala.Agad siya’ng ikinulong sa selda ng Sulop PNP, habang ang dalawang mga menor-de-edad ay ikinustodiya naman sa opisina ng Municipal Social Welfare and Development Office.Simula buwan ng Enero, abot na sa labing-tatlo ang mga nahuli sa Region 12 dahil sa paglabag sa gun ban.NDBC BIDA BALITA HINILING ni Quinno Berdin, anak ng 78-anyos na si Valentina, na pauwiin na sa kanilang tahanan sa Arakan, North Cotabato, ang kanyang ina.
Sa isang video na naging viral sa Facebook at iba pang social networking sites, sinabi ni Quinno na walang katotohanan ang sinabi ng kanyang ina na sila’y naghihirap at wala nang makain.
Ito ay dahil may naaani pa sila’ng mga tanim kahit matindi na ang tagtuyot.
Kaya’t ikinagulat nila no’ng malamang sumama sa rally sa Kidapawan ang kanyang ina.At mas lalo pa sila’ng nangamba nang mabatid na kasama sa mga kinasuhan ang kanyang ina.
Noong makapagpyansa ang kanyang ina, hindi raw ito nakauwi sa bahay nila.
Nabatid niya na ayaw payagan ng mga lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP at ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato o ASLPC na makalabas ang kanyang ina.
Sa telebisyon na lamang daw nila nalaman na kasama sa mga testigo ang kanyang ina.
Sa video, nakiusap si Quinno na ‘wag gamitin ng alinmang grupo ang kanyang ina, lalo na sa kaso, dahil may sakit ito sa pag-iisip.
Ayon kay Senior Inspector Argie Celeste, ang chief of police ng Arakan PNP, dumulog sa kanilang istasyon si Quinno para humingi ng tulong na ito ay makauwi na sa kanilang barangay.
SOTand CELESTE
Si Senior Inspector Celeste ng Arakan PNP.

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...